Chapter 25

1.7K 31 0
                                    

CLYDE POV.

Masakit man sa akin ang lumisan ngunit nagawa ko alang-alang sa babaeng pinakamamahal ko. Napilitan rin kaming tatlo na mangibang bansa at mamuhay ng tahimik na malayo sa mga kapahamakan o banta. Napagdesisyonan ko rin kahit na labag sa kalooban ko na lumayo pagka't ayoko na isa sa mga mahal ko sa buhay ang mawalay pa sakin.

Lagpas isang taon ang nakalipas ay umuwi si Clyde sa bansang Pilipinas dahil sa alam niyang ggraduate na ang nobya ng Senior HighSchool. Bagaman siya ay naunang gumraduate ilang araw lang ang nakakalipas sa bansang kanyang pinanggalingan.

Isang araw lang naman iyon ngunit minabuti niyang mag stay sa Pilipinas ng tatlong araw bago bumalik ng US. Habang naroon na siya sa Unibersidad ay nahagilap na niya ang nobyang nakaupo sa hanay ng mga ggraduate katabi nito ang ina at mga kaibigan. Subrang miss na niya ito gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngunit hindi pa maari, hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Minabuti niya na lamang na ipokus ang tingin kay Angel, walang ano ano'y nasa kanya lamang ang buong atensyon. Samantala walang makakakilala sa kanya pagka't tagong tago ang mukha niya, nakasuot siya ng cap at face mask, at naka leather jacket. Habang binabaybay niya ang kanyang mata sa nobya ay tinawag na ang pangalan ni Angel at dahan dahang umakyat ng stage. Marami ang mga medalyang nakuha nito hinakot na ata nito dahil dun wala sa sariling napangiti siya rito, proud na proud siya kay Angel.

Kalaunan habang nasa stage si Angel na isinusuot sa kanya ang mga medalya at certificate na hawak hawak niya habang kinukunan ng litrato ay nahagilap niya ang pamilyar na tao sa kanya kahit nakasuot pa ito ng sombrero at mask, ngunit hindi niya maikakailang si Clyde ito, wala sa sariling nasambit niya ang pangalan ni Clyde. Napatitig naman sa kanya ang Mom nito na may bahid na pagtataka ang namutawi sa kanyang mukha. Pagkatapos ng pagkuha ng litrato walang pasubaling iniwan ni Angel ang Mom niya sa stage at mabilisang sinundan ang pagkilos ng pamilyar na lalaki sa kanya. Dahil sa dami ng tao ay nawala agad sa kanyang paningin ito, ngunit hindi siya sumuko at binaybay niya ang daan hanggang sa labas ng Unibersidad kahit na madilim na ang paligid. Bagsak siyang napaupo sa may bandang upuan malapit sa isang hardin na puno ng mga mahahalimuyak na bulaklak. Nilinga niya ang paligid sa labas ngunit walang Clyde siyang nakita, sampung minuto siyang nanatili roon nagbabakasakaling makikita niya si Clyde ngunit lumipas ang ilang minuto walang Clyde ang nakita niya. Mga studyante lamang ng unibersidad ang nasa labas kaya napagpasyahan niyang bumalik na lamang sa loob ng mata kay. Samantala tahimik na tinitigan ni Clyde si Angel na nakaupo at panay ang paglinga nito habang siya ay nasa loob ng kotse.

"Namukaan niya kaya ako?" wala sa sariling natanong niya sa kanyang sarili. "Hindi naman siguro." Pagkukumbinsi niya at pagpapaniwala niya sa kanyang sarili.

"Oo tama," sabi niya ng nakitang lumakad na pabalik sa loob si Angel.

"Lets go, bring me back to my condo's location" ani niya sa kanyang driver.

Bagsak siyang napahiga sa kama inaalala niya ang mukha ni Angel ng kanyang makita ilang oras lamang ang nakalipas. Nagtitimpi lamang siya ng kilos ngunit gustong gusto na niya itong mahawakan at masilayan ang mukha ng malapitan ngunit hindi pa maari. Masyadong hindi pa ito ang tamang panahon at pagkakataon para muli silang magkalapit.

Ilang araw lang ay umuwi agad si Clyde sa bansang US upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang nasa kolehiyo.

Four years passed, he graduated in Brixton University in United States, natapos sa kursong Civil Engineering, ngunit sa paglipas ng taon ay nagkaroon ng sariling kompanya sa naturang bansa kung saan ay lumalawak ang kanyang sarilinang negosyo sa paggawa o pag embento ng mga sari't-saring perfume na kasalukuyang dinudumog ng bawat mamimili sa angking bango nito, mapa saan mang bansa.

Pinokus ang sarili sa pagpapalago ng kanyang sariling kompanya, kailanman hindi naturang magkaroon ng girlfriend si Clyde dahil kailanman hindi naalis o napalitan sa puso niya si Angel. Nangako siya sa kanyang sarili na kung magtatagpo ang landas nilang dalawa na walang anumang balakid ay gagawin nito upang kung muli ay magkasagupaan ang kanilang landas ay sisiguraduhin nitong wala nang ibang hahadlang pa sa pagitan nilang dalawa.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now