Chapter 12

2.3K 34 2
                                    

Napangiti si Angel nang makita niya si Clyde na nakaupo sa bench sa gilid ng roofed walkway papasok sa campus proper. Tahimik siyang lumapit kay Cmyde at umupo sa tabi nito. Nang bumaling ito sa kanya ay napaigtad ito nang makita siya.

"Hi!" nakangiting bati niya rito. Lumunok ito at umilap ang mga mata.
"H-hi," Tila naiilang ito.

"So.... did you like your prize?" she teased. Tumingin ito sa mga labi niya at pagkatapos ay mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo dapat ginawa iyon," malumanay na sabi nito.

Umangat ang isang kilay niya. "Bakit naman?"

"Hindi maganda para sa isang babae ang nanghahalik ng lalaking hindi niya boyfriend."

She chuckled. "Napaka-old-fashioned mo talaga. Fine. Eh, di boyfriend na kita mula ngayon."

"Huh?" anito na halatang nabigla.

"Boyfriend na kita. Girlfriend mo na ako. Kaya kahit halikan kita ngayon, hindi na masama."

Kunot na kunot ang noo nito na tila iniisip nitong nababaliw na siya.
Umisod si Angel palapit dito hanggang sa magkadikit sila. Kinuha niya ang braso nito at ipinatong sa balikat niya. "Puwede mo na akong akbayan dahil girlfriend mo na ako"

Tila napasong inalis nito ang braso sa balikat niya. "Alam kong pinagti-trip-an mo lang ako tulad ng hilig mong gawin sa akin."

Sumeryoso siya. "I am not kidding. Boyfriend na kita, sa ayaw at sa gusto mo."

Halatang namamanghang tumitig ito sa kanya. "A-are you serious?"

"Yes." That was one of her out-of-the-blue decisions. Nagustuhan niya ang paglalapat ng mga labi nila kagabi. Kaya naisip niya na baka masarap din sa pakiramdam ang magkaroon ng nobyo. Tulad ng halik, gusto rin niyang subukan iyon. At gusto niyang subukan iyon kay Clyde na alam niyang hindi siya pagsasamantalahan dahil harmless ito.

Tila namatanda ito na nanatiling nakatitig lang sa kanya.
Tumayo siya at hinila ang braso nito. Hila-hila ito na tinahak niya ang patungong exit sa walkway.

"Saan tayo pupunta?" tila nagpa-panic na tanong nito.

"We're going to have our first date," nakangiting sabi niya. She clasped her hand with his. Masarap din pala may ka-holding hands.

Naramdaman niya ang uneasiness nito sa ginawa niya. She smiled playfully. Nakita niya ang mga nakakasalubong nila na mukhang naiintriga sa pakikipag-holding hands niya sa isang nerd. Oh, how she enjoyed this!

"Angel..." pabuntong-hiningang sambit nito.

"Yes, honey?" magiliw na tanong niya.
"Why are you doing this?"

"Because I like it."

Hindi ito pumalag dahil alam niyang takot ito sa kanya. Nakasalubong nila si Frost na mukhang gulat na gulat sa nakitang pagho-holding hands nila ni Clyde.

"Angel, bakit kayo magka....?" tanong nito na tila sadyang hindi binanggit ang gustong tukuyin. Sa halip ay tinitigan nito ang kamay nila ni Anthony.

"Dahil kami na," walang gatol na tugon niya.

"Boyfriend ko na siya," aniya, sabay turo sa katabi.

Tila nanigas si Frost sa pagkabigla.
"See you later, Frost!" paalam niya. Nilagpasan na niya ito habang hila-hila si Clyde palayo.

"TELL me about yourself, honey," malambing na utos ni Angel kay Clyde. Nakatanga lang ito sa kanya at mukhang hindi makakain. Sumubo siya ng cake at hindi alintana ang icing na naiwan sa upper lip niya.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now