Prologue

1.5K 27 1
                                    


Isa lang siyang ordinaryong babae noon, na walang ibang hinangad kundi ang magkaroon nang magandang buhay.


Hindi sila mayaman. Isa lang siyang ordinaryong babae na nag.aaral sa isang sikat na iskwelahan dahil sa nakuha niyang skolarship.


Mabait siya, Matalino, Masayahin, Maganda. Yun ang sabi sa kanya ng pamilya at nang kanyang mga tunay na kaibigan.


She was in 4th year college, nang makilala niya ang lalaking ito.

Matalino, Mabait, Mayaman at Sobrang Gwapo. Ideal Man ikanga.


Pero kahit kailan, ay hindi siya nagkainteres dito. Dahil alam naman n'yang hindi siya mapapansin nito.


Isang araw, habang naglilinis siya sa isang Music Room ay kumakanta siya. Hindi niya alam na may taong nakikinig pala sa kanya.

Isang araw, bigla nalang siyang pinansin nang lalaking, hindi niya lubos akalain na papansinin siya. At minsan narin siyang nailigtas nito sa mga taong nambubully sa kanya.

Hanggang isang araw, nakulong sila sa isang kwarto. Sila lang dalawa. At doon na nagsimula ang lahat. Nagtapat ito sa kanya ng pag.ibig.


Niligawan siya nang lalaki. Pero hindi agad siya naniwala. Dahil feeling niya noon. Pinaglalaruan lang siya nito. Pero laking gulat niya nang bigla itong dumalaw sa munti nilang bahay at pinaalam nito sa magulang niya na siya ay nanliligaw sa kanya.

Simula noon ay unti-unti nang nabubuo ang tiwala niya para rito. Lumipas ang mga araw, ay hindi parn tumitigil ang binata sa pangliligaw sa kanya. At hindi niya nalalaman na nahuhulog na pala siya sa binata.


Lumipas ang Isang buwang panliligaw ng binata ay sinagot na niya ito. Dahil alam niyang mahal talaga siya nito.


Maraming hindi sang.ayon sa relasyon nila. Dahil langit at lupa daw ang kanilang agwat. Pero hindi yun naging dahilan para paghiwalayin sila. Siya against the world ikanga.

Pinakilala siya ng binata sa mga magulang nito. At laking galak niya nang tanggapin siya ng mga magulang nito.


Isang araw, isang buwan, isang taon, dalawang taon. Masayang masaya ang dalaga dahil hindi niya aklain na aabot sila nang ganoon katagal. Maraming nangyari. Sabay silang nagtapos sa kolehiyo. Nagkahiwalay . Pero nagkabalikan ulit. Masaya sila. At alam nila, na sila na ang para sa isat isa.

Nagtrabaho bilang isang secretary ang babae. Habang ang lalaki naman ay ang nagmamanage ng kanilang companya.

Isang araw, kaarawan nang binata ay may nangyari sa kanila. Ito ang unang beses na may nangyari sa kanila. Binigay niya ang kanyang sarili, dahil alam na man niyang sila na ang para sa isat isa. Dahil alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang kabiyak.

Hanggang sa dumating ang kaarawan niya. Isang buwan lang ang pagitan ng kaarawan nila. Ay sinorpresa siya nito at para sa kanya yun na ang pinakamasayang araw ng buhay niya. Dahil inalok na siya ng kasal. At tinganggap niya ito.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon