Chapter 16

1.9K 37 0
                                    

Nagulat si Angel nang tuluyang maabutan niya si Clyde na nakahandusay sa sahig sa lobby ng abandonadong gusali sa SCU. Napapalibutan ito nina Steve, Ken, Droxx, at Frost na nakatayo at nakayuko rito. Sinabi sa kanya ni Mitch ang tungkol doon kaya mabilis siyang nagtungo roon kaya mabilis siyang nagtungo doon. Ngunit huli na yata siya dahil mukhang marami nang tinanggap na mga suntok at sipa si Clyde mula sa mga grupo niya.

Dali-dali niyang pinagtutulak ang mga ito at dinaluhan si Clyde. Putok ang gilid ng mga labi at ang isang kilay nito ay may dugo nang tumutulo mula roon. Pulang-pula ang ilang bahagi ng mukha nito at alam niyang masakit na ang katawan nito.

"Clyde, are you all right?" puno ng pag-aalalang tanong niya rito.

"O-okay lang ako. Don't worry. Hindi naman gaanong masakit."

Nagtagis ang mga bagang niya. Marahas siyang tumingala at pinanlisikan ng mga mata isa-isa ang limang lalaki.

"Bakit n'yo ginawa iti kay Clyde?" galit na galit na singhal ni Angel sa mga ito. "Di ba, sinabi kong 'wag n'yo siyang pakialaman?" Bakit n'yo siya sinaktan?"

"Ginawa namin iyon para layuan ka na niya," tugon ni Ken.

Kinuyom niya ang mga kamay. "Bakit? Ano'ng karapatan n'yo para utusan ang isang taonna layuan ako?"

"Hindi ka na sumasama sa amin nang dahil sa kanya. Siya na lang ang lagi mong kasama. Parang pinapabayaan mo na kami," sagot ni Ken.

Pinindilatan niya ito. "Hindi totoo iyan! Siguro nga nabawasan ang pagsama-sama ko sa inyo pero hindi ko kayo pinabayaan. Nang dahil lang sa nabawasan na ang oras ko sa inyo, binugbog n'yo na siya?"

"Dahil gusto naming siya na ang kusang lumayo sa'yo. Mukha kasing wala ka nang balak bitiwan siya," sabi ni Droxx.

"Ano ba'ng nakita mo sa lalaking iyan, Angel?" tila naghihinanakit na tanong ni Frost. "Noong una, alam naming pinaglalaruan mo lang siya kaya hinayaan ka namin. Pero ngayon, iba na. Can't you see how he handled us? Hindi siya nakalaban. He's a bonehead, Angel. Wala siyang kuwenta. Hindi ka niya kayang ipagtanggol gaya ng nagagawa namin sa'yo. Kaya iwan mo na siya."

Lumapit siya kay Frost at sinampal niya ito. "Wala kang karapatan na utusan ako!" Nagtagis ang mga bagang nito ngunit hindi ito gumanti.

"Not you, nor you, and you two." sabay duro niya isa-isa kina Steve, Frost, Ken, Droxx. "Wala ni sinuman sa inyong lahat ang may karapatang sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin, o pakialaman ang personal na buhay ko. Kaya hindi ko mapapatawad ang ginawa n'yo sa ginawa n'yo kay Clyde . Para na ring ako ang binugbog n'yo sa ginawa n'yo sa kanya."

"You're nuts, Angel!" asik ni Droxx. Lumapit siya rito at sinuntok niya ito sa sikmura. Tulad ni Frost, hindi ito gumanti kahit nasaktan ito. "Damn you!

Umiling-iling si Ken. Halatang nangigigil ito sa inis ngunit pinipigilan ang sarili.

"Simula ngayon, wala na akong pakialam sa inyo. Hindi ko na kayo kailangan.

"Pero, Angel..." hirit ni Droxx. "Iniisip lang namin ang kapakanan mo. Hindi makakabuti para sa iyo ang mahulog ang loob sa lalaking tulad niya. Wala kaming intensiyong masama."

Tumaas ang kilay niya. "Really, Droxx? Isang lalaking tulad niya? It's interesting na sa'yo ko pa narinig ang mga salitang iyan."

Yumuko ito.

"I don't want to be allied with all of you anymore. Umalis na kayo!"

"Nang dahil lang sa kanya, kalilimutan mo na ang ilang taong pinagsamahan natin? tanong ni Ken.

"Magbabarkada tayo mula pa noong high school. Ilang beses na ba kitang prinotektahan tuwing may nagtatangkang manakit sa'yo? Tapos, ngayon, kalilimutan mo lang ako, kami? nang dahil lang sa isang lalaking iyan.. Eh sarili niya nga ay hindi kayang protektahan.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now