Chapter 23

1.7K 28 0
                                    

"Alam mo bang biyaheng ibang bansa ngayon si Clyde?" saad nito habang nasa principal office siya ng Ninang niya. Naparoon siya dahil sa mga ipinasang mga mapipirmhang tungkol sa mga activities na inilunsad ng mga may gampanin sa kanilang unibersidad, isa na roon siya.

"What did you say?" bigla napaharap siya sa sinabi nito.

"Galing siya rito ilang oras lang ang nakalipas, he wants to transfer from another school. Hindi lang niya sinabi kung saan. Teka alam~~~ agad ni Angel tinalikuran ang Ninang niya hindi na niya ito pinatapos sa sasabihin. Mabilisan niyang kinuha sa kanyang bag ang cellphone at mabilisang tinawag si Clyde ngunit cannot be reach parin ito. Sinubukan niyang itrack kung nasan ito pero hindi na niya matrack. Halos mabaliw siya kakahanap. Umabot na sa puntong pumunta siya sa bahay nito pero may nagsabi lang sa kanyang wala na ang nakatira roon at ibinenta na ang bahay na iyon. Humabol rin siya papuntang airport hinalughog niya lahat sa kung saan makita lamang si Clyde. Tinanong niya ang buong pangalan ni Clyde kung sakaling bumiyahe na ito ngunit bawal maglabas ng impormasyon. Sa buong buhay niya ngayon lamang niya na gawang maki-usap at magmakaawa. Nagagawa niya ito dahil sa pambiharang pagmamahal. Ngunit hindi siya nagpatinag ginawa niya ang lahat ng makakaya niya binuhos niya ang kanyang lakas makita lamang si Clyde. Ngunit hindi niya ito mahagilap bagsak siyang napaupo sa mga upuan sa airport habang unti unting dumausdos ang mga luha sa kanyang mata. Sinisi niya ang sarili na kung may pagkakataon lamang siyang mapigilan ang biglaaang pag alis nito ay gagawin niya.

Umuwi siya ng bahay na hinang-hina, tila lantang gulay ang katawan niya. Pagkapasok niya sa kanyang silid tahimik siyang napahikbi tila hindi siya nauubosan ng luha dahil sa walang tigil ito. Sobrang sakit para sa kanya ang biglaang pagkawalay sa kanya ni Clyde hindi niya matanggap kung bakit iniwan na lang siya nito ng biglaan ng walang sapat na dahilan. Inisip niya bigla na mabuti pa ang iba kapag mang iiwan sa ere may pag uusap pa, ngunit siya biglaan lang iniwan ng walang paalam. Naninikip ang dibdib niya sa isiping iyon, tila binagsakan niya ng langit sa labis na sakit na kanyang nadarama.

Sa kabilang banda tahimik niyang sinilip ang kanyang anak. Nasasaktan rin siya na makita na ganoon ang anak ngunit kailangan, masama man siyang ina kung iisipin ngunit ang kaligtasan ng anak at ng iba ay ang kanyang kapakanan at paka-iingatan niya. Ayaw niyang may madamay na iba dahil lamang sa halang ang kaluluwa ng ama nito. Sa bawat araw na lumilipas kitang kita niya ang unti unting pagbabago ng kanyang anak, ni tapunan siya ng tingin ay hindi nito magawa, pag kinakausap siya'y parang wala lamang itong nadidinig, marahil dulot ito ng nobyo, malaking impact ang makikita niyang nagpa-bago kay Angel.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now