HOPE
Ilang araw na rin ang lumipas at hindi ako napapagod na dalawin at alagaan si Chance.
Inaalok na nga ni Tita Ayen na dito na muna matulog sa bahay nila pero lagi akong tunatanggi gayong alam ko na bukod sa akin ay may isa pang tao ang dinadalaw si Chance.
Si Ysa, at kahit pa hindi kami magkasundo sa maraming bagay ay parehas pa rin ang gusto naming mangyari. Iyon ay ang alagaan si Chance.
Kaya sino ako para ipagdamot iyon kay Ysa? I give her time and space with Chance.
Kaya kung minsan ay mas maaga akong umuuwi o tanghali na ako darating nang sa ganoon ay hindi na rin mag-abot ang landas namin ni Ysa at hindi kami dumagdag sa isipin ng pamilya ni Chance.
Nakakahiya na kasi kila Tita Ayen na kahit ano bang gawin namin ni Ysa ay hindi sila nagagalit sa amin. They treated us like a real family and sa pagkakaalam ko ay kinausap na nila Tita Ayen si Ysa. I don't know and I'm not sure lalo na at hindi pa ulit kami nagkikita ni Ysa.
"Kung may kailangan ka, magsabi ka lang." nakangiting bilin ni Tita Ayen sa akin.
But this time, I agreed to sleep over dahil na rin bukas ay ang naka-schedule na operation ni Chance and we want to make sure na matuloy iyon kaya nandito ako ngayon.
"Thank you po."
"Sige na, Hope. Magpahinga kana, maaga pa tayo bukas and again, thank you. No words can tell how much grateful I am." she sweetly smiled at me and held my hands tightly.
Ngumiti ako kay Tita Ayen at hindi siya nagsasawang magpasalamat sa akin araw-araw. Mahigpit niya akong niyakap at dama ko talaga ang pagmamahal ng isa sa mga yakap niya.
Naalala ko tuloy si Mama at sila Papa. Hindi ko pa sila nakakausap at hindi ko rin alam kung paano magpapaliwanag sa kanila. But after talaga ng operation ni Chance sasabihin ko na ang lahat ng nangyari.
And I'm hoping na kasama ko si Chance mag-explain para sa araw na iyon at sana naaalala niya na rin ang lahat.
Ngumiti ako habang nakatitig sa mga drawing ko. Ang inihahanda ko para sa art exhibit and I'm still rooting na sa araw na 'to ay kasama ko rin si Chance.
I keep on painting and drawing every memories we have. Kasama na rito iyong limang bagay na natapos niyang gawin para sa akin.
He already cooked for me, we went to grocery together, we watch movies, he tie my hair and we take a lot of pictures.
Hindi niya pa ako kinakantahan but every day ay pinipilit ni Chance ang tumugtog ng gitara.
Hindi pa niya ako sinasayaw pero sabay naman kaming gumiling sa kama noon. Kahit nga stereo matatakot ata sa ingay namin.
I laughed at my own thoughts and reminiscing every moments we have.
Also, he never shared a paintings with me pero binigyan niya na ng kulay ang buhay ko.
Hindi pa niya ako nabigyan ng piggyback ride pero lagi naman niya ako tinatawag na baboy.
And most of all, hindi man niya maitali ang mga sintas ko ay mananatiling nakatali na ang puso ko sa kaniya.
"Ang daya mo, sabi mo kukumpletuhin mo 'yung ten ways pero hanggang ngayon kulang pa rin."
Patuloy akong nag-drawing hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa labas. Lumabas ako para tingnan kung sino iyon pero nagulat ako nang makita si Chance na tumatakbo.
"Chance, hindi ka pa natutulog. What's goin on?" nag-aalala kong sabi at agad siyang huminto sa pagtakbi pero nakatuon ang atensyon niya sa malayo.
"M-May multo sa k-kusina. N-Naririnig ko 'yung boses ko tapos may naglalakad na kamukha ko." sumbong niya at gusto kong tumawa sa reaksyon ni Chance.

BINABASA MO ANG
Chasing Chances
RomanceCheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022