HOPE
Halos maubos ang hangin ko sa katawan kakatawa at humahagok kong hinampas ang braso ni Chase.
"Ako naman! Ako naman! Haha!" sabay upo ng maayos at excited akong iparinig sa kaniya ang knock knock ko.
Kanina pa kami sa penthouse at sa sobrang bored ay na-uto ako ni Chase sa mga knock knock niya, "Knock knock."
"Ayusin mo, baka may mamatay na joke sa'yo." ngisi niya at simangot ko siyang binato ng chippy.
"Havey to, sige na... knock knock!"
"Who's there?"
"Ioeh," lumapad ang ngisi ni Chase sa sinabi ko. Oh ano ngayon kung pangalan nila knock knock ko? Eh hanggang dun lang kaya ng utak ko.
"Ioeh who?" I clear my throat and breathed in and out.
Bumuwelo pa ako ng maayos at napapikit pang ginawang mic ang lapis.
"Ioeh ka na baby, hindi ako sanay ng wala ka mahirap ng mag isa-aa-aaa-ARAY!" reklamo ko ng biglang hampasin ni Chase ang mukha ko ng unan.
Hinimas ko ang ilong na napitpit at tawa siya ng tawa habang nakatakip sa tainga, feel ko pa kumanta, pang biritan kasi ang boses ko pero sinira na niya agad ang concert, "Hayop! Sakit mo sa tainga! Piyok pa. Haha!"
"KJ mo! Ang ganda kaya ng boses ko mala KZ Tandingan."
"Baka Kazi Galing Tomaan. Daig mo pa lasing sa mga KTV bar."
"Ang waley mo! Haha!"
"Tawa ka naman. Haha!" sabay kaming tumawa ni Chase at bugbog sarado ako sa pag hampas niya ng unan, at kulang na lang ay sakalin niya ako sa tuwa, kaya gumanti akong pinagbabato sa kaniya ang mga chichirya.
At infairness kasi sa kaniya, ang saya niyang kasama, ang daming kalokohan at kakulitan kaya nalilibang ako, busog lusog din ako sa mga junk foods.
"SHUT THE FUCK UP!" biglang may dumaang demonyo este anghel pala kaya kami natigilan ni Chase sa pag tawa.
Nilingon namin si Chance, salubong ang kilay niya at masama ang tingin sa amin, gulo gulo ang buhok pero napatakip ako sa bibig ng makita ang itsura niya, "Pff--" sabay naming hagikgik ni Chase at hindi na pigilang bumuhos ng tawa.
"BWAHAHAHA!" sabay turo ko sa mukha ni Chance na puno ng chichirya ang ituktok ng ulo at para siyang may bigote sa mga mugmog ng chichirya.
"What the--"
"Haha! Bal, ang gwapo mo sa bigote mo." kini-kiliting tawa ni Chase at inis na pinahid ni Chance ang mukha niya, kumalat pa ang dumi at mas nag salubong ang kilay niya.
Ang boring kasi niya, kanina pa kami naiinip ni Chase sa mga pinapa-trabaho niya para sa EHB, akala ko nga pag uwi nila dito sa penthouse ay magba-bonding na lang pero trabaho pa rin ang priority niya.
"Fuck! Manahimik kayong dalawa at gawin niyo ang mga trabaho, lalo ka na Chase, pag-aralan mo mabuti kung paano patakbuhin ng maayos ang buong company." banas niyang iniligpit ang nga ikinalat namin at ngumiwi ako ng sadya niyang tinagis ang balikat ko.
Tudyo rin ang gagong 'to eh, ang layo-layo ko na nga sa kaniya at ang laki-laki ng daan pero talagang sisingit pa niya ang sarili para lang tabigin ako.
Gigil talaga ako sa pagiging hambog niya!
"At ikaw! Nandito ka para ipakita sa akin ang mga designs hindi para makipagharutan."
"Duh! Ang choosy choosy mo! Na ubos ko na ang isang sketch pad pero wala kang napili."
"Then, buckle down and grill your brain for more creative inputs." inirapan ko siya at imbis na mag drawing ay sumandal ako sa may paanan ng couch.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022