Ihabol ko lang 'tong update though, medyo masama pa talaga ang pakiramdam ko. Pagtyagaan niyo muna ang UD. Hehe.
P.S huwag kayong mahimik masyado. Haha. Chariz!
Enjoy 😘
HOPE
"C-Chance-" mahina kong sambit sa pangalan ni Chance at agad na sinundan ni Jared ng tingin ang taong nilingon ko.
Pero sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko akalain na nagawang makalapit agad ni Chance para hilahin ako palayo kay Jared.
"C-Chance-" gulat kong sambit muli sa pangalan niya pero hindi niya ako nagawang tangayin nang hilahin ni Jared ang isa kong kamay.
"Sir, mawalang galang lang. Nag-uusap pa kami ni Hope." paliwanag ni Jared at kusang tumigil si Chance sa paglalakad.
Hindi siya kumibo at hindi ko rin matanaw ang reaksyon niya dahil nanatili siyang nakatalikod sa amin.
And I don't like his silence or should I say that I hate this cold tone of him.
"Bitawan mo siya." mariing utos ni Chance kay Jared.
"Hindi mo pagmamay-ari si Hope para diktahan kung ano ang dapat o sino ang pwede-"
"Sinabing bitaw!"
"Chance! Jared!" sigaw ko nang walang alinlangan na sinuntok ni Chance si Jared at hindi ko akalain na gaganti rin si Jared ng suntok.
"T-Tama na! Ano ba!" awat ko sa kanila at pumagitna ako para pigilan sila.
Hinila ko si Chance palayo at nakikiusap ang tingin ko kay Jared na kumalma.
"Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Jared at halatang naubos na ang pasensya niya para kay Chance.
"Problema ko? Hindi ba halata? You fucking kiss my wife!" giit na sigaw ni Chance.
"She's not your wife. Alam nating tatlo ang totoo." sinubukan akong hilahin ni Jared pero hindi ako binitawan ni Chance.
Gusto ko na lang magpatanggal ng braso dahil pakiramdam ko ay braso ko lang naman ang type nila.
Ibibigay ko na sa kanila ang braso ko tumigil lang sila. But fuck!
Seryoso, Hope? Nagagawa mo pang magbiro sa sitwasyon.
"Still, kasal pa rin kami. Kaya matuto kang lumugar."
"Hindi kayo kasal. Kay Chase siya kinasal kaya wala kang karapatan na ipagdamot si Hope."
"At wala ka rin karapatan sa kaniya!" sigaw rin pabalik ni Chance.
Sumasakit ang ulo ko sa kanila at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila magkasakitan o kung ano bang pinaglalaban nilang dalawa.
Naging salitan ang tingin ko kay Jared at Chance and this time ay ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan nila.
Mas malala pa ang matatalim na tingin ni Chance kesa noong mga araw na kasama ko si Xyd.
Mas inis din ang mga tingin ni Jared kesa noong mga tingin nila ni Xyd ang nagsagupa.
"Talaga ba? Sa ating dalawa, sa tingin mo sino bang mas may karapatan kay Hope?" mapanuyang hamon ni Jared at tinangka niya muli akong hilahin pero higit lang akong itinago ni Chance sa likuran niya at inis niyang tinulak ang baliktat ni Jared palayo.
Sa takot ko na baka suntukin niya si Jared ay pilit kong hinila si Chance.
"Ako. Baka nakakalimutan mo na kaibigan ka lang."
"At boss ka lang."
"Jared," suway ko kay Jared gayong alam kong hindi na maganda ang patutunguhan ng usapan nila ni Chance.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022