Chapter -4

701 18 0
                                    

Elle's Pov

One week later. Isang linggo narin ang nakakaraan simula nung mag.usap kami ni Papa at Mama. At nasabi ko narin sa kanila lahat.


Masaya ako. Masayang-masaya at the same time parang wala na akong mabigat na dinadala sa dibdib. Wala na akong nililihim sa pamilya ko. Para akong ibong nakawala sa hawla. And I'am very thankful, dahil hindi nagalit sila Papa, bagkus They're happy. Matanda na daw sila. Kaya masaya daw sila na makita ang una nilang apo. At kasing gwapo pa ni Axel. Tho hindi maiiwasan na mag tampo sila. Pero ok na.

"Ilang taon na siya ?" Papa asked.

Kami nalang tatlo ang naiwan dito sa loob ng hospital room ni Papa. Lumabas na muna kasi sina Michael at ang anak ko.

At ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Alam ko, ito na to. This is the time.


"H-he is fo--four years old, Pa." Nauutal kung sagot. Papa just stared at me. Alam ko naghihintay lang sila."M-ma, P'pa.....I'am very very...very sorry for hiding this to you.." Hindi ko na napigilan ang maiyak. Nakatayo lang ako kaharap sila. "I was just afraid. Natatakot po ako. Sobrang takot, na pag nalaman niyo yung nangyari sa akin....nabuntis, at iniwan nang..... nakabuntis,....ay madisappoint kayo sakin." Hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Pinunasan ko ang mga luha ko, pero hindi parin ito tumitigil. "Alam ko po, sobrang taas nang apat na taon. Para ilihim sa inyo ang katotohanan. Same reason, natatakot po ako, na baka mawala sakin ang anak ko. Sobra ko po siyang mahal. Na ikamamatay ko, pag nawala siya sakin." Palakas ng palakas ang hikbi ko. Hindi ko na kayang pigilan. Ang sakit pala, sobrang nakakakonsensya. Ang umamin sa mga magulang mo. Nang mga bagay na nangyari nung nakaraan na pilit mong inilihim sa kanila.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mama sakin. Alam na kasi ni Mama simula palang. Pero si Papa, wala siyang kaideideya, na nabuntis na pala ako noon. At alam ko nabigla sila noon na pagising ko nalang isang araw ay sinabi ko sa kanila na aalis ako papuntang Paris.


*Sigh* I heard Papa Sigh. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Papa.


"Nakalimutan mo bang....anak ka namin, anak, at kami ang magulang mo ?" Agad akong napatingin kay Papa, sabay punas ng mga luha ko. "Kahit ano paman ang nagawa mo. Anak ka parin namin, Michelle. Tanggap namin ang mga kamalian mo, Anak. Dahil ano ma't ano man ang mangyayari, anak ka namin. Kadugo. Sa amin ka nanggaling nang Mama mo. At kahit ano paman ang nagawa mo. Matatanggap at matatanggap ka namin, kahit ilang beses kapang magkamali, Anak. Yan ang tatandaan mo. Mahal na Mahal ka namin, Anak. Si Axel ay biyaya galing sa Diyos kaya wag mong iisipin na hindi namin siya matatanggap." Papa.

Natigilan ako sa sinabi ni Papa. So mali ako. Maling Mali. Lumapit ako kay papa at niyakap siya. "Huhuhu Pa.. Sorry Po. Huhuhu"


Hinimas ni Papa ang likod ko."Pero, apat na taon kang naglihim sa amin. Wag mo nang uulitin yun a. Dahil kahit ano paman yang problema mo, andito kami nang mama mo. Handa kaming makinig, Anak. Dahil walang magulang ang gugustuhing makitang nasasaktan ang mga anak nila. Tandaan mo yan.....ngayong magulang ka na rin."


Sobrang saya ko that night. Pero sobra rin akong nakokonsensya dahil sa pinagdudahan ko ang kakayahan nila bilang magulang sa'akin. Pinangunahan ko sila. Dahil kung may mga problema man tayong mga anak...dapat sa magulang tayo unang tatakbo. Ou't magagalit sila. Masasaktan. Pero at the end of the night. Magulang parin sila. Na handang dumamay at hinding hindi ka iiwan. At tutulungan kang bumangon.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon