Kabanata 47

6.7K 387 213
                                    

HOPE

Masakit ang ulo kong imimulat ang mga mata. Puting kisame agad ang bumungad sa akin at agad na bumalik sa isipan ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Pinilit kong bumangon at umupo nang may humawak sa braso ko para alalayan ako. It's him, again. It was him. Si Chance na maingat akong inalalayan at casual ang mga tingin sa akin.

"Good thing, gising kana." umpisa niya.

Malalim akong huminga at pasimple kong binawi ang braso mula sa kaniya.

Naiilang ako na harapin siya. Hindi ko alam kung paano siya titingnan sa mga mata at kung paano kakausapin si Chance sa mga oras na ito, na wala siyang alaala para sa akin. Daig ko ba ang bumalik sa simula gayong hindi sa ganitong paraan kami nagsimula.

We used to shout and hate each other but those things are pretty perfect than standing in front of him as his normal employee. This is worse than being stranger or taking a first step.

"Nawalan ka ng malay kanina. I check your phone to call som-"

"A-Ang cellphone ko." natataranta kong sabi at agad kong hinanap ang mga gamit ko.

Umismid si Chance sa akin at walang gana siyang sumandal sa upuan, pinag-krus ang mga braso at hita.

"Wala akong ginalaw sa mga gamit mo at naka-lock din ang cellphone mo kaya wala akong natawagan na kamag-anak mo." paliwanag niya at agad akong nakahinga nang maluwag.

Wallpaper ko pa rin kasi ang pictures namin at buti iba na ang lock screen ko, naglagay na rin ako ng password kaya hindi niya iyon nabuksan.

"Thank you." sagot ko at agad kong inalis ang kumot sa katawan para tumayo.

"S-Salamat at pasensya na sa abala-"

"You're awake, Ms. Perez." nakangiting lumapit sa amin ang doktor kaya umayos ako ng upo.

"Ah, opo. Aalis na rin po ako. Salamat po."

"Oh, yeah. It's great na makapagpahinga kayo pero hayaan mong bigyan kita ng reseta para-"

"K-Kayo?" naguguluhan kong tanong at matamis ang ngiti ng doktor sa akin.

"Yeah, kayo. You are seven weeks pregnant. Congrats, Ms. Perez. You have a healthy pregnancy iwasan mo lang maging stress or mag-overdo."

"P-Pregnant?  B-Buntis ako?" nanghihina kong tanong sa doktor at mula sa masigla niyang mga tingin ay kusa akong nanlumonh bumagsak paupo sa kama.

"Oo, hindi mo ba alam?" sagot ng doktor at mabigat ang paghinga kong lumunok.

Hindi ko maiwasang hawakan ang tyan ko at a-ako? B-Buntis? H-Hindi ko…p-paanong—palihim kong nilingon si Chance na mukhang hindi nagulat o hindi man lang nagbago ang reaksyon niya sa narinig na balita.

Of course he won't be surprise at all. Bakit naman kailangan niya magulat o mabigla sa balita gayong wala naman siyang alam n-na siya, siya lang naman ang tatay ng batang dinadala ko.

And why of all sudden ay ngayon pa? H-Hindi naman sa ayoko mabuntis o sa bata. I'm actually glad that there's life inside me.

Hindi rin naman ako dapat magtaka kung may nabuo dahil never kaming gumamit ni Chance ng proteksyon at alam kong hindi ako nag-ingat. P-Pero ngayon? Ngayon pa talaga kung kailan hindi kami maalala ng tatay ng anak ko.

Nanghihina akong huminto sa paglalakad at muntikan akong bumuwal sa panlalambot.

Agad akong nilingon ni Chance at lumapit siya para alalayan ako.

"Nahihilo ka pa rin ba? Kung gusto mo bumalik tayo sa—"

"H-Hindi na," putol ko sa sasabihin ni Chance at hindi ko maiwasang titigan siya.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon