"Hoy, Jude! Anong nangyari?" tanong sa akin ni Jonas nang makalapit siya sa akin. Hinila niya ako palayo roon sa pila. "Bakit ka sinampal ng crush mo?" dagdag pa niya.
"Nabastusan yata siya sa 'kin, tol," saad ko habang nakahawak pa rin sa pisngi kung saan nakatanggap ako ng sampal. Ngunit unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang pakiramdam ng malamot na kamay ni Stephanie.
"Gago, ba't nakangiti ka d'yan na parang timang?"
"Gagsti, ang lambot pala ng kamay niya," sambit ko. Nabatukan naman ako ni Jonas pero kahit siya lumaki ang tawa sa akin.
"Potek! At nagawa mo pang magpantasya sa gitna ng kahihiyan? Umalis na nga tayo rito at pinagtitinginan tayo ng tao."
Wala na kaming pagpipilian kung hindi ang bumalik sa classroom at pagdiskitahan na lamang ang binaon sa akin ni inay na nilagang kamote. Kahit dito ay hindi natigil ang pagtatawanan at pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko. Mukhang nasaksihan nila ang nangyari kanina.
Napasapo na lang ako sa noo ko habang paulit-ulit sa utak ko ang ginawa ko. Bakit ba kasi sa lahat ng oras na tataas ang sundalo ko ay kung kailan nasa harap ko si Stephanie? Malamang ay pag-iisipan niya ako nang masama. Idagdag pa na akala niya ay sinilipan ko talaga siya.
Napatingin ako sa pagitan ng pantalon ko. Punyemas. Nakatayo pa rin. Anong gagawin ko rito?
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jonas nang makita niya akong tumayo.
"Sa c.r."
"Sama ako."
"Gago."
Iniwanan ko na siya roon pagkatapos ko siyang sabihang siya na ang magligpit ng pinagkainan namin. Tumakbo na ako papunta sa c.r. pero bago pa ako tuluyang makarating ay may nakabangga ako. Si Nya Nya. Nang makita niya palang ako ay lumawak na ang ngiti sa mga labi niya. Mukhang alam niya na rin ang nangyari, ah, at mukhang aasarin ako.
"Jude, balita ko—"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. "Hindi 'yon totoo."
Napatingin naman siya sa baba ko kaya tinakpan ko iyon. "Hindi raw? Eh, bakit ka papunta sa c.r.? Magpaparaos ka, 'no?"
Kahit kailan talaga, ang lakas mang-asar nito. Siningkitan ko siya ng mata bago ako naglakad palayo sa kaniya. Nawala na tuloy ako sa mood. Umihi na lamang ako at lumabas.
"Oh, ang bilis mo naman yata?"
Nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader malapit sa pinto. Nakangisi siya sa akin at muli na namang tiningnan ang ibaba ko.
"Pwede ba? Tigilan mo na ako?" puno ng yamot kong wika sa kaniya.
Umiling siya. "Bakit? Naiinis ka na ba? Ano bang kaya mong gawin laban sa akin?"
Hinarap ko siya. Nakakunot ang noo ko at kapwa magkasalubong ang kilay. "Hindi ko alam bakit palagi mo akong pinagti-trip-an. Baka hindi na ako makapagpigil. Nakakalalaki ka na."
BINABASA MO ANG
Hey, Jude! (TO BE PUBLISHED)
JugendliteraturTO BE PUBLISHED UNDER BLACK INK Matagal nang may pagtingin si Jude sa kapitbahay nilang si Stephanie ngunit wala siyang lakas ng loob na aminin ito. Bukod sa isa sa pinakamayaman sa probinsya nila ang pamilya ni Stephanie, pakiramdam ni Jude, wala s...