Chapter -33

506 14 9
                                    

Van POV

Napabalikwas ako nang bangon ng mapansin kung maliwanag na sa labas.Mabilis akong tumayo sa kama at tinignan ang selpon ko. "Sh*t" Alas 7 na pala ng umaga. Nakatulog pala ako. Aligaga akong pumasok sa banyo and I take a quick shower.

...

"Kuya aalis ka na ?!" Salubong na tanung ni Lexie sakin habang mabilis akong bumababa sa hagdan.

"Bakit hindi mo ako ginising. Anong uras na." Balik tanung ko sa kanya. Sh"t. Im panicking. "Sh*t" bulalas ko. Yung susi sa sasakyan ko Nakalimutan ko pa. Kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa taas.

"Hahahaha Relax, Kuya. Ang aga-aga pa. Hahahaha" hindi ko na pinansin 'yung sinabi ni Lexie. Wala akong pakialam kung maaga pa. Dapat ako ang mauna kaysa sa kanila.

****

Michelle POV


"MOMMY let's go!" Sigaw ni Axel habang hinila-hila niya ang kamay ko. Andito na kami ngayon ni Axel sa park. Actually alas 10 palang ng umaga. Balak ko sana na mamaya nalang hapon kami pupunta dito pero nung sinabi ko kay Axel na magkikiya sila ngayon nang ama niya ay wala na itong ibang ginawa kundi kulitin ako. Gusto na daw niya makita ang Daddy niya. Kaya wala na akong nagawa. And I already texted Van. And he said he is already here.

"Yes baby. Lets go." Bumuntong hininga ako. Ito na 'to. Wala na 'tong atrasan.

Hawak ko ang kamay ni Axel habang papasok kami sa Park. Inilibot ko ang tingin ko. Medyo malaki narin ang pinagbago nitong park simula nung huli kung punta dito. And I smiled a little bet nung maalala ko ang araw na 'yun.

"Sam, anong ginagawa natin dito sa park ?" Tanung ko kay Sam. "Hapon na oh! Baka hanapin na ako nina Mama." Dagdag ko.

"Basta. Relax ka lang Michelle." Sagot niya. Hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa park. Ngayon lang ako nakapunta dito. At hindi ko mapigilang mamangha. Ang ganda ng park na ito. Puno ito ng makukulay na bulaklak. At hindi ko mapigilang mapangiti. Mahilig kasi ako sa bulaklak at masaya ako sa nakikita ko.

Nabalik ako sa huwisyo nang biglang magsalita si Sam. "Michelle, dito ka lang ah. Wag kang aalis." Bilin niya.


"Huh ? Pero san ka pupunta?----hui! Sam." Ay letcheplan. Tumakbo na paalis ang bruha. Iwanan ba daw ako ? Ang saya.

Napatingin ako sa lugar. At don ko lang napansin ang malaking fountain na nasa harap ko. "Wow!" Bulalas ko nang bigla bumukas ang fountain. Ang ganda. May iba't ibang kulay. Dahil medyo madilim na kaya mas naappreciate ang mga kulay. Hindi ko mapigilang mapangiti at mamangha. Ang ganda talaga. Parang sumasayaw ang mga tubig.

Napatigil ako sa panood nang biglang may tumugtug.

Mula nang makilala ka

Lagi na lamang naiisip ka

Ang 'yung ganda ay naiiba

Hangad ko lagi ay makita ka

Agad akong napalingon sa likuran ko. At laking gulat ko nang makita ko ang maraming tao. Saan galing sila ? Eh wala naman tao kanina. At teka! Sobrang feeler ko na ba ? Sakin ba sila nakatingin ? O sa fountain ?

Sana'y hindi panaginip

O di kaya'y katang-isip

Naakit mo ang puso ko

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon