Chapter 27

1.7K 27 0
                                    

It's been six years at hindi na ako makapaghintay ayokong mahuli pa ang lahat. Nababago ang panahon ngunit ang tinitibok ng puso ay posibilidad din na magbago't mapalitan sapagkat kailanman hindi maaaring diktahin kung sinong tinitibok nito.

Piolo Sanchez Pov.
"Pakibantayan ang bawat kilos at galaw ni Clyde Razvan Fajardo kung kailangan wag kayo magpahinga gawin niyo kung ayaw niyong mawalan kayo ng trabaho!." Iritableng singhal niya sa kanyang hinire para bantayan si Clyde na dahilan na kagustohan niyang maging malinis siya't walang bahid na pagkakasala na matagal na niyang tinatakpan.

"Hello boss, may impormasyon kaming nakalap. Umuwi si Clyde Razvan Montefalco dito sa Pilipinas ilang oras pa lang ang nakalilipas at natagpuan siya naming nakipagkita sa mga kaibigan ni Angel."

"Ano!? Ba't ngayon niyo lang naibahagi ito!? Mga walang silbi! Bago mahuli ang lahat, iligpit niyo ang lalaking iyan sapagkat iyan ang makakasira ng plano ko.!" ma awtoridad niyang utos.

"Yes boss."

Habang hawak hawak niya ang isang glass ng wine, dahil sa kanyang nalaman inihagis niya ito sa kung saan, nagkalat ang mga basag na glass. "Alam kong hindi mo parin panghahawakan ang pinag-usapan kaya ngayon hindi na ako magdadalawang isip na taposin ang buhay mo, Clyde Fajardo." tugon niya ng may nakakalokong ngiti.

~~~~~~~
Bago pa man nakaalis ng bansa kasama ang pamilya ni Clyde ay may nangyari muna sa kanila. Ikinulong sila sa isang abandonadong gusali upang takotin silang lahat na lumayo at ang kanilang mga nalaman ay kanilang ingatan na wala dapat makaalam kahit na sino pa man.

"Napakawalang kwenta mong Ama sarili mo lang ang iniisip mo. Buong buhay tinitingala ka ni Angel kahit na hindi ka niya malapitan pero anong ginagawa mo, napakasama mo." singhal nito habang nakagapos ang dalawang kamay sa silya.

Lumapit ang Ama ni Angel at hinawakan ang baba ni Clyde. "Masama na kung masama dahil kailanman isang pagkakamali siyang nabuhay pa siya sa mundong ito. Napipilitan lang naman akong sustentuhan iyan dahil sa ina niyang mukhang pera. And besides ang ina niya ang habol ng habol sa akin simula pa lang." at humalakhak siya ng nakakaloko.

Dinuraan siya nito sa mukha. Mabilisang inambahan ng isang malakas na sipa't suntok ang katawan ni Clyde.

"Tama na. Wag mong saktan si Clyde. Pakiusap, maawa ka." pakiusap niya sa Ama ni Angel.

Aambahan pa sana niya ito ng suntok ng nagsalita ang Aunt Delia ni Clyde. Binitawan niya si Clyde at sinalampa sa sahig.

"Ganito ang mangyayari sa inyo. Kapag hindi niyo ako sundin. Gusto niyo bang mamatay ng maaga ha!?" singhal nito na ikinaiyak ni Delia at ang anak nito na natatakot na ng sobra.

Tumingin siya sa kanyang tauhan at mariing senenyasan. Bumalik itong kaagad at ibinigay ang isang baril. Ikinasa niya ito at tinutok sa mag ina. "Pakiusap, huwag mong gawin iyan. Kahit ano susundin ko, kaya nakikiusap ako wag mong iputok ang baril." Nakangisi siya sa tinuran ni Clyde. Muli ay iginawad niya ang paningin niya sa kanyang baril.

"Ako na lang patayin mo, nakahanda ako. Wag mo lang sila idamay rito."

"No, don't do that Clyde. Pakiusap gagawin namin lahat wag mo lamang kaming patayin. Hayaan mo kaming mamuhay ng tiwasay. Itatago namin ang sekreto mo. Walang makakaalam, buhayin mo lamang kami, pakiusap." pahagulgol niyang pagkakasabi, habang nakayuko ito habang tumatagaktak ang mga luha, kitang kita ang labis na takot ganun narin ang pagmamakaawa.

"Yan ang gusto ko nakikiusap." halakhak niya.

"Sa isang pagkakataon, magpasalamat ka Clyde bubuhayin ko kayo. Pero kung gagawa kayo ng hakbang para matapos agad ang buhay niyo hindi ko kayo tatantanan. Kahit saang sulok kayo magtago mahahanap at mahahanap ko parin kayo. At hindi ako magdadalawang isip na wakasan ang buhay niyo, naiintindihan niyo!" singhal niya sabay talikod papalayo sa kanila.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now