Chapter 8

2.3K 41 0
                                    

"HEY!"Nakangiting tawag ni Angel kay Clyde. Nakaupo ito sa likoran at pinakasulok na upoan. Kaklase rin pala niya ito sa Visual and Audio Fundamentals class. Umalis uli siya sa tabi ni Mitchlene para tabihan ang kanyang bagong prey.

Alanganing ngumiti ito. "H-hi."

"Classmate din pala kita rito." Bumaling siya sa lalaking nakaupo sa katabing silya ni Clyde. "Hey, Tristan. Magpalit tayo ng upuan."

"Bakit?" nalilitong tanong ni Tristan.

"Because I want to be with my new friend Clyde."

"Pero..."

"Wala nang pero-pero, okay? Just stand up or I'll call my buddy Steve to kick your butt." She smirked.

Umalis nga si Tristan sa silya nito. Nang makaupo na siya, itinaas niya sa tapat ng mga mata ang DSLR camera na nakasabit sa kanyang leeg at itinutok iyon kay Clyde. Mukhang naiilang ito sa ginawa niya.

"Smile, Clyde."

Hindi ito tuminag, halatang uncomfortable pa rin. "Come on, smile." muling utos niya.

"I'm sorry. I don't like being photographed."

Ibinaba niya ang camera at naniningkit ang mga mata na tinitigan ito. "No one refuses Angel Buenaventura in this school. Kaya kung gusto mong magtagal dito, you have to obey me. Understand? Now, smile." itinaas niya uli ang kanyang camera.

Hindi pa rin ito sumunod. "I'm sorry, Camera shy kasi ako."

She groaned. "You are such a dork!" Pati sa camera, nahihiya ka?"

Tumango ito nang marahan. Inabot niya ang ID nito na nakasabit sa leeg nito. Natawa siya sa ID picture nito. Nakatikom nang mariin ang mga labi nito at bilog na bilog ang mga mata na tila nagulat sa flash ng camera.

"This is the funniest ID picture I've ever seen!" The way I see it. Hindi ka camera shy. Camera scared ka."

Nagtawanan ang ilang kaklase nila na nasa kalapit na upuan. Yumuko ito, halatang hiyang- hiya sa pagkataklesa niya.

"You have to get used to it" Hindi puwedeng habang buhay matakot ka sa camera. "Itinaas uli niya sa tapat ng mga mata ang Camera. "Come on, smile. Face your fear. That's the only way you can become normal."

For a moment, she taught she saw contemporary flashing quickly in his eyes. Nang pindutin niya ang camera ay nagtakip ito ng mga palad. Tinignan niya ito ng malalim. Hindi niya nagustuhan ang pagsuway nito sa kanya. Ngunit hindi na niyang magawang magsalita dahil dumating na ang professor nila.

Habang nag le-lecture ang guro, pasulyap sulyap siya kay Clyde na mukhang matamang nakikinig sa lecture na hindi niya pansin.

Angel smirked. Kung inaakala nito na palalampasin niya ang ginawa nito ay nagkakamali ito. Kinuha niya ang maliit na bolang nilalaro ni Ken. Ginagamit nila ang laruang iyon na pang-prank. It was called the "farting ball" Mayroon iyong tatlong iba ibang farting sound na tila totoong-totoo.

She bid the ball under her desk and squeeze it. A loud farting sound escaped from it. Tumigil sa pagsasalita ang professor at nagtinginan ang lahat sa direksyon nila kung saan nanggaling ang tunog.

Ngumiwi siya at nagpaypay ng kamay sa tapat ng ilong na kunwari ay nababahuan. Kapagkuwan ay tumingin siya kay Clyde na nakatingin din sa kanya.

"Yuck, dude! Your fart sounds like a bomb." sabi niya rito na umaktong nandidiri.

Nagtinginan kay Clyde ang lahat ng nasa silid. Nanlaki ang mga mata nito. "No, I did not fart" Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa kanya.

"Hello, alangan namang ako iyon? She rolled her eyes. "Dear classmates, most of you have known me since first year. Have you ever heard me fart?. Nagsiilingan ang karamihan.
Bumaling uli siya kay Clyde. "See? Stop lying and passing your dirt off to a lady. That's so ungentlemanly." Umiling-iling pa siya.

Halatang hiyang-hiya ito dahil nakatingin na ang lahat dito at pinararatangan itong sinungaling at ungentleman. Dinagdagan pa niya ang kahihiyan nito sa pamamagitan ng muling pagpisil ng farting ball. A long quiet farting sound escaped from it.

"Oh, God! Horrible! Tinakpan ni Angel ang ilong. Nagtakip din ng ilong ang mga nasa kalapit nilang upuan at nakigaya sa kanya kahit alam niyang walang naaamoy ang mga ito. Ang ilan ay natatawa.

Yumuko ito. Namula ang mga pisngi nito sa labis na pagkapahiya. Lihim siyang napangiti.

"Clyde Razvan Fajardo, you're excused," wika ng professor nilang si Mrs. Darte "Please go to the restroom"

"But ma'am i'm telling the truth I didn't...."

"Just please go." naiirita na nitong sabi.

Nakayukong tumayo si Clyde. Bago pa ito makahakbang, pinisil uli ni Angel ang bola. This time, the farting sound was short and low. Lumakas ang tawanan ng ilang kaklase niya. Sa pagkapahiya lumabas na ito ng classroom.

"That was disgusting," narinig niyang komento ng babaeng nakaupo sa sa harap ng bakanteng upuan ni Clyde.

Kausap nito ang katabi. "Pero parang walang amoy no? wika ng katabi nito.

Pagkalabas niya nagsitawanan parin ang iilan sa mga kaklase niya, kitang kita naman niya ang malapad na ngiti ni Angel sa kanya, wala itong nagawa kundi ang lumayo na lang muna siya habang matapos ang oras ng prof nila sapagkat lilipat rin naman pagkatapos sa kabilang room si Angel....

Lihim namang napa-ngiti si Angel dahil nagantihan na niya ito sa araw na pinagsalitaan siya ng di kaaya-aya sa kanyang pandinig nang una pa lang silang nagkaharap ni Clyde. Tama lang kay Clyde ang ginawa niya. Mabuti na't matuturoan na ito ng leksyon at sa susunod ay susundin na siya nito.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now