Kabanata 30

6K 328 131
                                    

HOPE

It was supposed to be my happiest day. It's my special day, my birthday, and my wedding day all rolled into one. It's a day when every woman dreams she could be. My system was designed to be filled with tears of joy, yet loneliness has infiltrated my feelings.

Habang nagsasaya ang marami sa labas ay halos hindi maipinta ang mukha ko. Wala akong ganang lumabas ng dressing room. Kundi lang ito tungkol sa kontrata at kasal namin ni Chance ay mas gusto ko pang magmukmok na lang sa loob ng kwarto ko.

Sino ba naman matutuwa na sa loob ng mga araw na nagdaan ay hindi ako pinapansin o kinakausap ni Chance. Nakakatanga nga minsan na magkaharap na lang kami pero mas pinili niya pang i-chat ang sasabihin para lang utusan ako.

And for the record, hindi rin ako nakatanggap ng greetings kay Papa. Mukhang masama pa rin ang loob niya hanggang sa mismong araw ng kasal ko.

Luckily, hindi naman tumanggi si Papa na ihatid ako at siya ang kasama kong lalakad papunta sa altar.

Kung nagkataon lang talaga, baka umiyak na lang ako sa inis at sama ng loob.

Buti na lang ay maaga pa lang binati na ako ni Francis at Jared. Lalo na si Francis na pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling araw ay nagsend na agad ng voice message.

Kaya love na love ko 'yung baklang 'yun, eh.

"Hope,"

"Ma, Ate." nagulat ako sa biglaang pagdating ni Mama at Ate sa dressing room. Lahat sila ay naayusan na at ang ganda talaga ng Nanay at Ate ko.

Choosy pa ba si Chance sa lahi namin? Duh!

"Ang ganda mo, Mama. Mukha kang fairy." hagikgik ko sa kaniya pero nagtaka ako nang mabilis niya akong niyakapa ng mahigpit.

Dinig ko rin ang mahina niyang paghikbi kaya nagtataka akong napatingin kay Ate.

"Tss! 'Di ba halata? Nagda-drama si Mama." ismid na sagot ni Ate at natawa ako.

Bahagya akong bumitaw sa yakap ni Mama at hinawakan ko ang mukha niya.

"Huwag kang uniyak, pumapanget ka." biro ko at sinubukan kong punasan ang luha niya para hindi kumalat ang make up sa mukha ni Mama.

"I-Ikakasal ka na ba talaga?" naluluhang tanong ni Mama habang hinihimas ang pisngi ko.

"P-Parang dati lang, ikaw ang b-baby namin. Umiihi ka pa sa kama." naiiyak na sabi ni Mama at talagang kailangan pa niya iyon sabihin?

Pinagtawanan tuloy ako ng mga tao dito sa dressing room.

"Baby mo pa rin naman ako, pwede ko pang ihian kama mo." biro ko at nakangiti akong pinalo ni Mama sa braso.

"Puro ka kalokohan." sumingohot siya at nanatili niyang hinaplos ang mukha ko.

"Basta lagi mong tatandaan na kahit na anong mangyari nandito kami ng Papa at Ate mo. Palaging bukas ang pinto ng bahay sa 'yo at sa magiging apo namin." nakangiting sabi ni Mama at bumaba ang tingin niya sa patag kong tyan.

Bigla akong dinapuan ng konsensya. Ang dami ko ng kasalanan sa kanila. Ang dami ko ng kasinungalingan sa sarili kong pamilya.

Gustuhin ko man sabihin sa kanila ang lahat ay alam kong hindi ito ang tamang oras.

Pilit akong ngumiti kay Mama at piniga-piga ko ang kamay niya.

Ma, sorry ah. Kailangan ko muna 'to gawin para sa atin, sa pamilya matin. Konting tiis na lang maaahon ko na ang shop n'yo ni Papa.

"Opo, pangako rin na wala pong magbabago. Ikaw pa rin best armalite kong Mama." biro ko at muli kong nakita ang ngiti sa labi ni Mama.

Alam ko naman na masaya siya para sa akin. Na may tao ng mag-aalaga sa akin, may karamay na ako sa mga problema, na may taong handa akong mahalin ng totoo habang buhay.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon