Chapter 24

1.6K 24 0
                                    

Dahil sa naganap naging mas malamya siya sa mga nagdaang araw at buwang lumilipas ngunit bagaman hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral mas naging aktibo siya sa pag-aaral. Hinakot niya ang lahat ng medalyang dahilan ng kanyang pagpupursige. Ngunit kalakip noon ay ang kanyang munting pagbabago.

Nakapagtapos siya ng Senior HighSchool at tumuntong ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Nursing (BS). Kasa-kasama niya parin ang mga kaibigan sa iisang Unibersidad bagama't magkaibang kurso ang kinuha. Si Mitchlene ay nag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM), si Ken bilang Bachelor of Science in Architecture (BS Architecture), si Droxx ay Bachelor of Science in Pharmacy (BS Pharmacy), Frost ay Bachelor of Science in Medical Technology (BS Med Tech) at si Steve naman ay napili niyang maging Bachelor of Science in Criminology
(BS Criminology) at silang magkaibigan ay mayroong mga nobya/nobyo bagaman si Angel ay wala. Hindi kasi nito matakasan ang ala-ala o panahon na nakaukit na sa kanyang puso't isipan.

Sa taon na lumipas sa kolehiyo ay nagkaroon siya ng manliligaw, hinayaan niya ang mga ito dahil sa kagustohan niyang magmahal muli ngunit sadyang si Clyde parin ang nakaukit sa kanyang puso, pinilit naman niyang kalimutan ang taong iyon at magmahal nang muli ngunit sadyang hadlang ang kanyang damdamin sapagkat kahit anong pilit bagaman siya parin ang hinahanap ng puso ng paulit-ulit.

Sa mga taong nagdaan rin ay nagbago ang kanyang ina, nabigla siya sa mga ikinilos at galaw nito tila hindi siya makapaniwalang nagdidilang anghel ito sa kanya, hindi niya alam kung pagpapanggap lamang ito kaya hindi siya basta bastang nagpaniwala sa inaasta nito pagka't sa mga nagdaang panahon pinagkait nito ang  pagmamahal ng pagkakaroon na may isang ina at magulang sa kanya, ngunit makalipas ang mga taon ay nakikita naman niyang dahil sa sinseridad na hindi basta lamang pagkukunwari ang ipinapakita nito sa kanya dahil damang dama niya ang pagmamahal ng isang ina kahit na ngayon ay masasabi niyang huli na dahil nasa wastong edad na siya mahabang panahon na ang nagdaan at lumipas, mga mapapait na kaganapan, ngunit na realize niya na hindi naman nasa panahon nasayang ang babalikan niya kundi ngayong nasa kasalukuyan na talagang ramdam na niya ang pagkakaroon ng may nagmamahal sa kanya bilang may pagkalinga ng isang ina.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now