Chapter 14

2K 37 0
                                    

Pinagmasdan ni Angel ang buong paligid habang hinihintay si Clyde sa pagbabalik nito mula sa restroom. Isinama niya ito bilang date niya sa birthday party ni Coleen Fuentes, ang bise-presidente ng supreme student government.

Dahil sa semiformal ang pagtitipon, nagsuot siya ng cocktail dress at nagpakulot ng buhok. Nang makita siya ni Clyde kanina, nakita niya ang paghanga sa nga mata nito.

"You're beautiful. You look like an angel," sabi pa nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang kinikilig siya sa sinabi nito.

Maraming bisita si Coleen na karamihan ay taga-SCU. Kumuha siya ng wine mula sa roving waiter at sinimsim iyon. Sa pagsulyap uli niya sa direksyong pinuntahan ni Clyde kanina, namataan niya ang likod nito. Kaharap nito si Hugh, ang pinakakinatatakutang miyembro ng Alpha F'Koppa. Hindi lang kasi nakakatakot ang taas at laki ng katawan nito, nakakatakot din ang mukha nito. Barbaro din ang ugali nito. He waa merciless. He was the cruelest bully she had ever known.

Naalarma si Angel dahil mukhang pinagkakatuwaan nito si Clyde. Mabilis siyang lumapit sa mga ito. Naabutan niyang pinipitserahan na nito ang date niya. Marahas niyang tinabig ang kamay nito at pumunta siya sa harap ng kanyang 'nobyo' para harangin ito mula kay Hugh.

Umangat ang mga kilay ni Hugh. "O, Angel! Bakit  naman?"

Mukhang hindi pa nito nababalitaan na 'nobyo' na niya ang lalaking gusto nitong i-bully.

"Because he's mine."

Ngumisi ito. "Pero baka puwede mong i-share siya sa akin kahit ngayong gabi lang? Nakakatuwa kasi siya. Ang laki ng kaha pero mukhang lampa."

May ibinulong dito ang katabi nitong ka-brod nito sa fraternity. Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?" Tumingin ito sa kanya. "Boyfriend mo ang lalaking ito?" gulat na tanong nito habang nakaturo kay Clyde.

"Yes," nakataas-noong sagot niya.

Biglang bumunghalit ng tawa si Hugh. "Nababaliw ka na yata! Itong nerd na ito, na-type-an mo?" Hinawakan nito ang baba ni Clyde ngunit tinabig uli niya ang kamay nito.

"Don't touch him," nanlilisik ang mga matang saway niya kay Hugh.

Muling tumawa ito. "Sabihin mo nga, ano'ng nagustuhan mo sa kanya?"

"Leave him alone. Maliwanag ba? Kung hindi, malalagot ka sa akin."

Tumawa si Hugh. "At ano nama'ng gagawin mo sa akin, ha?" Lumapit ito sa kanya at inilapit ang mukha sa kanyang mukha.

"I can kick your ass if you mess with my guy."

Biglang sumulpot si Ken. "Ano'ng nangyayari dito?"

Alam niyang lulubayan na siya ni Hugh dahil alam nitong pinoprotektahan siya ni Ken.

Umiling-iling si Hugh. "You're crazy." Muling tumawa ito at tumalikod na.

Saglit lang silang nagkatinginan ni Ken. Hinila na niya si Clyde pabalik sa puwesto nila. "That asshole. Sinaktan ka ba niya?" she asked in calmed anger.

"Hindi mo dapat ginawa iyon. Paano kung napahamak ka?"

Sasagot sana si Angel nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Sumilay ang mapanudyong ngiti sa mga labi niya. "Nag-aalala ka ba para sa akin? Are you starting to care for me?"

Tila nasukol ang hitsura nito. "Ha?" Yumuko ito. "Eh, ikaw... bakit mo ako ipinagtanggol?"

Lumapad ang ngiti niya. "Because you're my boyfriend and I need to protect you. As long as I'm your girlfriend, nobody can do you any harm."

Ngumiti ito nang bahagya. "Thank you."

Napatitig siya rito. She didn't know why but it felt as if something  warm touched her heart that moment . Hindi lang ito ang taong pinoprotektahan niya. There was Steve who admired her bravery and there was Droxx who was also a nerd. But with Clyde, it felt different.

Natanaw niya ang isang malaking water fountain. Niyaya niya ito patungo roon. Nang makaupo sila, nahagip niya ng tingin si Ken. Mukhang minamanmanan nito ang mga ginagawa niya kasama si Clyde. Wala ni isa sa member ng Gamers Gahn ang pabor sa "relasyon" nila ni Clyde.

Inubos niya ang laman ng kanyang baso at tumayo na. "Let's dance!" Dance music ang kasalukuyang pumapailanlang sa ere.

Halatang nag-panic ito. "I can't dance."

"Bakit? Sa tingin mo ba, lahat ng nandoon ngayon sa dance floor, marunong sumayaw?"

May dumaang roving waiter na may hawak na tray. Kumuha siya ng isang baso at ibinigay rito. "Drink that to calm your nerves."

Saglit munang nag-atubili ito ngunit nang siya na mismo ang nagdala ng bibig ng baso sa mga labi nito, wala na itong nagawa kundi inumin ang laman niyon. Pinaubos niya rito ang alak at saka hinila na ito.

Pagdating sa dance floor ay umindak siya nang husto samantalang ito ay ulo lang ang gumagalaw habang pumapalakpak. Hinayaan na niya lang ito dahil mukhang wala talaga itong talent sa pagsasayaw. Sinayawan na lang niya ito. Hanggang sa magpalit ang music. Naging mellow at romantic iyon. She smiled naughtily as an idea hit her.

Kinuha niya ang mga kamay ni Clyde at dinala sa baywang niya. Pagkatapos ay isinampay niya ang mga braso sa mga balikat nito. Sinadya niyang ilapit nang husto ang katawan dito upang makita ang magiging reaksiyon nito. Halata ang pagkailang nito at halos hindi ito makatingin sa kanya.

"Look at me," utos niya.

Sinalubong nito ang titig niya.

"I can't see you looking at me."

"I'm looking at you."

Inalis niya ang eyeglasses nito. Mukhang tututol ito ngunit hindi na ito nakakilos pa. "Now, I can see your eyes." Isinuksok niya sa bulsa ng slacks nito ang salamin.

Tinitigan niya ito sa mga mata habang mabining gumagalaw sa saliw ng malamyos na tugtog. Inaasahan niyang magbabawi ito ng tingin ngunit nanatili itong nakatitig din sa kanya. At that moment, he was looking at her as if he was not a shy nerd but a man with conviction. Marahil ay dahil sa wine na ipinainom niya rito kaya tila nag-iba ito.

Damn, his eyes were so gorgeous and the way he stared at her was beguiling. She became aware of their nearness to each other and his big hands on her waist, almost touching her skin. Suddenly, she felt romantic. She had never felt that before and it was enchanting.

"Kiss me..." she whispered seductively while looking at his lips.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Angel saw desire glimmering in his eyes as if he wanted to devour her lips so badly. Hindi niya alam kung kaakit-akit lang talaga siya sa gabing iyon o dahil iyon sa wine na ininom nito. Itinulak niya ang likod ng ulo nito pababa sa kanya hanggang sa halos gahibla na lang ang natitirang espasyo sa pagitan ng mga labi nila. She gasped in anticipation. She had never felt that extreme longing to be intimate with someone.

When she felt his lips clamp against hers and begun to suck her lips, she was struck by a powerful sensation she had never felt before. That feeling wasn't there before when she first touched and kissed him at the Gamer's Hell'n. It was different this time. She wanted the feeling so much she thought there were fireworks everywhere around them. That was the most delicious thing she had ever
tasted in her whole life.

Ginaya niya ang paggalaw ng mga labi nito. Lalo siyang nasisiyahan sa nadarama nang mga sandaling iyon. Even though she hadn't kissed like that before, shw knew Clyde was a great kisser. She didn't have the time to think how a shy nerd like him knew how to kiss like that. Basta gustong-gusto niya ang halik nito at ayaw na niyang matapos iyon.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now