Chapter -19

499 10 1
                                    

Van POV





"May mga bagay lang talaga na hindi nakalaan para sa isa't isa. Pero maniwala siya. Minahal ko siya. At kahit kailan ay hindi 'yun nawala. Nasaktan ko siya dahil kailangan ko siyang protektahan at ialis sa mas matagalan na sakit. Mas mabuti nang masaktan siya ng mas maaga para pigilan siya sa masakit na katotohanan sa mas napakaraming panahon." Pagkatapos kung sabihin 'yun ay inunahan ko na siyang lumabas sa elevator.




Agad akong lumabas ng building at dumeritsu sa kotse ko. Wala talagang nakakaalam nang mga susunod na mangyayari. Hindi ko 'yun inaakalang mangyayari. Matagal akong nakauwi dahil may tinapos pa akong proposal. And akala ko nakauwi na siya. Dahil hindi na rin naman siya nag o'Overtime. Kaya nagulat ako kanina nung makita ko siya sa loob ng elevator. Tapos bigla nalang tumigil ang elevator. And nabalik na naman kami sa dati. She asked me. God knows how much I wanted to tell her the truth. Pero hindi pwedi. Nasimulan ko na 'to kaya tatapusin ko 'to ng ganito. Mas maigi na, na wala siyang alam. Para hindi siya masaktan.




Hindi agad ako umalis. Nanatili lang ako sa loob ng kotse ko. Hinihintay ko na makalabas siya. At kitang-kita ng dalawa kung mata kung pano niya ngitian at yakapin 'yung lalaki. She even kissed him. Upon seeing it ay napapahigpit ang hawak ko sa manibela. Seems they're couple. Ok na 'yun. Atleast now, alam ko nang ok na siya. Hanggang sa makaalis na sila ay hindi padin ako umalis. Paksh*t ang sakit pala. Seeing your love with another man makes your heart broke into pieces. Pero matagal nang basag ang puso ko. Simula nong araw—araw na nagdisisyon akong iwan siya.




Umalis ako 'don at nakita ko nalang ang sarili ko dito sa bar habang nakaupo sa harap ng bar counter . Umiinom na naman ako. Tsk! Kinuha ko ang isang baso ng alak at mariing tinitigan. Shi'nake ko ito at ininom. Hawak-hawak ko lang ang baso habang nakatingin sa kawalan.




"Nagawa ? "Bakit ? Ano bang ginawa mo sakin noon ?" 



"Ay ou nga pala. Iniwan mo ako. Iniwan mo ako nang walang dahilan. Basta isang araw nakipaghiwalay ka nalang sakin diba?"



I shaked my head nang maalala ko 'yung mga sinabi ni Michelle kanina. Ininom ko ang natitirang alak sa baso ko at nag'order ulit.



"Nakipaghiwalay ka sakin nang hindi ko alam kung ano ang rason. Bakit mo nga ba—ako sinaktan noon, Van ?" 



"To—Totoo bang mi—minahal mo a-ako noon, Van ." 





Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon