Chapter 30

2.3K 40 0
                                    

They were happily chilling on the beach when suddenly Meliza called. "Where are you now Angel? Are you with Clyde?" the tone of his words was filled with a tinge of concern.

"Yes, Mom. How did you know? Tinawagan ka ba ng magaling kung Ama?"

"Angel please now listen to me, nandyaan ang mga tauhan ng Ama mo upang bantayan ang bawat kilos at galaw ni Clyde.

"Sa tono ng pananalita niya kanina habang nasa telepono ay handa na talaga siyang kumitil ng buhay, nananalaytay man ang dugo niya sa'yo magagawa niya iyon sapagkat halang ang kaluluwa niyon. Anak, ayokong pati ikaw mawala ka pa sa akin. Please layuan mo na si Clyde alang alang sa kaligtasan mo."

"No, mom you're so selfish, how could you do this to me, I know all of  what you've done. Please mom hayaan mo akong gawin ang tama ngayon, hayaan mo akong maging masaya, maayos na ang ugnayan natin Mom, ayokong masira muli yun. Don't worry about me Mom, dahil may ilalaban na kami para mawakasan ang kahibangan ng kinilala kong Ama mula pagkabata na itiningala ko ngunit ngayon kinasusuklaman ko na dahil sa mga kawalang hiya at  halang niyang kaluluwa."

"Calm down Angel, mapapahamak ka lang. Where are you?"

"No, Mom. Ito na ang oras para kumilos, para matapos na ang kasamaan niya, kailangan niyang pagdusahan ang lahat ng ginawa niya."

"Hindi tayo nakakasiguradong mapagbabayaran niya ang kasalanan niya. Dahil marami siyang koneksyon, maimpluwensya siyang tao, kayang kaya niya manipulahin lahat. Katumbas ng pera ay matatakpan niya iyon.

"No mom, hindi niya kailanman maitatago ang lahat ng mga nagawa niya. Nararapat siyang mabulok sa kulongan! May plano na kami ni Clyde para wakasan ang kasamaan niya nasa kamay na namin ang ebidensya magpapatunay na marami siyang krimen na ginawa at mga illegal na droga ay sangkot rin siya sa paglaganap nito sa Pilipinas."

"Pa-pano?"

"Malalaman mo rin Mom." at pinatay niya ang linya ng telopono.

"Teka Angel." bagsak ang balikat niyang naiwan nang makikita ang bahid sa mukha ng puno ng pag-aalala sa lahat ng kung anong mangyayari.

~~~~~~~~~~~~
PIOLO PASCUAL POV.
Nasa isang bar ito habang nakapulopot sa kanya ang tatlong babae sa kanyang kandungan. "Ano na ang balita?" saad niya habang hikap hikap ang yosi.

"Boss, nakalap naming may hawak na ebidensya si Clyde Razvan Montefalco patungkol sa lahat ng takbo ng iyong gawain at sangkot na rin ang lahat ng illegal maging ang krimen na magpapatunay sa lahat.

Napabulalas siya sa nalaman. Hindi siya mapakali sa nalamang balita. "

"Bantayan niyo ng maigi ang bawat kilos at galaw ni Clyde, huwag niyong iiwasan ang pagtutok sa kanya!" Singhal niya. Pinatay niya ang linya ang telepono at nawalan ng ganang makipagharutan sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~
CLYDE'S POV.
"Attorney Sebastian, narito ang magpapatibay na ang taong ito ay nararapat na pagbayaran ang kanyang nagawang sala." saad niya sa kaibigan ng kanyang Aunt Delia, habang iniabot ang dokumentong magpapatunay na kung anong uri ng tao si Piolo Sanchez na asawa ng isang sikat na modelo at artistang si Melly Faustino na hinahangaan ng karamihan bukod sa husay, ganda nito maging ang pamilyang perpekto na kung ihahalintulad ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay ang asawa niyang minahal ay isang manloloko at makasarili lamang.

"Maraming salamat, gagawin ko ang buong makakaya ko, hindi ko kayo bibiguin."

"Maraming salamat attorney." at nakipagkamay silang dalawa.

~~~~~~~~~~~~~
Samantala papaunlakan ng isang pagpapasalamat sa isang event na ang mga bisitang naroon ay mga sikat at mayayamang tao, kasama narin roon ang buong pamilyang Sanchez, naroon ang lahat at daragsa ang mga taong bahagi ng event na iyon.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now