Chapter -13

565 10 0
                                    

Kean POV





"Ok----So everything is set ?----Yes---Ok---Ok--Thank You---ok, if something happen just tell me asap.--ok---bye." I smiled as I put my phone sa ibabaw nang center table. Andito ako sa Pad ko. Nakaupo sa couch. I rest my back sa sandalan ng couch.


I been so busy this past few days. Dahil may pinaghahandaan ako. Kinuha ko ulit ang selpon ko sa ibabaw ng lamesa at tinignan ang wallpaper ko. At napapangiti nalang ako. It was me, Axel and Elle. Nasa balikat ko si Axel habang nakasabit naman ang kaliwang kamay ni Elle sa kanang braso ko. At bakas sa mukha namin ang saya. This photo was taken nung nasa Paris kami. At nasa likod namin ang mataas na Eiffel Tower.

Hinawakan ko ang screen kung saan ang mukha ni Michelle. And suddenly nagflashback sa'kin yung araw na nakilala ko siya.


Tatlong diretsung araw ko na siyang palaging nakikitang pabalik-balik sa isang Condo Unit. Akala ko nung una ay 'don siya nakatira. Pero isang araw nakita ko siyang pinagtatabuyan at pinagsasabihan ng masasamang salita ng isang lalaki. Kita ko 'yun dahil hindi naman ganun kalayo ang condo unit nung pinupuntahan niya sa unit ko.

Naawa ako sa kanya. Dahil sobra na siyang pinapahiya nang lalaki pero hindi parin siya tumitigil.


Isang araw, papunta ako sa kotse ko. Pero nakita ko siyang matutumba na, kaya mabilis ko siyang nilapitan. At nahimatay siya kaya dinala ko siya sa hospital. At doon ko nalaman ang tunay niyang kondisyon. Nagdadalang-tao pala siya.

Iniwanan ko muna siya saglit sa hospital room niya dahil kakausapin ko ang doktor niya. Pero nung makabalik na ako ay wala na siya 'don. Kaya mabilis ko siyang hinanap.

At nakita ko siya sa hallway nang hospital. Nakaupo sa sahig. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako at umiyak ng umiyak. From that moment ay sobra akong naawa sa kanya. Niyakap ko siya pabalik. At hinimas himas ang likod niya para kahit sa ganoong paraan ay mabawasan man lang nang kahit kunti ang sakit na nararamdaman niya. Nung sa tingin niya ay ok na siya ay dinala ko siya sa isang reastaurant.


At hindi pa doon nagtatapos amg lahat. Isang araw ay muntikan ko na siyang mabangga dahil sa bigla niyang pagtawid. Buti nalang ay nakapagbreak ako kaagad. That moment ay kitang-kita ko ang takot sa maganda niyang mukha.


Hindi ko alam kung bakit, basta dinala ko nalang siya sa dagat. Dahil 'yun ang ginagawa ko pag hindi ko na kaya ang bigat nararamdaman ko.


She screamed. At bakas sa boses niya ang hinanakit at lungkot. Seeing her like that ay parang ako narin ang nasasaktan. Hindi ko siya kilala pero I have this feeling na gusto ko siyang tulungan. Na gusto kung punasan ang mga luha niya at akuin ang sakit nararamdaman niya. Hindi ko alam kung bakit pero may humihila sa'kin para tulungan siya.

Kaya tinulungan ko siya. At tinanggap niya ang tulong na inoffer ko. Sumama siya sakin sa Paris.


Pinag-aral ko siya sa Paaralan ko at laking gulat ko nun sa galing niya sa papipinta at paguhit. Kaya hindi na ako nagtaka, kung bakit siya naging sikat at kilala sa larangan ng art.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon