Kabanata 24

5.8K 297 71
                                    

HOPE

"More, more greens and leafy vegetables, less meat." masigla kong inilagay sa plato ni Chance ang mga gulay at ipinagsandok ng mga makakain. I even put a glass of water beside his plate.

Kumuha rin ako ng mga prutas at ikinuha ng mainit na sabaw si Chance mula sa lutong papaitan ni Tita Ayen. After sensing their gaze, I blew out my cheeks with air and slowly tilted my head in their directions. I met four pairs of eyes, gawking at my deeds.

Kasabay ng mga mapanuri nilang tingin ay matamis na ngiti sa labi ng mag-asawa at ang lihim na ngiti sa labi ni Chase. On the other hand, Ysa is still in shock that I cared so much about her real, and supposedly man. We're having a small feast at Fuentabella's mansion at Tita Ayen's request.

Tumawa ako ng malakas at hindi maiwasang kumapit na parang unggoy sa braso ni Chance and pretend to be the happiest woman in the universe.

"May dumi po ba ako sa mukha?" pabiro kong tanong at sabay-sabay sila na umiling maliban kay Ysa na umiwas na ng tingin at pinagpatuloy niya ang pagkain.

"Wala naman. We're actually happy to see you two. Lalo na masyado mo na atang nabe-baby si Chase." natatawang biro ni Tito Ryan at tumawa akong tumango sa kanila habang marahan ko pang hinagod ang mukha ni Chance. Iyong pagmumukha ni Chance na halatang naiirita na sa mga pinaggagawa ko but wala siyang  choice.

He agreed with me at may kontrata siyang pinirmahan. If he violates our contract then instant milyonaryo ako dahil lahat ng properties at yaman niya ay malilipat sa akin. 

Akala niya siguro papayag lang ako sa verbal agreement? Duh! Hindi niya ako maiisahan. Kaya ito kami ngayon, balik sa pagpapanggap.But the difference is that he will go through therapy, take medications, and, hopefully, sooner, he will be able to have surgery.

"Baby ko naman po talaga si Chase, nauna pa nga siya dumede kesa sa—aray." impit kong daing ng pasimpleng piniga ni Chance ang hita ko.

Gigil na gigil ba siya sa akin at ang sakit nang pagpiga niya sa hita ko. Palihim at pigil na tumawa si Chase. yumuko pa nga siya para itago ang tuwa samantalang namula ang mukha ni Tita Ayen sa gulat pero nakisabay siya sa tawa ni Tito Ryan.

"Hope, you're an incredible woman. No wonder Chase chose you. Magkaugali kayong dalawa. Hindi nagkamali si Chase na piliin ka. You have a great and wonderful taste, Son." hagikgik na kwento ni Tito Ryan at tipid na tumango si Chance top claim the compliment.

Pero itong si Chase ay sinipa ang paa ko sa ilalim ng lamesa na halatang hindi siya makapaniwala na napuri siya ng tatay niya ng dahil sa akin. Oh, talaga lang dapat na maging grateful ang kambal sa ganda at likas kong taglay na alindog. Pati magulang nila boto sa akin. 

"Thanks, Dad. I'm proud with my future wife. Sarap ibalibag kasi nakakagigil." pilit na ngiti ni Chance at sadya niyang piniga ang magkabila kong pisngi na kinasimangot ko sa sakit.

"Mukhang magiging maingay at magulo ang bahay niyong dalawa." kinikilig na sabi ni Tita Ayen at bigla akong nasamid sa naging gatong ni Chase.

"We are very much looking forward to meeting your child. What are your thoughts, Chase?" ngising tanong ni Chase kay Chance na halatang nang-aasar. Inismiran ko si Chase at inirapan. Seryoso naman ang mga tingin ni Chance pero daig pa niya ang artista at ang bilis niya magpalit ng mood. 

Chance laughed as he cheerfuly wrapped his arms around my waist, "We're thrilled as well. But, then I want to make it more exciting, we're working on our upcoming wedding. I don't want to bring up issues that have harmed my wife's reputation." paliwanag ni Chance at matamis ang naging ngiti ni Tito Ryan sa sariling anak.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon