Chapter 15

1.9K 36 0
                                    

Hinintay ni Angel ang pagdating ng kotse ni Clyde sa parking lot ng SCU habang nakaupo sa hood ng kanyang kotse. Nakaramdam siya ng excitement nang makita niya ang kotse nito. Sinalubong niya ito sa pag-ibis ng sasakyan nito.

"Good morning, honey!" Tumiyad siya at kinintalan ng halik ang mga labi nito.

Alanganing ngumiti ito at nagpalinga-linga sa paligid. "I told you we can't kiss inside the school. Bawal. Baka tayo mapunta sa discipline office."

Tatlong beses na niyang ginawa iyon. Sa tuwina ay pinagsasabihan siya nito ngunit hindi siya nakikinig. Why, she couldn't help it. Kapag nakikita niya ito, palagi niya itong gustong halikan.

Bigla-bigla sinabi niya kay Clyde ang relasyon nila ni Mrs. Hazel na isang principal. "I don't care. Ninang ko naman si Mrs. Hazel, eh. She wouldn't kick me out even if I kissed you here everyday."

"What? Ninang mo ang discipline——"

"Sshh! Tinakpan niya ang bibig nito. That's a secret." humagikgik siya.

Humawak siya sa kamay nito at sabay silang naglakad sa hallway papasok sa campus.

"It's seems you have too many secrets, babe," wika nito.

Napangiti siya. Narinig uli niya na tinawag nitong 'babe'. Kinikilig siya sa tuwing tinatawag siya nito ng ganoon. "Yes, I do have a lot of secrets. Dark secrets," she teased.

He looked curious. She just smiled at him. Naging bukas na si Angel sa lahat ng sekreto niya sa buong buhay niya sapagkat hindi na niya kayang itago pa iyon sa sarili niya.

She liked Clyde so much. Hindi na niya maaaring ikaila pa iyon. She had started to like his dorkiness and his big eyeglasses and out-of-fashion hairstyle and clothes. She now found his awkwardness cute and company enjoyable.  Hindi na niya gusto ito bilang isang laruan. Gusto na niya ito bilang isang lalaki.

"Hi, Angel."

Napabaling siya kay Droxx nang biglang umagapay ito sa paglalakad niya. Nginitian niya ito. "Oh, hi, Droxx!"

Kulang sa saya ang ngiting ibinalik nito. "May sasabihin ako sa'yo."

"Later, Droxx. Let's talk later."

Tumango ito. Nahuli ni Angel ang pagsulyap nito kay Clyde bago ito nagpatiuna na sa paglalakad. She  could feel Droxx's animosity towards Clyde. Alam niyang kahit hindi nito itinuloy ang panliligaw sa kanya, mayroon pa rin itong pagtingin sa kanya na siyang dahilan kung bakit nananatili ito sa grupo. Marahil nga ay kailangan nilang mag-usap.

"By the way, nakita ko kayo ni Ken na magkausap kahapon. Ano'ng pinag-usapan n'yo?" tanong niya kay Clyde.

"Ang sabi niya, layuan daw kita."

She snorted. "Don't mind him. He's just jealous of you.

"Hindi ako gusto ng buong Gamers Gahn."

"Lalayuan mo ba ako kung sasabihin nilang lahat na layuan mo ako?" naisipan niyang itanong kay Angel.

Umiling ito. "Bakit ko sila susundin? Ayokong layuan ka."

Nasiyahan siya sa sinabi nito. "They will learn to like you soon. Boyfriend kita kaya kailangan ka nilang tanggapin whether they like it or not."

"I can be more than your boyfriend, Angel." I can also be your friend. Since mayroon ka nang nasabi sa akin tungkol sa private life mo, puwede mo akong gawing kaibigan na mapaghihingahan, masasabihan ng mga problema. Mahirap magtanim o magkubli ng sama ng loob at galit. I know nasanay ka na sinasarili mo lang, pero hindi ka naman gaanong nag-oopen sa pribado mong buhay. Mahirap mag-isa, lalo na kung marami kang hang-ups. Hayaan mo na may dumamay sa'yo kapag kailangan mo ng karamay. If you want, nandito lang ako."

She believed she was too tough to need someone who could comfort her whenever she was in a mess. But right at the moment, she realized she needed to have someone to console her. And she wanted it to be Clyde and nobody else.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now