Chapter 29

2.3K 35 0
                                    

MELIZA POV.
Habang hawak niya  ang isang tasa ng kape at habang abala sa pagbubuklat ng album na kanyang pinaka-iniingatan ay bigla naramdaman niya na naman ang lungkot na dulot ng maagang pagkawalay ni Rezza hindi niya aakalaing sa hinaba haba ng taon ay tila buhay parin siya para sa kanya. Dahil sa walang araw na hindi niya ito namimiss hindi man halata sa kanya sapagkat nililibang niya ang sarili niya sa labas. Ngunit kahit na ganoon ay hindi kailanman nawala sa puso't isipan si Angel siya ang anak niyang napakaswerte niya buong buhay niya sapagkat sa ikalawang buhay na mayroon ang anak ay hindi siya nito iniwan, nanatili parin itong kasama siya bagaman may pagbabago sa ugnayan nila sa mga nagdaang taon, ngunit ang lahat ng iyon ay nakalipas na at dapat harapin sa kung ano ang kasalukuyan.

Nabasag ang katahimikan ng biglaang tumunog ng walang humpay ang telepono. Pinunasan niya muna ang mga luhang kanyang pinakawalan at kaagad niyang sinagot ang tawag mula sa linya ng kanyang telepono.

"Napakawalang silbi mo, bumalik si Clyde! Alam mo bang kapag may mangyari malalagot kayong lahat sa akin, wala akong sasantohin, tandaan mo yan. Dudurugin ko kayo ng pinong pino, maiging maaga pa lang magdasal na kayo sa lahat ng santo."

Sa kabilang dako tahimik niyang pinakinggan ang linya ng telepono habang panay ang bulayaw ng lalaking kanyang minahal, hindi niya aakalaing mas magiging kakaiba na ito ngayon, ngunit kakaiba talaga ang bakod ng pagmamahal dahil kahit anong klaseng tao si Piolo Sanchez ay tanggap parin ito ng kanyang puso, tunay na napakahibang niya sapagkat kahit na ipagtabuyan, gamitin lang siya sa lahat ng kagustohan ito ay ginagawa niya walang kapantay ang salitang pagmamahal sa kung anong meron siya. Marami ang nagdaang lalaki sa buhay niya, pinilit niyang magmahal muli at kalimutang hindi na siya dapat mamalagi sa ala-ala niya sapagkat may sarili na itong buhay noon pa man, kitang kita niya iyon ng dalawa niyang mata kung paano ng masaya siya sa piling ng babaeng minahal ni Piolo Sanchez, ang dati niyang kasintahan na nauwi lang sa isang relasyong pagkakamali.

"Hello, bat hindi ka sumasagot! Ano hahayaan mo na lang ba lahat ng to? Hahayaan mo bang may mangyari sa kanila? Lalo na sa anak mo!?" singhal niya sa linya ng telepono.

"Napakawalang hiya mo! Sarili mong anak? Magagawa mo yun? Kung inaakala mong mabibilog mo pang muli ang ulo ko, pwes hindi na dahil tapos na ako sa'yo. Hindi na kailanman madadaig ang salitang pagmamahal ko sa'yo kung sariling anak mong inosente idadamay mo. Nagkamali ako ng pagpili sa'yo dapat una pa lang hindi na ako nagpauto sa isang tulad mo." Bagsak niya sa telepono habang tagaktak ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

CLYDE POV.
Isang napakasayang sandali ang namutawi sa pagitan naming dalawa sapagkat muli ay nagkaayos kami. Mahirap man sa kanyang kalooban ang salitang isiniwalat ko ay nararapat lamang na malaman niya ang lahat ng impormasyong patungkol sa kung anong uring tao ang kanyang Amang si Piolo Sanchez.

"It's late. Mag check in ka ng ibang room." masuyo niyang utos.

"But why? Pwede namang sa room mo nalang. Tsaka I'm sleepy na look at my eyes." he say it with a pouted face.

"At ayokong may mangyari sa'yo. Pano nalang kung sumulpot ang mga tauhan ni Piolo oh paano na ako? Paano kung tangayin ka nila sakin, kaya hayaan mo na akong manatili sa tabi mo. Para safe ka." Pabiro niyang sabi.

"Parang mas may mangyayari kung ikaw ang kasama ko." pabiro rin niyang tugon. Habang nasa elevator na silang dalawa panay parin ang biroan nilang dalawa  na parang tila walang nangyari sa nagdaang taon.

"Bakit pwede ba?" pang-aasar niya.

"Loko, pinagsasabi mo dyan."

Dahil sa mas dumagsa ang mga nasa elavator kaunting espasyo nalang ay magkakalapit na ang kanilang mukha. Higit higit nila ang kanilang hininga amoy nila ang mabangong hininga ng bawat isa kaunting galaw lang ay magdadampi ang kanilang labi.

Habang hawak ni Clyde ang bewang ni Angel sinecure niya itong hindi masaktan yapos yapos niya ito sa kanyang dalawang bisig.

"I miss the whole of you." bulong niya palapit sa tenga ni Angel. Bigla namula si Angel wala itong naging tugon kundi ang mapayuko sa kilig at dulot ng kanyang pamumula.

"And I like how the way you act, babe. You look so gorgeous." he whispered.

Tinggggg. Nakahinga si Angel ng maluwag ng bumukas na ang elevator paumuna siyang lumabas dahil sa halo halong pakiramdam tila sasabog na siya sa subrang pamumula. Sa kabilang dako, hindi mapigilang ang saya ni Clyde habang sinusundan niya ng lakad si Angel.

Sumalampa si Clyde sa bed ni Angel. "O, teka at sinong nagsabi diyan ka matutulog?" nakapamewang niyang pagkakasabi.

"Eh saan ba dapat, look maluwang naman dito oh."

"Loko, dyan sa sahig ka!" bato niya sa unan kay Clyde.

"Grabe ka naman sakin, paano nalang kung may kumagat dito sakin porke nalang kung ikaw eh ayos lang sakin." sabay kindat niya rito.

Itinaas ni Angel ang dalawa niyang kamay, at hinarangan ang pagitan nila sa gitna ng kaman hinihigaan nilang dalawa. "Okay, fine. I have to sleep, goodnight." Humiga siya sabay talikod kay Clyde.

Bagama't hindi si Clyde dinadalaw ng antok ay minabuti niyang pagmasdan ang buong mukha ni Angel nang naramdaman niyang tulog na ito ay inalis niya ang nakapagitan unan sa kanilang hinigaan at mà ingat ang bawat galaw niyang lumapit kay Angel. Pinagmasdan niya ang mukha ni Angel na tila isang anghel kung matulog, inayos niya ang hibla ng buhok nito, pinagmasdan niya ang mahabang talukap, at maging ang mapupulang labi nito, hindi niya mapigilan ang mapalunok, wala sa sariling bumalik na lamang siya sa katinuan. Minabuti niyang hagkan na lamang ito habang tulog mantika ito kung matulog.

Kinabukasan, nagising si Angel na tila May kung anong mabigat na nakadagan sa kanyang bewang, minabuti niyang buksan ang kanyang mga mata nabigla na lamang siya nang magdampi ang kanilang labi dahil sa napakalapit ng kanilang mukha.

"I like the way you say good morning, babe." malambing niyang pagkakasabi.

Aligaga namang napabangon si Angel sa hinihigaan dahil sa pagkailang ay tumayo ito hahakbang na sana siya ng hapitin ni Clyde ang kanyang bewang dahil sa mabilis nitong kilos at tagumpay niya itong nahapit habang magkalapit ang kanilang mukha. Wala sa sariling mabilis ang tibok ng puso ni Angel tila nagdidilaryo siya sa init dahil sa kanyang pamumula. Ilang segundo nilang pinakiramdam ang kanilang sarili hanggang sa hindi nila namalayang magkalapat na ang kanilang mga labi. Banayad at masuyo ang bawat halik nito, hanggang sa bumaba sa bahagi ng leeg ang halik ni Clyde habang ang mga kamay naman nito ay dahan dahang umabot sa bewang ni Angel na nakahawak na sa ilalim ng suotan, dahil sa sensasyong bumabalot sa kanilang katauhan ay tila nawalan rin ng kontrol si Angel dahil sa sensasyong lumukob sa kanyang kabuoan, nawala na siya sa katinuan.

Huminto si Clyde sa kanyang ginagawa at nagsalita ng naghahabol ng hininga. "I have to stop this, papakasalan muna kita bago ko gawin to." he say it with sincerity can be seen.

"Thank you, I love you babe."

"I respect you, because I love you, but kapag ikinasal na tayo hindi ko maipapangakong, walang araw at gabi kitang aangkinin." pabiro niyang sabi.

"Baliw, ang bastos ng bunganga mo."

"Basta't sa'yo lang," saad niya sabay halik sa pisngi ni Angel. Napuno ang silid ng kanilang tawanan at biroan.

~~~~~~~~~
"Hello boss, may nakalap na kaming impormasyon kung saan ang lokasyon ni Clyde Razvan Montefalco, at ayon sa aming nakalap siya ay nasa Falesean Beach Resort na kung saan ay nagbabakasyon si Ms. Angel."

Habang hawak niya ang isang glass ng wine ay wala sa sariling naihagis niya ito dahilan ng pagkalat ng mga nabasag. "F*ck, damn it! Bantayan at tutokan niyo ng maigi ang bawat kilos ni Clyde, kung kinakailangan wag kayo magpahinga gawin niyo kung ayaw niyong mawalan ng trabaho!" singhal niya.

"Yes boss." samantala sa di kalayuan habang pinagmamasdan nila ang dalawang masayang kumakain, ay tutok silang makakalap ng impormasyon sapagkat malalagot sila ng boss nilang si Piolo Sanchez kung hindi nila maayos na magampanan ang kanilang trabaho.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now