Kadugtong lang 'to ng kanina pero ibang mood tayo for today's bedyow haha! Enjoy and good night 😘
HOPE
Buti naman ay hindi nakalimutan ipadala nila Mama at Ate ang mga art materials ko dito sa bagong bahay.
All set na rin dahil maayos na ang buong bahay mula sa mga furniture hanggang sa huling maliit na bagay na kakailanganin namin ni Chance bilang mag-asawa.
Naiwan lang sa box itong mga personal naming gamit. Sa isang box naman ay mukhang mga gamit naman ito ni Chance.
He has a lot of cameras, different lenses, and more albums. I never expected that Chance would be into photography.
Sinubukan kong buksan ang isang album at napangiti ako na makita kung gaano ganda ang mga litrato.
It's obviously taken in the old days, but he preserved the scenery perfectly. And the patience of the photographer is immeasurable.
Halata na sa bawat litrato ay pinag-ubusan niya ng oras. Katulad na lang nitong paghalik ng araw sa buwan. An eclipse where the sun and moon are perfectly visible.
"Honey," tawag ni Chance at hinarap ko siya na may ngiti sa labi.
"Mahilig ka pala kumuha ng pictures?" usisa ko at bumaba ang tingin niya sa mga hawak ko.
He smiled and nodded at me.
"My hobby." lumapit siya at kinuha rin niya ang DSLR. He operates it, and I frowned when Chance quickly took a shot of me.
"Chance!" suway ko sa ginawa niya pero nakangiti niyang pinakita sa akin ang litrato.
"Photography can preserve every single moments."
"Pero panget ako diyan. Burahin mo." utos ko sa kaniya habang nakaturo ako sa mukha kong simangot.
"No, whether it is good or bad, I still want to preserve and remember it." mapait ang ngiti niyang paliwanag at mariin kong nakagat ang ibabang labi gayong alam ko na baka bukas o sa makalawa ay hindi na niya maalala ang lahat.
"Then you should be fair!" pagbabago ko sa usapan at inagaw ko ang camera kay Chance para siya ang kuhanan ng litrato.
Kinuhanan ko siya ng litrato at hindi siya nagreklamo. May nakangiti, may nakabusangot, ngiwi at nasisilaw pa siya sa flash.
"Ay blurred."
"You're not a good photographer." panlalait niya at inismiran ko siya.
"Yabang. As if naman kumita ka na sa mga pictures mo." pang-aasar ko at tumawa siyang tumango.
"Remember, the most expensive wildlife photography hung in my office? The late president of the United States wanted to buy it for a million dollars."
"Weh?" hindi ko makapaniwalang tanong at naalala ko iyon.
Noong unang beses akong tumungtong sa opisina niya ay agad na pumukaw ng atensyon ko ang mamahaling litrato sa opsina niya.
And I never thought na siya mismo ang kumuha noon. So, he really has a long patience pero bakit ang init ng ulo niya pagdating sa akin? Sungit-sungit pa.
"Yeah, it's mine." puno ng kumpiyansang sagot ni Chance at inismiran ko siya.
"Eh di sana oil! Samantalang ako napunta pa ng Japan pero never nabilhan ng paintings."
Nakakatampo. Art din ang photography pero art din naman ang painting but all in all, ang hirap i-market ng mga paintings compare sa ibang klase ng art.
"Why don't you try to attend in art exhibit?" suhestiyon ni Chance at naghalungkat pa ako sa mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances
Roman d'amourCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022