Chapter 13

2.2K 28 0
                                    

Namangha si Angel nang tumingala siya sa umiilaw na malaking signage ng amusement park na pinagdalhan sa kanya ni Clyde nang gabing iyon. Ibinilin niya rito na dalhin siya sa isang lugar kung saan magandang makipag-date at doon nga siya dinala nito.

"Bakit dito?" nakapamaywang na sita niya rito.

"Dito kasi kami nagde-date ng  kaibigan ko na sinabi ko sa'yong girlfriend ko, huli na ako nung umamin ako nun dahil sa maaga siyang namayapa dahil sa sakit na Cancer.. At nag-eenjoy kasi siya pag dinadala ko siya rito." sagot niya habang nakatungo.

"Okay, pero sa tingin mo ay mag-eenjoy ako sa ganitong klaseng lugar?"

"Kasi... You have a playful nature. Kaya naisip kong..."

"This is not how I play" she snorted. "I've never been in this kind of place before."

Kumunot ang noo nito. "Kahit noong bata ka pa?" halatang nagtatakang tanong nito. Marahil dahil karaniwang pasyalan ng mga bata ang lugar na iyon.

"Oo,"

"Kung gusto mo, dadalhin na lang kita sa iba"

"No, nandito na rin lang tayo pumasok na tayo. Show me what they've got here. Siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy ako, kung hindi, lagot ka sa akin," kaswal na wika niya.

Mukhang nabigla ito nang kumapit siya sa braso nito na tila isang possessive girlfriend. Ginaya niya lang ang lalaki at babae na nakita niyang papasok sa amusement park.

Nginitian niya ito. "Come on," yakag niya. Hinila na niya ito papunta sa ticket booth.

Habang dinidilaan ni Angel ang ice cream sa hawak niyang cone, aware siya na pinagmasdan siya ni Clyde na katabi niyang nakaupo sa isang bench. Ngunit dahil ayaw niyang mailang ito at mag-iwas ng tingin, hindi niya sinasalubong ang tingin nito.

Marahil ay hindi pa rin ito makapaniwala sa iniakto siya kanina.

Noong pumasok sila sa amusement park ay hindi siya nagpakita ng interes sa mga nakita sa loob, lalo na sa kiddie rides. Hindi siya nagkaroon ng chance na sakyan ang mga iyon noong bata pa siya dahil palagian siyang nasa bahay lang noon at medyo nalungkot siya sa isiping iyon. Kaya nang matanaw niya ang roller coaster, hinila niya ito patungo roon. Hindi niya inakalang mag-e-enjoy siya sa pagsakay roon. Pagbaba niya ay nakangiti na siya. Nag-demand pa siya na umulit sila ng sakay ng dalawang beses. Para siyang kotseng nagagasolinahan tuwing bababa mula sa roller coaster. Samantalang si Clyde ay sapo ang ulo at nakangiwi pagkatapos sumakay roon. Nakadagdag sa amusement niya ang makita ito sa ganoong hitsura.

Nagyaya pa si Angel na sumakay sa ibang extreme rides na na-enjoy niya lahat kahit mukhang nabingi si Clyde sa mga tili niya. Lumabas ang pagka-warfreak niya nang sumakay sila sa bump car. Marahas na pinagbangga niya ang lahat ng mga kasabay nilang nagmamaneho. Nang matapos ang ride, nagtagumpay siyang mabangga ang lahat ng bump cars doon..

Sa carousel lang siya nanahimik. Magkatabi ang kabayo na sinakyan nila. Pumikit lang siya habang nakakapit sa handrail at pinakiramdaman ang mabagal na pagtaas-baba ng sinasakyan. That moment was fun. Noon lang siya nag-enjoy nang ganoon nang hindi diya naglalaro ng video games.

"This ice-cream is so yummy," masiglang sabi niya. Nginitian niya si Clyde. Hindi niya alintana ang naramdamang trace ng foam ng ice- cream na naiwan sa ibabaw ng upper lip niya.

"I can see you're enjoying this a lot," puna nito.

"Yes! This place is so fun!"

"First time mo ba talagang nakapunta sa ganitong klaseng lugar?" Tumango siya.

"Hindi ka man lang talaga dinala ng mommy mo rito noong bata ka kahit ilang beses?"

Tumigil si Angel sa pagdila ng ice-cream. "Ang sabi niya, delikado raw sa lugar na ito. Maraming bata raw ang napahamak sa pagsakay sa amusement rides. Kaya hindi niya ako dinala rito. I believed her. Pero noong lumaki ako, na-realize ko na hindi totoo iyon. Wala lang talaga siyang time para ipasyal ako rito. Bumuntong hinjnga siya at tinanaw ang Ferris Wheel.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now