Kabanata 42

6.2K 415 232
                                    

Medyo ano. Haha! Ramdam ko na ang nalalapit na pagtatapos. Mwehehe! Basta 'wag niyo awayin si Ysa. Haha. Mabait talaga siya. Haha.

So ayun nga thank you po sa lahat ng love niyo kay Hope at Chance siguro sagad na mga sampong chapter dito hahah. Wuvyu all and planning to continue na ang mga naiwan kong ibang on-going ♥️

Enjoy, lovelies ♥️

HOPE

"Kapag nakita ko ang Ysangot na 'yun, kakalbuhin ko lahat ng bulbol niya! Nanggigil ako!" gigil na angil ni Francis.

Halatang asar na asar siya matapos kong ikwento ang mga nangyari at kasalukuyan niyang ginagamot ang mga galos at kalmot ni Ysa sa akin.

"Aray! Bakla naman. 'Yung totoo? Kay Ysa ka ba talaga inis o sa akin?" biro ko kay Francis nang mariin niyang pinahiran ng bulak ang pisngi ko.

Sa totoo lang kasi ay hindi ko naayos ang mga galos ko mula sa mga nakuha ko kay Ysa. Kasmaa iyong gasgas sa siko ko noong unang beses niya ako itaboy sa bahay ng mga Fuentabella.

Buti na lang talaga at nandiyan si Francis para gamutin ako kaso nga lang, ito yung bibig niya parang armalite na walang tigil sa kakasermon sa akin.

"Malamang kay Ysangot! Nako, Hopey ah! Wala ka na ngang suso, hinahayaan mo pa 'yung panget na 'yun na bawasan ang ganda mo! Nanggigil talaga ako, kukurutin ko ng nail cutter ang tinggil niya!" gigil na pangral ni Francis sa akin na may halo pang pagbatok.

Tumawa ako sa ka-brutalan niya pero masaya ako na nandiyan siya, sila ni Jared.

Muntikan ko na makalimutan na may mga kaibigan nga pala ako na handa akong tanggapin sa kahit na anong oras. Kung inis ako, mas galit sila. Nakakatuwa.

"Hayaan mo na si Ysa. Huwag mo na patulan, valid naman ang feelings niya." paalala ko kay Francis at ayoko naman na sugurin niya si Ysa.

Kilala ko naman kasi itong si Akla. Kung palengkera na ako, mas laman ng gulo itong si Francis at talagang mas mainit pa ang ulo niya sa akin.

Kaya nga kami magkasundo kasi kahit iyong mga feeling gangster noong college namin inaaway namin—but in a good way naman. Basta alam naming na sa tama kami.

"Kahit na! Valid ang feelings niya pero hindi valid na saktan ka niya!" sigaw ni Francis at ngumiwi ako sa lakas ng boses niya.

Napatingin tuloy sa amin si Jared na siyang naghahanda ng makakain namin. Dito muna ako umuwi sa kanila. Sumabay ako kay Jared pauwi.

Ayoko rin kasi umuwi sa bahay namin ni Chance dahil siya lang ang naalala ko. Kung sa amin naman ako uuwi ay siguradong magtataka sila Mama.

"Saka bakit ikaw lang ang pinag-iinitan niya? Ikaw lang ba may kasalanan? Hindi ba jowa nga niya ang nag decide na lokohin siya at kasabawat pa ang kakambal!" daldal ulit ni Francis at napaatras na ang ulo ko nang ihampas-hampas niya ang kamao sa isang palad.

"Kung iisipin, biktima ka nga lang ng kambal! Ang hirap diyan sa mga babae kapag sila niloko ng mga jowa nila, puro sa kapwa babae ang sisihin. So, ano ang jowa nila? Santo? Kalurkey!"

"Francis, h-hindi naman niloko— I mean, hindi naman masama ang intensyon ng kambal sa plano. Nagkagulo lang talaga." paliwanag ko kay Francis at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya na hindi naman talaga to the point na gustong lokohin ni Chance at Chase ang mga tao sa paligid nila.

Maybe, yes. They, we deceived them pero in a good faith naman ang reason.

"Hay nako Hopya! Huwag mo na ipagtanggol yan si Chance o si Chase. Kahit gwapo pa sila o daks, ekis sila sa akin. Iniwan ka nila sa ere kung saan dapat sila ang nagtatanggol sa 'yo ngayon. Hmp!"

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon