HOPE
Jared bought some food for us while I am left alone with Chance. He is still unconscious. I smiled cruelly watching him in this situation. He had pale skin, faded rosy lips, and exuded pleasant sleep.
Pansin ko rin ang pasa at sugat sa noo niya. Tanda iyon na humampas ang ulo niya noong mawalan siya ng malay.
Hinawakan ko ang sugat sa noo No Chance. Bahagya ng bumaba ang lagnat niya pero hindi nagbago ang kagustuhan ko na sampalin siya sa inis.
"Akala mo kung sinong malakas, hinihimatay ka naman. Yabang-yabang mo." mapait ang ngiti ko at gusto ko talaga siyang hampasin, pingutin at pitikin ang ilong niya hanggang sa mamaga iyon at magising siya.
Ang yabang niya, ang galing niyang magsungit pero isang pirma na lang ng uod ay mukhang magkikita na sila ni San Pedro.
"Dapat maging mabait ka sa akin kasi kami nila Chase ang mag-aalaga sa 'yo. Tss!" inis kong pangaral sa mahimbing na natutulog na si Chance.
Mainit ang mga mata ko pero higit sa lahat ay dama ko ang bigat sa pakiramdam na makita siya sa ganitong sitwasyon. I don't really know why kung bakit ako apektado… but maybe, naiinis at naasar lang ako sa asal at prinsipyo niya sa buhay.
"Naiintindihan naman kita, eh. You want everyone to be happy and good even without you. Pero sana, hindi mo solohin 'yung sakit at hirap." mapait ang ngiti kong sinuklay ang buhok niya.
Oo, sinabi kong mali siya.
Oo, magkaiba kami ng prinsipyo sa buhay.
But it doesn't mean that I invalidate his reasons.
I still understand his excuses and principles.
I still respect his decisions and choices.
For him, it doesn't matter at all kung magiging masaya ba siya o hindi sa mga huling sandali niya.
He chooses this way for everyone he loves.
"I can see it, Chance. The way you stared at her, the way you smiled at your family, and the way you make your brother proud of himself says it all. I'm so proud of you." kusang pumatak ang luha ko habang naalala ko kung paano naging buhay ang mga mata ni Chance sa tuwing nakatingin siya sa mga taong mahal niya.
Dying doesn't mean you are doing everything that'll make you happy, but instead, it means giving and leaving them to their best. Kahit ang kapalit n'on ay masaktan siya.
"Ang tapang mo. Ang tapang-tapang mo." magkahalo ang tamis at pait sa mga ngiti ko habang hawak ko ang mga kamay niya.
Nanatili akong nakatitig sa mukha ni Chance at hindi ko maiwasang humanga sa kaniya mula sa lakas ng loob niya para sarilin ang lahat ng pagod, sakit at bigat na pwede naman niyang ibahagi sa amin, sa iba.
Bahagya siyang gumalaw at kumunot ang noo. Hinintay ko ang pagbukas ng mga niya pero bibig niya ang bumuka para sambitin ang nag-iisang pangalan na tanging sigaw ng puso ni Chance.
"Y-Ysa." he growled in pain and I loosen up my grip on his hand.
My heart stabbed with a thousand of needles but I kept a bitter-sweet smile on my lips. Hindi rin siya nagising at mukhang nanaginip lang si Chance kasama si Ysa.
Muli kong ibinaba ang tingin sa mga kamay niyang hawak ko hanggang sa marahan ko itong pinisil-pisil.
"Magpagaling ka, lumaban ka p-para…" ngumiti ako, "para m-makauwi ka na sa kaniya.
*
"Hindi ko akalain na ang H&H ang kukunin mo para sa preparation ng gown and suit." puri ni Tita Ayen kay Xyd.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022