Kabanata 10

13K 602 248
                                    

HOPE

Nagtayuan ang lahat nang matapos i-dismiss ni Chase ang meeting at siyempre abot tainga ang ngiti ko dahil kasama ko si Jared sa pinaka-una kong project sa EHB.

Excited na 'ko pero mas excited akong magpa-cute ulit kay Jared at sana this time, hindi na ma deadma ang beauty ko.

"Congrats, ang laki agad ng first project mo." matamis ang ngiti ni Jared at tinulungan niya pa akong bitbitin ang mga gamit ko.

Oh diba? Super gentleman, wala na akong bitbit at puwede kayang sumabit na rin ako sa kaniya?

Meleped nemen beleket nye eh, beke nemen ehehehe!

"Pero mas masaya akong kasama ka," sabi ko at mas lumapad ang ngiti niya, at kuminang ang itim niyang mga mata, nang aakit at ang sarap pag masdan hanggang sa matunaw ako.

Tunawin mo 'ko!

"Talaga?"

"Oo, kasi libre ako sa pamasahe." sabay tawa ko at MALANDING hinampas ang braso niya, pasimpleng tiyansing.

Landiin ko na siya ng konti, konting konti lang talaga, tutal parehas naman kaming single and ready to mingle. Nyihihi!

Naningkit ang mata niyang hinagod ang batok na animo'y biglang na utot sa hiya at sobrang pula ng mukha.

Hala! Mali yata ang banat kong libre ako sa pamasahe, baka isipin niya type ko ang motor niya. Dapat pala binanatan ko siyang sa'yo lang sasakay.

"Oo ba, walang problema sa'kin kahit araw-araw ka pang sumabay."

"Pasakay na rin sa'yo---" nagtataka siyang napatingin sa akin at malapad akong ngumiti, para akong kinakain ng lupa at para makalusot ay tumawa ako tulad ng dati, "Sa motor mo ah, hindi ka na mabiro oh! Kalurkey ng fes mo! Haha!"

Biro ko at ang hirap talaga mag landi kay Jared, mas conservative pa siya sa mga pagong na laging nakakulong sa carapace nila.

"Siya nga pala, baka gusto mong mag lunch---"

"Sure, 'di mo pa ako inaaya, payag na ako. Sige tayo na, agad agad." putol ko sa sasabihin niya at kung inaaya niya ako mag date, hindi naman ako ta-tanggi, kahit sa SOGO pa kami o sa sementeryo, gorang gora ako! Matagal ko na pangarap ang magpakitaan kami ng mga tinapay, kung sa kaniya pandesal, sa'kin biscuit with fresh raisins at top, oh diba ang sosyal naming mga flat! Pasas lang ang utong pero hindi tag tuyot!

"Ah, lunch sana tayo para ma-meet mo 'yung iba nating ka-workmate." nag aalangan niyang sabi at bumagsak ang balikat at mata ko.

Isang malaking paasa na naman ang pakalat-kalat sa earth, pero mas marami tayong assuming.

Sabi na nga kasing huwag ma-fall sa mga late night talks, eyebags lang makukuha mo at hindi ang puso niya.

Nanlulumo tuloy ako at biglang na hiya pero siyempre, kung si crush ay parang anesthesia sa sobrang manhid, ako naman ay hollow blocks sa sobrang kapal ng mukha.

"Hahaha! Sabi ko nga diba? Tayo na... tara na mag lunch, agad agad, tomguts na kasi ako." biro ko at pakiwaring tumawa.

Buti na lang nakalusot kung hindi nakakahiya ng sobra, hindi ko talaga kayang lumandi ng bongga at mas madali para sa'kin na sabihin ang feelings ko sa pabirong paraan.

Kaya madalas hindi niya ako pinapansin, "Haha. Ang joker mo talaga kaya minsan nalilito na ako sa kung kailan ka ba seryoso."

"Pwede naman kitang seryosohin." banat ko ulit pero tinawanan niya na ako. Kita? Lagi siyang ganiyan, tuwang tuwa sa'kin kahit pa seryoso na 'ko sa mga sinasabi ko, kaya nga ako na friend zone sa kaniya.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon