Kabanata I

1.1K 29 15
                                    


Tamang lakad lang ako para sumilay sa kapitbahay naming maganda nang makita ko ang isang matabang lalaki na papalapit sa bahay ng crush ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tamang lakad lang ako para sumilay sa kapitbahay naming maganda nang makita ko ang isang matabang lalaki na papalapit sa bahay ng crush ko.

Anong gagawin ng botsog na 'to?

Nakita ko siyang pumunta sa likuran ng bahay. Lihim ko siyang sinundan at halos mapamura ako nang makita ko kung anong ginagawa niya.

Naninilip ba siya?

Agad na umusok ang tainga ko at ramdam kong nanginginit na rin ang ulo ko na para bang lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta roon. Kumukulo!

"Hoy, gagsti! Anong ginagawa mo?" sigaw ko na ikinagulat niya. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo.

"Hoy! Bumalik ka rito! Uupakan pa kita! Isa!"

Pero tuluyan na itong nakalayo. Tupang ina. Kilala ko 'yon, ah! Schoolmate ko 'yon, eh! Aabangan ko 'yon sa labasan bukas!

Lumapit ako sa lugar kung saan naroon ang lalaki kanina. Grabe. May butas na 'yong pader. Sinilip ko at halos dumugo ang ilong ko nang makakita ako nang-pakshet. 'Di ko dapat 'yon ginawa! Hindi ko dapat sinilip ang butas na iyon dahil nakita ko ang-crush ko!

"Hoy, bata! Anong ginagawa mo d'yan?"

Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki na sumisigaw. Naloko na! 'Yong tatay ng crush ko!

Mas lalo akong nagulat nang makitang may hawak itong itak at mukhang hahagarin ako dahil napagtanto niya ang ginawa ko.

"Mali po kayo ng iniisip, Mang Berting! Ang totoo po niyan may isang lalak-!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumigaw na siya nang ubod nang lakas habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Hudas ka talaga, Hudas!"

Kumaripas ako ng takbo pauwi. Hingal na hingal kong sinalubong si inay.

"Oh, Jude, saan ka galing at bakit parang hapong-hapo ka?"

Lumapit siya sa akin na puno ng pag-aalala ang mukha at kinapa ang likod ko.

"W-wala, inay. Pasok na ho ako sa kwarto."

"Sige," sambit ni inay bago ako hinayaang magpatuloy na sa kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko matapos kong isara ang pinto. Dagling bumalik sa isipan ko ang nakita ko kanina.

Paulit-ulit akong umiling at pinagtatampal ang pisngi ko. Hindi ko dapat 'yong ginawa. Para ko na ring tinanggalan ng dangal ang taong gusto ko dahil nakita ko na ang buo niyang katawan habang naliligo.

Napakagat ako sa labi ko. Kahit saglit lang ang sandaling 'yon, alam kong hindi na mabubura sa isipan ko ang nangyari at palagi akong uusigin ng kunsensya ko. Kailangan kong harapin ang responsabilidad.

***

"Jude, anak, kinausap ako ni Mang Berting. Binobosohan mo raw si Stephanie," litanya ng aking ina na kasalukuyang inaayos ang babaunin kong pagkain sa school.

Patay. Sabi na nga ba't iyon ang iisipin ni Mang Berting. Kapag minamalas ka nga naman. Bakit ko ba kasi sinilip? Isa rin akong ungas, eh.

"Hindi ko ho sinasadya, inay," pag-amin ko. "Sorry ho."

"Alam kong may gusto ka sa anak ni Mang Berting, Jude, pero hindi naman maganda na silipan mo si Stephanie."

Napabuntong-hininga ako. Mali ko naman talaga.

"Sorry, nay."

"Pumunta ka roon at humingi ka ng tawad. Dalhin mo na rin itong mga nilaga kong kamote."

Napatingin ako sa kamote na ibinabalot ng aking ina sa plastic. Paborito ko 'to, ih. Magugustuhan kaya ito ni Stephanie? Binigyan rin ako ng pera ng aking inay para pamasahe papuntang school.

"Jude, pinaaalala ko lang. Masyadong mayaman ang pamilya ni Stephanie."

Tumango ako at tuluyan nang lumabas ng bahay. Bumagsak ang mga balikat ko kasabay ng mabigat na buntong-hininga. Tama. Mayaman si Stephanie samantalang ako, mahirap lang. Walang lugar ang pag-ibig ko para sa kaniya.

Nahihiya akong naglakad papunta sa bahay nila Stephanie. Nahulog ang puso ko nang makita siyang lumabas ng kanilang bahay suot ang unipormeng pampasok. Napakaganda talaga niya. Kahit hindi siya nakangiti.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Matalim ang tingin niya sa akin. Mukhang alam niya na rin ang ginawa ko.

"Ahh...Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko at saka ito pala, pinabibigay ni inay."

Iniabot ko sa kaniya ang isang balot ng kamoteng luto na. Nakita ko siyang tumingin sa hawak ko. Nakaramdam ako ng pagkahiya.

"Ahh...Kung ayaw mo, okay lang. Paborito ko naman 'to kaya ako na lang ang kakain."

Akmang iaatras ko na ang hawak ko nang hawakan niya iyon. Nagdapo ang mga kamay namin sa isa't isa dahilan para mawalan ako ng lakas.

"Ito ang kapalit ng ginawa mo?" Magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Alam ko, hindi naman matutumbasan nito ang ginawa ko..."

"Kung gano'n, magdala ka ng kamote araw-araw. Gusto ko, balat na."

Naglakad siya pauna sa akin. Nakanganga lamang ako habang pinagmamasdan siya. Nagulat ako nang biglang magbukas ang gate nila at iniluwa no'n ay si Mang Berting. Agad na rumagasa ang kaba sa dibdib ko kung kaya't madali kong ibinigay sa kaniya ang plastic ng kamote tsaka kumaripas ng takbo palayo.

Takte. Hindi ko na yata kailangang mamasahe papunta sa school. Bilis palang ng takbo ko, daig ko pa ang hinahabol ng sampung kabayo.

"Hoy, Jude! Sumabay ka na sa 'min!"

Napatingin ako sa sumigaw. Si Jonas, ang kaibigan ko, sakay ng tricycle ng kaniyang ama. Kung sinuswerte ka nga naman!

Madali akong sumakay sa likod kung saan katabi ko siya.

"Uy, tol, balita ko binosohan mo raw si Stephanie, ah. Desperado ka na ba?" wika niya habang nakangisi.

"Gagsti! Hindi ko sinasadya na makitaan siya!" pagtanggi ko. Napansin ko naman sa salamin na ngumingisi ang tatay niya habang sumusulyap sa amin.

"Ulol! Ako pa niloko mo? Kilala na kita. Magkaklase tayo since birth at kahit betlog mo, alam ko size."

"Potek! Sabi na nga ba't sinisilipan mo 'ko! Walang 'ya!" pang-aasar ko para tigilan niya na ako.

"Ginaya mo pa 'ko sa 'yo! Pero maiba, ano bang nakita mo?"

Muntikan na akong mapatalon sa humps na nadaanan namin.

"Punyemas! Tigilan mo nga ako, Jonas! Wala akong nakita!"

*****

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hey, Jude! (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon