XVII

21 3 1
                                    

"She lost the audition. Wala palang experience 'yong Agustin na 'yon!"

Sumipsip si Katy sa iniinom na milk tea.

"And what's the point? Hindi ka pa rin ba naka-move on sa babaeng 'yon?" Tanong sa kaniya ni Penelope.

"Seriously. Parang mas na-share mo pa sa'min ang tungkol sa muse ng section niyo kaysa kay Julien."

Masama agad siyang napatingin kay Delaney dahil sa sinabi nito. Maski si Penelope na unang nagtanong sa kanilang usapan ay ganito rin ang naging asal sa kaibigan. Humingi naman iyon ng paumanhin at pagkatapos no'n ay natahimik sila.

"But yeah, may point si Delaney."

Kay Penelope naman umangat ang tingin ni Katy, "hindi naman ito katulad sa sinasabi niya pero... never mo atang na-kwento sa'min si Julien ever since naghiwalay kayo. One time lang ata noong umuwi ka galing bakasyon niyo sa Baguio. Pero ang tagal na no'n at wala pang pasok no'n. Pangalawang beses mo nang na-kwento sa'min ang tungkol sa Agustin na 'yon. At tama siya, ni hindi mo man lang na-ku-kwento sa'min ang tungkol kay Julien."

Tila naguluhan sa sinabi nito ay kumunot pa ang noo ni Katy. Ngunit napalitan ito ng tawa makalipas ang sandali. "Katulad ng sabi ko dati, wala na kami ni Julien. Kaya ano pang pag-uusapan natin tungkol sa kaniya?"

"We know that. Pero ang point ko, hindi ka man lang nagkwento sa'min tungkol sa mga nararamdaman mo. Alam kong sasabihin mo na hindi pa ba enough 'yong time na umuwi ka ng Baguio at nagkwento ka sa'min na umiiyak but, yeah... hindi nga siguro. We are bestfriends, Katy. Hindi mo man sabihin pero alam ko kung paano ka pa rin nagagalit kay Julien dahil sa nangyari, at nakagagalit lang din minsan na hindi mo na sinasabi sa'min ang mga 'yon. Hindi ko maiwasang isipin na baka inaakala mo na huhusgahan ka namin kapag in-open up mo sa'min. I'm sorry but, hindi ko lang maiwasang isipin na gano'n dahil sa tagal nating magkasama. Lahat pinag-uusapan natin. At ngayon nagiging exception pagdating sa mga nararamdaman mo tungkol sa breakup niyo ni Julien."

"Hey, tama na." Mahinahon na awat ni Delaney sa katabi habang tinatapik ang balikat nito.

"No. Gusto ko lang sabihin sa'yo Katy. Alam mo 'yon. Pagdating kay Julien laging tikom 'yong bibig mo. Girl hindi ka naman ija-judge. Kami pa nga ang gumawa ng paraan para maging close kayo ni Julien, kaya bakit ka namin huhusgahan?"

Nagtataka at nakaawang ang bibig dahil sa mga narinig sa kaibigan, sinubukan ni Katy na basagin ang pananahimik, "sinong nagsabi na natatakot akong mahusgahan niyo 'ko once na mag-open up ako tungkol kay Julien?"

Si Delaney ang sumagot sa kaniya, "Katy halos lahat napag-uusapan natin, pero tahimik ka pagdating kay Julien. Kaya naisip namin na baka natatakot kang sabihin ito sa'min dahil akala mo huhusgahan ka namin."

Saglit na natahimik ang magkakaibigan.

"Ayokong pag-usapan si Julien. That's it. That's the reason kung bakit hindi ko bino-brought up ang tungkol sa kaniya. Hindi ako komportableng pag-usapan siya. Maliwanag na 'yon sa inyo?" Hindi alam ni Katy kung anong mararamdaman niya. Ngunit sigurado siya na hindi niya gusto kung ano ang nangyayari ngayon.

"Kung sinabi mo lang sana no'ng una." Tumayo si Penelope. Binitbit nito ang sariling bag. Pati na rin ang milk tea na in-order nito. Nagulat na lang siya nang magsimula nga itong maglakad.

"What the hell?" Bulalas ni Katy habang pinagmamasdan ang kaibigan na mag walk-out palabas ng milk tea shop. Lumipat ang tingin niya kay Delaney.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon