Kabanata 20

7.4K 336 104
                                        

HOPE

"Don't tats me! Huwaah! Huhu! Waaah!"

Ngumiwi ako sa malakas na paghagulgol ni Francis. Bukod kasi sa mukha siyang multo sa nagkalat niyang maskara ay ang panget niyang umiyak.

Parang bumaliktad na tumbong ang nguso niyang nilaklak lahat ng alak habang nakangiwi kami ni Jared na pinagmamasdan si Francis.

"Ang wetpakels at Iphone ko! Huhuhu!" hagulgol muli ni Francis at pagkatapos niyang lagukin ang na sa baso ay kinuha niya ang bote para inumin lahat iyon.

"H-Hoy tama na!" halos sabay naming awat ni Jared kay Francis pero likas siyang makulit.

Nilagok niya ang laman ng bote at napabuntonghininga na lang ako.

"Hindi ko talaga gets kung broken hearted ka ba dahil ibinigay niya sa bago niyang babae ang Iphone na regalo mo o dahil wala ng sisibak sa wetpu mo."

"Huwaaaaah! Parehas. Pagkatapos kong gawing lollipop ang sitaw niya at bigyan ng tuition iniwan niya na ako!" iyak muli ni Bakla at nasamid na lang si Jared sa pinsan niya.

"Tama na 'yan, magpahinga kana rin." sabay agaw ni Jared sa bote at nagwawala si Bakla na ginulo ang lamesa.

Lasing na talaga siya kaya muntik pa siyang mahulog sa upuan. Ngayon ko lang siya sinamahan na mag-inom at grabe talagang sawi itong si Francis.

Sino ba naman hindi ngangawa kung ginawa kang atm ng jowa mo.

Binilhan niya ng Iphone tapos binigay lang sa babae, pinag-aral niya at binayaran ng tuition sa loob ng tatlong taon tapos ngayong pa-graduate na ang hayop na lalaki, ayun! Nahuli niya ng may kahalikan na babae sa boarding na si Francis ang nagbabayad.

Kaloka! Katigas kasi ng ulo ni Francis, matagal ko na siyang sinasabihan na pineperahan lang siya ng jowabels niya.

"Ang Iphone ko! 30k 'yun! Inutang ko pa sa bumbay mabomba niya lang ako! Huhu!"

"Aist! Nabomba ka naman, pati bulsa mo nga sumabog." pikon kong sabi kay Francis at higit siyang nagwala at umiyak.

Pasimple akong siniko ni Jared at umiling-iling siya. Okay, BH nga pala. Huwag ng gatungan pero kung talagang magiging marupok siya sa ex niyang manloloko, ihahampas ko dalawang ulo niya sa pader.

"Halika na nga. Doon na tayo sa kwarto mo, sasamahan kita mag-iiyak." aya ko kay Bakla at lumapit kami ni Jared para alalayan siya.

"Ako na, mabigat si Francis."

Actually, si Jared na talaga bumuhat dahil nga mabigat itong si Bakla. Sumunod na lang ako sa kanila at ako na rin ang nagbukas at umayos ng hihigaan ni Bakla.

"Sandali kukuha lang akong bimpo." tumakbo ako sa banyo para kumuha ng basang bimpo at palanggana.

Bumalik agad ako at naabutan ko si Francis na balak pang yakapin at halikan ata si Jared.

Mukhang nananaginip siya at hindi ko maiwasang ngumiti ng malukot ang mukha ni Jared habang tinutulak palayo ang mukha ng pinsan.

"F-Francis naman! U-Umayos ka n-nga!"

"Haha. Ako na." sabay lapit ko sa kanila at hinila ko si Francis palayo kay Jared.

"Hooo! Muntik na 'yun." buntonghininga ni Jared at higit akong tumawa.

"Kundi mo siya pinsan iisipin ko na talagang jojowain mo si Bakla." biro ko kay Jared habang pinupunasan ko si Francis.

Gwapo sana ang isang 'to kundi lang binabae ang puso, pero in fairness kay bakal maganda siya kung naging babae.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon