Epilogue

741 10 5
                                    

Michelle POV



"Vaaaaaannn!!!!!" Sigaw ko nang pumikit na siya at kasabay nun ang pagbagsak ng kamay niya.


Kinabahan ako. At sobrang nakaramdam ako ng takot. At wala na akong ibang naririnig kundi ang lakas ng pintig nang dibdib ko.


"N-no!! Van. No! Gumising ka!" Sigaw ko habang niyuyogyog siya. "Vaaan!!! Gumising ka. Buksan mo ang mata mo. Van, Please." At hindi ko na napigilang mapahagulhol.



Kailan ba kami sasaya. Bakit ba palagi nalang may humahadlang sa kasayahan namin.


"Vaan!!!"



"Ma'am kailangan na po nating dalhin ang pasyente sa hospital baka po maubusan siya ng dugo." Tumago ako at dali-dali nilang sinakay si Van sa ambulansya at madali itong sinugod sa hospital.



...




Kanina pa ako hindi makapali at umiiyak habang naghihintay dito sa labas ng ER. Hanggang ngayon kasi hindi pa natatapos yung operation ni Van. At halos natawag ko na lahat ng santo para lang ipagdasal na sana mabuhay pa si Van. At hindi niya kami ewan.





"Michelle!!" Agad akong napatingin sa taong mabilis na naglalakad papunta sa direksyon ko. "Ma" mahina kung tawag kay mama saka ko siya niyakap ng mahigpit. "M-ma si V-Van. Ma si Van" at hindi ko na napigilang mapahagulhol.





Hinagod ni Mama ang likod ko. "Anak, magtiwala ka lang sa Diyos. Hindi niya pababayaan si Van." Sabi ni Mama saka siya kumalas at tinignan ako sa mukha. She cupped my face. "At masaya ako anak dahil walang nangyaring masama sayo anak. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sayo." Dagdag ni Mama. At niyakap ako ulit.





Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama nung makita ko si Tita Yanie kasabay si Lexie na nag mamadaling naglalakad papunta sa direksyon ko. "Michelle, si Van ? Kumusta ang anak ko ?" Nag-aalalang tanung ni tita. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto nang Er at iniluwa nito ang doktor kaya mabilis namin siyang sinalubong.




"Dok, k-kumusta ang anak ko ?" Tanung ni Tita Yanie. At pigil hininga ako habang hinihintay ang sagot ng doktora.




"Sa ngayon hindi ko pa masasabi ang condition ng pasyente. At may bahagi sa lamang loob niya ang natamaan nang bala. At madaming dugo ang nawala sa kanya, kaya kailangan niyang masalinan agad." The doktor paused. At para akong hindi makahinga dahil sa mga sinabi niya. Kaya mahigpit akong napapahawak sa kamay ni Mama. "Sa ngayon, oobserbahan muna namin siya." Dagdag nang doktor. At kasabay nun ang paghagulhol ni Tita Yanie.




...




Its been two weeks pero wala paring malay si Van. Nasalinan na siya ng dugo pero hindi parin siya nagigising. Ang sabi naman ng doktor baka ay na'coma si Van. At hindi nila alam kong kailan ito magigising.





Andito ako sa hospital room ni Van habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Naawa ako kay Van. Ang daming kung ano-anong nakakabit sa kanya. Kung hindi niya siguro ako iniligtas siguro wala siya sa kalagayan niya ngayon.





"Mommy" agad akong napalingon kay Axel na ngayo'y nakatayo sa may pinto. Habang hawak-hawak siya ni Michael. "Ate, nagpupumilit kasi siya. Gusto daw niyang makita ang Daddy niya." Paliwanag ni Michael. Tumango lang ako saka nginitian ang kapated ko.



"Come here, Sweety." Tawag ko kay Axel. At lumapit naman sakin ang anak ko.



"Sa labas lang muna ako, Ate. " Michael said as he closed the door.



Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon