HOPE
Simangot ang mukha ko at padabog ang bawat hakbang. Ang ganda ng umaga ko, ang dami kong benta sa unang oras pa lang pero na demolish ako sa palengke nang walang sapat na rason. Luhaan tuloy akong uuwi ng bahay bitbit ang mga paninda ko, nakasabit pa ang mga dahon ng ampalaya sa batok ko habang bitbit ang malaking palanggana na puno ng karneng baboy at manok.
"Baks, wit ko talaga gets. Nag bayad ka naman ng renta diba? Bakit ka pinalayas?" nag aalalang tanong ni Francis, karga niya rin ang palanggana na may lamang mga isda habang nakapatong sa ulo niya ang isang bilao na puno ng mga ibat-ibang gulay.
Buti na lang ay dumaan si Francis sa palengke kaya tinulungan niya akong iuwi ang mga paninda ko o kung hindi, baka mukha akong pulubi ngayon sa gilid ng palengke.
"Ewan ko sa Snorlax na 'yun, may advance pa nga akong two months tapos sabi niya banned ako sa palengke. Ano siya shunga? Nanggigigil talaga ako! Kung hindi lang ako nahiya sa mga customer kanina, ay naku! Isusumbong ko siya sa barangay, makikita niya!" nanggagalaiti kong kwento kay Francis.
Hiyang hiya ako kanina sa mga tao dahil sa mga pinagsasabi ni Snorlax, kamukha niya kasi iyong na sa Pokemon na palabas kaya Snorlax tawag ko sa matabang intsik na 'yun, cute na cute pa naman ako sa kaniya pero ngayon, gusto ko siyang gawing lechong baboy sa gigil ko.
"Eh ano ng plano mo niyan?" tanong ulit ni Francis at napabuntong hininga ako.
Dami ko na ngang problema dumagdag pa ang palengke, hindi ko ngayon alam kung paano ako ngayon hahanap ng pera pag hindi ko nagawan ng paraan ang pwesto. Siguradong nag pa-party na 'yung mga chismakers dun at na itaboy na nila ako. Bwisit!
Hindi ako papayag! Kailangan ko ang palengke para kumita ng pera, wala pa akong ibang trabaho.
"Ayun nga ang problema ko ngayon, kung saan ko ibebenta ang mga 'to. Malalanta at baka maging bilasa. Alangang laklakin namin lahat 'to ng isang araw lang? Ano 'to piyesta?" problemadong sagot ko kay Francis at ilang beses na napabuntong hininga.
Nanghihina na ako sa paglalakad, bukod sa mabigat ang dala namin ay tirik pa ang araw.
"At i-ready mo rin ang tainga mo sa machine gun na bunganga ng bruha mong Ate." sabay hagikgik ni Francis at inirapan ko siya.
"Thank you ah, ang supportive mo talaga. Asar!" binunggo ko ang balikat niya at malandi siyang tumili ng kamuntikan ng mahulog ang bilao sa ulo niya. Malandi kasi, akala mo nag pa-fashion show sa pag lalakad.
"Gusto mo hampasin kita ng tilapia!" asar niyang banta sa akin at ako ngayon ang tumawang siniko siya at madrama siyang sumimangot.
"Wala kang tilapia, hotdog pa rin 'yan at bugok na itlog. Ha-ha-ha!"
"Chaka mo! At least ako may boyfriend, eh ikaw may tilapia ka nga tag tuyot naman. Bwahaha! Buti pa itong isda wet na wet." pang aasar ni Francis at inis ko sana siyang sisipain nang humahagikgik siyang lumayo.
"Hindi ako kaladkaring babae, isa pa wala pang nag papa you know sa'kin," kibit balikat kong kwento. Kahit dugyot ang takbo ng utak ko, conservative ang bibig ko, very light nga lang kaya na iinis ako kay Chance ng sabihin niya sa harapan ko na naka-condom si Chase. Eeew! Talaga!
Malanding tumawa si Francis at lumapit siya, marahan pa niyang siniko ang tagiliran ko kaya nag salubong ang kilay ko, "Alam mo kung paano ka magiging wet?"
Mas kumunot ang noo ko kay Francis, wala akong interes sa mga sex pero makulit ang isip ko at pilya akong lumapit sa kaniya para makasagap ng chismis, "Paano?"
"Tanggapin mo na 'yung offer ni Chance, pak na pak ka dun girl. Baka 'di lang wet abutin mo. Kyaaaaah! Imagine ang daks siguro ng kambal!" kini-kilig na sabi ni Francis at nag taasan lahat ng balahibo ko, napatalon pa ako palayo sa kaniya at nanginig ang katawan sa sobrang kilabot.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022