HOPE
"Okay let me see your eyes." ilang test na ang ginawa ng doktor kay Chance at nanatili kaming walang imik ni Chase.
Walang gustong kumibo sa amin at alam ko na parehas lang kaming nag-aalala para sa kakambal niya. Sigurado akong iniisip rin ni Chase ang huling pagtatalo naming dalawa.
Ako rin, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa pwedeng maging lugar ko sa buhay ni Chance— pero, pero wala akong karapatan na ipagkait sa kaniya iyong pag-asa na baka sakali, kahit papaano ay manumbalik ang memorya niya.
"I'll be honest sa kalagayan ni Chance." simula ng doktor at halos sabay namin lingunin ni Chase ang kakambal niyang nakaupo sa 'di kalayuan.
Bago ibinalik ang atensyon sa doktor.
"Masyado ng malaki ang brain tumor and it keeps growing. If you notice minsan hindi na nagko-coordinate ang muscles ni Chance or nag stiff na ang mga ito." paliwanag ng doktor at agad akong tumango.
Saksi ako sa mga sinasabi niya. Ako mismo ay alam ko, nakita ko kung paano nahihirapan lumakad si Chance o kung paano manginig o manigas ang mga kamay niya.
Minsan pa nga ay nakabasag siya ng plato at akala ni Chance ay hindi ko iyon alam and he keeps hiding all the symptoms to me.
Pero hindi ako bulag para hindi makita kung paano siya araw-araw nahihirapan para labanan ang sakit niya.
And he still keep the smile on his face na para itago sa akin na unti-unti ng iginugupo ng sakit niya ang buo niyang katawan.
"A-Anong pwede nating gawin? Nagte-take naman siya ng mga meds niya." tanong ko sa doktor at napabuntonghininga siya sa akin.
"Kailangan niya ng mag-undergo ng surgery but it's a risky option, whether it works or it will shorten his life span." paliwanag niyang muli at marahas akong humingang nilingon si Chance.
"K-Kundi siya magpapa-opera, m-may pag-asa bang bumalik ang memorya niya?" nauutal kong tanong at napabuntonghininga muli ang doktor.
"I can't tell lalo na at invaded na ng tumor ang hippocampus niya at affected na rin ang cerebellum part ng utak ni Chance which means, he can progressively forgets everything. Baka mamaya lang din ay hindi niya na ulit maalala na nagpunta kayo rito or maybe, he can retrieve some of his memories pero hindi lahat then forgets again. There's no assurance on it."
Ayoko ng ibuka ang bibig ko para magtanong dahil sa bawat salitang lalabas sa bibig ng doktor ay parang nauubos lang ang pag-asa na kinakapitan ko.
Hindi ko gustong mawalan ng pag-asa pero sa tingin ko ay wala ako sa lugar para magdesisyon sa magiging kalagayan ni Chance.
Si Chase ang kumausap sa doktor at pagkatapos niyang ma-klaro ang lahat ay agad din namin nilisan ang hospital.
Nanatiling tahimik si Chance at mula sa salamin ay tanaw kong nakatuon ang atensyon niya sa may bintana.
Ilang beses akong bumuntonghininga at pinagmamasdan ang sarili kong mga paa.
Mabigat para sa akin ang magdesisyon gayong parehas na nakakatakot ang pwedeng maging resulta.
Kapag nagpa-opera siya pwedeng bumalik ang memorya niya at may posibilidad na gumaling si Chance. Pero ang nakakatakot at baka higit lang umikli ang panahon na pwede namin siyang makasama.
Kundi naman siya magpapa-opera, mananatili siyang ganiyan at hinihintay lang namin ang oras kung kailan siya kukunin sa amin.
Fuck! Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi madaling mamili.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022