Chapter 21

1.9K 34 0
                                    

Maaga si Angel nang magising, uminda naman ang pagsakit ng kanyang ulo wala siyang maayos na pahinga dahil sa kakaisip mula ng gabing nagtalo silang dalawa ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan ito kung bakit ganon na lang ang pagtrato sa kanya, simula pa noon, napuno na ng matinding sekreto ang buong buhay niya na sumang-ayon naman siyang itago ni kahit na nahihirapan siyang dalhin iyon sa buong buhay niya. Habang ngayon she was in legal age but her Mom was  literally controlling her wants in life.

"Angel, kumain ka muna. May inihanda akong paborito mo alam kong hindi mo ito tatanggihan. Kaya maupo kana." sabi ng Yaya nito na inihahanda ang mga kakainin. Sa isip-isip niya ang swerte ng mga anak nito sapagkat tunay na mapagmahal at maalaga ang yaya nito. Gagawin ang lahat para maitaguyod at mapasaya ang mga anak.

Natapos ang kanilang pagkain. Sabay silang lagi dahil kagustohan ni Angel na kasama ang yaya niya sa hapag-kainan. Nakakawalang-gana daw kasi pag mag-isa.

"Yaya? i just want to say thank you for all you've done for me. I really appreciate it, kahit papano napapagaan niyo po ako lagi, when i was in sadness at naghahangad ng kalinga ng isang ina, mula pa noon....ikaw yung nagbibigay nun. Ang sarap niyo po magmahal, sana po naging mommy nalang kita." paumuna niyang sabi nang matapos na sila sa pagkain.

"Ano ka ba, wala kang dapat ipagpasalamat. At huwag kana malungkot dahil kaming mga ina gampanin namin na mahalin ang mga anak. Tulad mo parang anak na rin kita, Angel kaya kung kailangan mo ng makakausap andito lang ako okay?. Pag dumating na yung araw na yun, magiging okay rin ang ugnayan niyo ng mommy mo. Ipagpanata mo lang sa Diyos iha. Huwag mo lang kakalimutang tawagan siyang lagi Angel. Magiging okay rin ang lahat."

"Yes, thank you yaya." yinakap niya ito ng pagkahigpit-higpit.

"Oh, pumasok ka na. At malalate ka na."

"Okay po yaya. Mauna na po ako."

MELIZA POV.

Ayaw ko na magkaroon ito ng nobyo 'pagkat pinaka-iniingatan ko ang kapakanan ng buhay na meron kami ngayon. Dahil kapag malaman ito ng karamihan tiyak magiging mapanganib ang buhay namin. Maraming sekreto at kasinungalingan ang itinanim ko sa isipan ng aking panganay na anak na si Angel. Masama man sa paningin niya ang pagtrato ko sa kanya ngunit sa kabila nun ay ang pag-iingat ko para sa kanyang kaligtasan. Nawalan na ako ng isang anak kaya tila hindi ko na kakayanin kung pati ito mawala rin sa akin at hindi ko na hahayaang mawalan akong muli. Hindi ko man maipakita sa anak ko o mapadama man lang ang pagmamahal ng isang ina, sa katotohanan nadudurog ang loob ko sa pag-aaktong hindi siya mahalaga para sakin. Kapag malaman ito ng lahat na may anak sa labas si Piolo Sanchez na gawa ng isang pagkakamali lamang naming dalawa ay masisira ang bawat buhay namin sa aming pinaka-iniingatang sekreto. At dahil na rin sa banta ng ama ni Angel ay talagang pinaka-iniingatan niyang huwag kailanman malaman ng sino man. Wala itong puso kaya napakasakit sa kanya ang gawin ang nararapat para sa kabutihan ng anak. Magiging kahihiyan ito sa buo nilang angkan at sa lahat. Ayaw niyang mangyari iyon. Dahil makapangyarihan sa lahat ang mga kaanak ng naging asawa nitong artista. Tiyak magiging mapanganib ito pag nagkataon.

It was week end and somebody calls from Clyde's phone he wondered it was just an number and he didn't have any idea if who was it. He automatically answered it. And it was Mom's Angel. How could she know the number of him? bigla napa-isip siya...

"I need to talk with you personally next week. At wag mong ipapaalam sa anak ko. Okay naiintindihan mo?"

"uh, y-yes po tita." tugon ni Clyde. Walang pasubaling tinapos agad ng Mom ni Angel ang linya ng telepono.

Bigla napaisip siya, sa kung ano ang mahalagang pag-uusapan between Angel's Mom. Sa tuno ng pananalita nito kani-kanina lang ay para bang  seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Bigla nakaramdam siya ng kaunting pagtataka't, kaba.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now