Kabanata 14

6.5K 337 73
                                    

HOPE

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong bahay. Taimtim ang tingin ni Papa sa buong pamilya ng mga Fuentabella. Halatang hindi siya masaya sa mga nangyayari.

Naawa na ako sa pagiging lonely ng Tatay ko. Mukhang siyang malungkot na urmot pero kung lonely si Papa mas masama ang pagmumukha ni Chance.

Para siyang betlog na kulubot. Maraming wrinkles at halatang wala sa mood na mamanhikan.

Well, gets ko naman bakit biglang nagbago ang mood ni Chance. Sino ba naman hindi maba-bad trip kung makita mo ang girlfriend mong hinalikan ang kakambal mo?

Siyempre kahit kulubot na urmot biglang tutuwid sa galit. But unfortunately, he has no right to complain dahil desisyon niya ang lahat.

"Paano kayo nagkakilala?" usisa ni Papa at mariin kong kinagat ang ibabang labi.

"Sa Japan, Pa."

"Sa Mall po." tipid at wala sa sariling sagot ni Chance. Lihim akong umismid sa naging sagot niya.

Gusto ko siyang murahin at kurutin sa singit. Nag-usap na kami kahapon tungkol sa mga isasagot namin para maging mukhang totoo ang relasyon naming dalawa pero mukhang nakalimutan niya yata.

Naguguluhan at salitan ang tingin nilang lahat sa aming dalawa.

"Ahehe. S-Sa mall nga doon sa Japan. 'Di ba, Chase?" peke ang ngiti ko kay Chance at pinandilatan ko siya.

"Ah, yeah. Sa Japan po."

"See? Sabi sa inyo sa Japan. Ahehe." pasimple kong kinurot sa tagiliran si Chance, "Umayos ka nga kung ayaw mong mataga ni Lapulapu." mahina kong bulong.

Kapag nagpatuloy siyang ganiyan, sigurado ako na makakahalata na ang mga magulang niya at worse— baka imbis na basbas sa bagong kasal ang ialay sa amin ng simbahan ay maging dasal sa patay ang gawin ng pari.

Takot ko lang kay Papa. Mukhang balak niya na kaming gawing giniling.

"Nagkita kami sa mall and—"

"Nabuntis mo sa mall?" seryosong singit ni Papa at marahas na suminghap si Mama at Tita Ayen.

"Pa, dahan-dahan lang. Hayaan muna—" pagpakalma ni Mama.

"Huwag na tayong maglokohan dito. Hindi ikaw ang boyfriend ni Hope." singit muli ni Papa at konti na lang magmumukha na siyang singit na maitim.

Hilig umextra, hindi muna kami hayaan magpaliwanag.

"Pa naman, malamang sa kama at hindi sa mall. Masyado kaming exposed doon." sinamaan ako ng tingin ni Papa. Parang walis tambo na handa niyang ipalo sa akin.

Sa takot ko ay agad kong hinila ang damit ni Chance para magtago sa likod niya.

"Sumagot ka naman kasi." bulong ko kay Chance.

Aba, sa lahat ng tao sa mundo si Papa lang ata ang kinatatakutan ko. Close kami pero hindi ko siya gustong nagagalit. 

Nagmumukha siyang tubero version ni Cha Eun Woo.

"It's our choice, Sir. Hindi namin gustong maglihim sa inyo, and we both take the responsibilities with our actions." paliwanag ni Chance at malapad ang ngiti ko kay Papa.

"Tumpak! Nag-subscribe kasi ako sa notification bell niya para lagi akong updated sa umaalog-alog niyang alembang." hagikgik kong kwento at hinampas ko ang braso ni Chance.

Maniwala na sana sila sa amin at nahihirapan na ako gumawa ng kwento.

Ano ba gusto nila? Sabihin ko pa kung paano kami nagjugjugan ni Chance?

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon