XII

30 3 2
                                    

"Pinapunta namin kayo, Mrs. Trinidad para sabihing... Nakapagdesisyon na ang Buencamino sa nangyaring insidente. Kahapon lang nakipag-usap muli sa amin ang ilang madre ng bahay-ampunan, kasama si Macatangay. Sila na mismo ang nagsabing ida-draft out na nila si Macatangay. In short, mawawala na siya sa Buencamino."

Nakayuko nang pumasok ng headmaster office si Julien, ngunit agarang napalingon siya sa matandang lalaki na siyang head director ng paaralan sa mga huling sinambit nito.

Gulat. Ito ang halatang naging reaksyon niya.

"Thank you Mr. Fojas," ang kaniyang ina na napakapit pa sa lamesa ng namamahala ng paaralan. Hindi maitatago ang saya nito sa pasasalamat na ginawa kahit hindi ito tuluyang nakangiti. Medyo nabulol pa ito sa mga sunod na sinabi, "may balak ba silang ilipat ng paaralan ang batang 'yon? Gusto kong siguraduhin na alam ng lilipatan niya kung anong nangyari rito at bakit siya naghahanap ng ibang mapapasukan. Dapat lang malaman nila kung anong nagawa ng batang 'yon, para hindi na maulit pa ang nangyari."

"Walang silang nasabi sa amin kung may balak ba silang ilipat ng ibang school si Macatangay. Pero sa tingin ko ay oo. Humiling kasi sila na kung pwede, ay hayaan naming tapusin niya ang buong first quarter ng first semester dito sa Buencamino." Napahinto sa pagsasalita ang matandang guro dahilan para maiwang bitin ang ina at igalaw-galaw nito ang ulo habang munting nakaawang ang bibig.

Napahigpit ng sara ng labi ang head director. Nagpatuloy ito, "at pinayagan namin ang hiling nila. Actually, inasahan lang namin na ang pag-uusapan kahapon ay ang posibilidad na baka mawala ang scholarship ni Macatangay. Alam nating lahat na ongoing pa rin ang investigation, kaya hindi kami nagbibigay ng desisyon. Pero ayon nga, nagulat na lang kami nang sinabi nilang kusang-aalis na si Macatangay ng Buencamino. Kasama roon 'yong hiling na 'yon, na pinayagan ko. Katulad nga ng sabi ko, hindi ako magbibigay ng hatol hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon. At aaminin ko na nahirapan kami habang gumagawa ng hakbang. Hindi natin makausap nang maayos si Macatangay, kahit sa ampunan daw ay hindi siya makausap ng mga madre. Pero nang sabihin nila ang tungkol sa desisyon nila, alam naming doon na matatapos. Hindi na naming kailangang magdesisyon pa dahil ang mga madre na ang nagdesisyon para sa kampo nila. Pumayag na ako sa hiling nila dahil hanggang ngayong linggo na lang ang first quarter. Periodical examinations na lang ang tatapusin niya at pagkatapos no'n, wala na siyang kaugnayan pa sa Buencamino. Huwag niyo sanang mamasamain, pero ayoko lang din ipagkait sa bata ang unting panahon niya na tapusin ang buong quarter, knowing na hindi rin natapos ang imbestigasyon dahil sa kusang pag-alis niya ng Buencamino."

Katahimikan. Ang ingay lamang ng aircon ang tanging narinig sa loob ng opisina ng sandaling iyon.

"Pero hindi namin pinayagan na i-take niya ang exams ngayong araw na ito at hanggang bukas. Binigay namin ang Thursday sa kaniya para sa ganoong araw niya i-take ang lahat ng exams. Wala nang pasok ang mga estudyante at tanging mga guro na lang ang nandito sa araw na 'yon. Nais sana naming ipauwi na lang sa kaniya ang test papers pero naisip namin na dito na lang para mababantayan siya. Katulad lang din sa mga estudyante ang proseso na gagawin sa kaniya para maging fair. At doon nga pala sa sinasabi mo Mrs. Trinidad na paglipat niya ng ibang school, huwag kayong mag-alala dahil maisusulat sa good moral certificate ni Macatangay ang tungkol dito. Kaya sa malamang ay malalaman din talaga ng lilipatan niya ang nangyari."

Mag-isang lumabas si Julien ng opisina. Nakayuko itong naglakad palabas ng gusali. Hindi niya alintana ang maingay na paligid at kasabay na mga estudyante. Nagpatuloy siya patungo sa likurang parte ng Buencamino.

Unang araw ng pagsusulit ngayon. Saktong kasisimula lamang din ng Agosto. Dahil puro test papers lamang ang haharapin sa araw na ito, halos karamihan ay maliliit na bag ang dala, kung saan tanging papel at lapis lang din ang mga laman. 9:54 na at mahigit limang minuto na lang ay magsisimula na ang pagsusulit.

LingidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon