XIV

29 3 3
                                    

"Dahil ang paksa natin ay tungkol sa mga manggagawa, may working student ba rito?"

Nanatiling tahimik ang klase sa tanong ng guro.

"Wala?" Tanong muli nito. Naglakad ito patungo sa kaliwang bahagi ng kwarto. Mula roon ay nakita niya ang isang mag-aaral na parang may nililingon sa likod.

"Kristine? Anong meron sa likuran?"

Lumingon sa kaniya ang estudyante. Umiling muna ito. "Wala po. Naalala ko lang po dati si Oscar na nakita ko sa–

"Oscar?" Lumingon ang guro sa bandang likod kung nasaan nakaupo ang tinutukoy, nakita nito ang lalaking ngayo'y nakatingin na sa kaniya, "working student ka ba?"

Hindi naman nakasagot si Oscar.

Dahil sa mga nakalipas na gawain nito sa klase na siyang nagbibigay ng masamang imahe sa kaniya, kilala na siya ng lahat ng guro sa kanilang seksyon.

"Tinatanong kita Oscar."

"Yes po Ma'am!" Sagot nito nang tanungin muli ng guro.

"Bakit hindi ka nagtataas ng kamay kanina? O siya, maaari ka bang tumayo na lang dito sa harapan at ibahagi sa'min ang kaunting detalye tungkol sa iyong ginagawa?"

Nanatiling nakaupo si Oscar. Narinig niya naman ang mga bulong sa harapan niya na sinasabing sundin ang guro at baka ito'y magalit pa. Natigil lang ito nang lumapit na ang guro at kumbinsihin pa siya lalo sa nais nito. Tinignan niya muna ang katabing si Tracy at kalapit na si Aaliyah. Hindi naman ito nagsikibuan.

"Sige na. Minsan ka lang mag-participate sa klase natin," dagdag pa ng guro. Dahil sa mukhang hindi siya titigilan ng guro ay napagpasiyahan niyang tumayo, maglakad palabas ng hilera nila, sundin ang gusto nito.

Unti-unting nagpalakpakan ang mga kaklase na parang tuwang-tuwa sa nakikita. Dahil nga siguro sa bihira lang nilang makitang makilahok sa mga klase ang lalaki.

Ngunit kung sila'y tuwang-tuwa, mas lalong sumama ang mukha ni Oscar. Hindi niya pinansin ang mga masasayang kaklase at dumiretso lamang ng tingin.

Pinatahimik ng guro ang klase. Muli itong nagsalita tungkol sa paksa, nagbigay ng introduksyon hanggang sa magtanong na ito sa binata.

"Nais ba naming malaman kung anong trabaho mo, Oscar?"

Napalunok si Oscar. Yumuko ito at bumulong na naging dahilan para lapitan siya ng guro at paalalahanan. "Lakasan mo," sabay layo nito sa kaniya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago sagutin ang tanong ng guro, "assitant ako sa isang punerarya"

At sapat na rin ang lakas ng sinabi niya para marinig ng buong klase. Sa oras nang sabihin niya iyon ay namayani agad ang katahimikan sa buong kwarto. Nagsimulang magtaka ang karamihan. May ilan pang napabuka ang bibig. Mukhang hindi nakapaniwala ang mga ito sa narinig sa kaniya.

"Punerarya? Wow!" At mukhang pati ang guro ay nagulat din dito. Nagtungo ito sa puwang sa gitnang bahagi ng kwarto, kumuha ng upuan na ipinwesto rito at inupuan. "Paanong assistant? Anong mga ginagawa mo roon?"

"Tumutulong lang po ako sa paglilinis sa loob. Tumutulong din kapag may mga bulaklak o casket na dumadating. Kung anong pwedeng maitulong sa punerya."

Tumango-tango ang guro, maging ang ilang kaklase niya na nakikinig. "Magkano naman ang sinasahod mo?"

"One thousand. Lingguhan."

Magtatanong pa muli sana ang guro nang biglang may isa ring guro na sumulpot sa pintuan ng kwarto. Dahil dito ay natigil ang nangyayari sa loob. Lumapit dito ang kanilang guro at nakipag-usap.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon