HOPE
"Oh, isda kayo mga suki, mas sariwa pa sa asawa mo. Gulay na bagong pitas na siguradong mas bago pa sa kabit mo! Bili na kayo!"
Kumakanta kong iwinagayway ang mga sariwa kong paninda at hindi ko na iwasang kumendeng habang nagtatawag ng mga customer.
Kailangan sa palengke ay madiskarte ka. Hindi pwedeng maghihintay ka lang na lalapit ang mga suki. Sa dami ng mga tindera dapat marami kang pakulo.
"Miss magkano sa bangus mo?" sabi ng isang lalaki na may kasama pang bata at nakangiti akong lumapit, masigla ang mukha niya at halatang natuwa sa sales talk ko.
"Murang mura sa 60 isang kilo, siguradong mas ma-tinik kapa sa chicks kesa sa bangus ko. Ilang kilo kuya?"
Lumapad ang ngiti ni kuya sa akin at itinuro ang isang malaking bangus.
"Iyan lang miss, bolera kapa sa mga customer mo." natatawang sabi ni kuya at kinilo ang bangus na itinuro niya, lumapad ang ngiti kong tumingin sa timbangan.
"Nako kuya, walang halong biro, mas maganda 'pag lagi tayong masaya. 150 lang 'to kuya at para sa'yo lilinisin ko na." sabi ko rito at sinimulan ko ng linisin ang bangus ni kuya habang nagtatawag pa ako ng ibang mamimili.
Sakto ang oras ngayon dahil malapit ng mag tanghalian kaya marami ang namamalengke.
"Oh, gulay, isda, manok, baboy kayo diyan! Siguradong kasing fresh ninyo! Murang mura, presyong kaibigan lang tayo."
"Magkano okra?" dumagsa iyong mga mamimili sa napakaganda kong boses kaya pasimple kong sinipa ang paa ng pamangkin ko at pinandilatan siya ng mata.
"Magbenta ka muna, Nimfa. Tigilan mo muna 'yang Wattpad. Dito sa palengke ng pag-asa mo matatagpuan ang tunay na magaganda at gwapo.
'Di ba mga ate at kuya?" bola ko ulit sa mga customer namin at matamis ang mga ngiti nila sa akin. Tumayo na rin si Nimfa at tinulungan akong magbenta.Dumagsa talaga ang mga tao. Siyempre bukod sa sariwa ang paninda namin ay fresh na fresh din ang mga tindera.
"Hopey, suki mo naman ako, baka pwedeng kinse na lang 'tong pechay." sabi ni Aling Lumeng.
"Oo naman suki pero bawasan natin ng dahon." biro ko at tumatawa siyang napatingin sa akin.
"Hope naman,"
"Haha. Biro lang Aling Lumeng, basta bukas sa akin ulit kayo bibili, ah." sabi ko at isinupot na ang mga pinamili niya.
"Abay oo naman. Sinabihan ko na nga rin iyong kumare kong may karinderya na sa pwesto mo na bumili." sagot pa ni Aling Lumeng at mas tumamis ang ngiti ko.
"Dahil diyan may libre kang siling pamaksiw. Kili-kili kong medyo maasim baka gusto mong bilhin?" sabay lagay ko ng dalawang siling haba sa plastic niya at nakangiti niya pang hinampas ang braso ko.
"Bait mo talagang bata ka."
"Ay teh, bait lang? Kulang yata?" biro ko habang nagsusukli.
"Haha. Siyempre matik na maganda rin."
"Ganiyan! Iyan ang gusto ko! Balik ka bukas, ah. Salamat!" abot tainga ang ngiti ko dahil sa wakas ay nakaubos na rin kami ng paninda. Hindi kami aabutin ng dilim sa pag-uwi at maisisingit ko pa ang ibang gawain.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022