Chapter -8

636 13 2
                                    

Elle POV

"Grabi! Talagang----tsk. Move on. Pero---arrgHh--- ay ewan." Hahaha si Sam 'yan. Ininom niya ang juice niya saka niya tinignan si Axel, na naglalaro.

Hanggang ngayon hindi parin kasi siya makapaniwala na may anak na ako---at si Axel 'yun. Kanina pinakilala ko na sa kanya ang Anak ko.

Andito kami ngayon sa garden, habang nakaupo sa bakal na upuan. "Grabi, Michelle. Pano mo 'yun nagawa. I mean, sobrang tagal nang apat na taon. At sa loob nang apat na taon na 'yun ay mag-isa mong pinalaki ang anak mo, na sobrang nakakaproud din. Dahil kitang-kita ko kung gaano ka ayos ang anak mo." Tumingin siya sa'kin. "At ang tatag mo rin, akalain mo 'yun sa loob nang apat na taon, na kaya mong siyang ilihim sa amin." And she turn her glance to Axel.


I sigh. "Sobrang hirap, Sam. Napakahirap. Lalo na't ako lang mag-isa ang bumubuhay sa anak ko. I dont have family there, na pwedi kong hingan nang tulong. Wala. Kaya, sobra akong nagpapasalamat kay----Kean. Dahil sa kanya kung bakit ako ganito ngayon, Sam. He is the one who helped me. At utang ko sa kanya ang buhay namin nang anak ko." Napatingin sa'kin si Sam. "Kean ? Sino siya ?" Curious niyang tanung.


Tinignan ko siya saglit saka ngumiti. "Si Kean. Ang tumulong sa'kin para bumangon. My savior and My hero." At bigla ko nalang naalala, how Kean helped me, nung mga panahong lugmok na lugmok na ako.

Halos dalawang linggo na akong pabalik-balik sa Condo niya simulang nang makipaghiwalay siya sakin. Pero kung hindi masasakit na salita, ay pinagtatabuyan niya ako. At para akong isang taong baliw, kung ipagtabuyan niya. Ilang beses na niyang tinapakan ang pagkatao't pagkakabae ko. Pero sadyang tanga lang talaga ako't pilit parin sinisiksik ang sarili ko sa kanya.

Hindi ko matanggap, at pilit kong iniisip kung ano ba ang nagawa kung mali, para makipaghiwalay siya sakin. 'Bakit ?' 'Yan palagi ang tanong ko. Once I asked him kung bakit, and he said. 'He doesn't love me anymore.' Pero hindi ako naniniwala. Alam kung mahal niya ako. Dahil 'yun ang sabi niya. He even asked me to marry him. At naka'schedule na ang date nang araw nang kasal namin. And I found out----na buntis ako.

Gusto kung sabihin sa kanya na nagdadalang-tao na ako, pero nalaman ko nalang isang araw na hindi na pala siya umuuwi sa condo unit niya. Umuwi na siya sa kanila.
Namatay ang pag-asa ko na sana'y magkakabalikan pa kami dahil dito---sa magiging anak namin.

Lumabas ako sa building na 'yun na umiiyak at wala sa sarili. Nakaramdam ako nang sakit sa ulo, pero hinayaan ko nalang. Hanggang makarating ako sa parking lot. At 'don hindi ko na nakaya----nawalan na ako nang malay.


Nagising nalang ako na nasa hospital na ako. Kahit masama pa ang pakiramdam ko ay umalis ako sa hospital na 'yun. Naglalakad ako sa hallway nung mapaupo ako sa sahig. Hindi ko na kaya, nanginginig ang mga tuhod ko. Masakit ang ulo ko pero mas masakit ang puso ko.


At bigla ko nalang naramdaman ang dalawang kamay sa mga balikat ko. Kaya unti-unti kong itinaas ang ulo ko. And when our eyes meet, ay bigla ko nalang siyang niyakap at umiyak sa mga bisig niya.


Nang feeling ko ay ok na ako, ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. At yumuko. "So----Sorry."
Pero he didnt respond to my sorry. But instead, inalayan niya akong makatayo. At hinila para maglakad, dahil sa wala akong lakas ay nagpahila nalang ako sa kanya. At dinala niya ako sa isang restaurant.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon