Chapter 11

2.1K 34 2
                                    

Abala si Angel sa pakikipaglaro ng Counter Strike kay Frost nang kalabitin siya ni Mitchlene. Sinabi nito na dumating na ang hinihintay niya. Ipinihit niya ang nauupuang lounger. Nakita niya si Clyde na nakatayo sa gitna ng video game room ng Gamers Hell'n, isang sikat na gaming bar na puntahan ng mayayamang game geek. Hindi lang video games ang naroon kundi billiard tables, dartboards, chessboards, at iba pang larong pulos mga panlalaki.

Sumilay ang ngiti niya sa mga labi niya. Para siyang isang bata na nakakita ng magandang laruan sa toy store. Clyde was indeed a nice toy. Parati siyang nag-eenjoy tuwing may binu-bully siyang nerdy freshmen o transferee, pero dito siya pinakanag-e-enjoy. Hindi niya alam kung bakit. Nae-excite din siya tuwing nakikita niya ito. She had never been that too eager to see a particular prey.

Inalis niya ang kanyang headset. Gayundin ang ginawa ni Frost.

"Bakit mo siya pinapunta rito, Angel?" nakakunot noong tanong ni Ken na ang tinutukoy ay si Clyde. Kahapon ay tinanong siya nito kung bakit masyado niyang binibigyan ng atensyon si Clyde. She remembered telling him she liked Clyde because he was different from all the other people she had messed with. Tila hindi nito nagustuhan ang isinagot niya.

"Gusto ko lang " tugon niya.
Nang sumenyas siya ay saka lang lumapit sa kanila si Clyde.

"Welcome to Gamers Hell'n," bati niya rito."

Tila isang maamong tupa na tumango lang ito. Bumaling siya kay Frost na nakaupo sa katabi niyang lounger."Hey, Frost, alis ka muna dyan. Diyan uupo si Clyde"

Mukhang bahagyang nabigla si Frost sa sinabi niya ngunitngumiti rin uli ito, pilit nga lang. Mukhang labag nito sa loob nito ang pag-alis sa upuan. Nahuli pa niyang pinaningkitan nito ng mga mata si Clyde.

"Come on, Clyde. Sit here," ani ni Angel, saka iminuwestra ang upuang iniwan ni Frost.

Kinuha nito ang controller ng X-box na inilapag ni Frost sa upuan at saka umupo roon.

"Do you think you can beat me at Counter Strike?" tanong niya.

"I don't know."

"Let's play. Kapag natalo kita, may hihingin akong premyo sa'yo. At kapag natalo mo naman ako, may premyo ka sa akin."

ANGEL gasped. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na controller sa pagkamangha. Nanlalaki ang mga mata na marahas siyang bumaling kay Clyde na katabi niya. Dahan-dahang bumaling ito sa kanya at inayos ang salamin nito sa mga mata. Wala sa hitsura nito ang nagyayabang sa kinalabasan ng laro nila.

Nang lingunin niya ang limang miyembro niya ay nakatunghay lang sa kanila ni Clyde mula sa likuran ng mga upuan nila, nakanganga ang mga ito sa pagkamangha.

Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Clyde. Siya na bihasa sa Counter Strike! Wala pa ni isa sa mga kagrupo niya o kahit sinong hinamon niya ang nanalo sa kanya sa larong iyon. Pagkatapos ay isang nerd lang ang tumalo sa kanya? Mukhang hindi lang ito basta-basta video game geek. So, the nerdy hottie was a professional gamer after all. Maybe he sucked at physical sports but he was an excellent video gamer!

"That is impossible!" bulalas ni Frost na mas matindi pa ang reaksiyon kaysa sa kanya. Umikot ito sa silya para harapin si Clyde. "Siguro, may anting-anting ka."

Kumunot ang noo ni Clyde.
"Baka may-sa demonyo ka," sabi naman ni Droxx.

"Grabe kayo. Baka naman may cheat codes lang siya," sabad ni Mitch, saka bumaling kay Clyde. "Mandaraya ka, ha."

"Gusto mo bang upakan na namin ito, Angel?" tanong ni Steve. Itinataas na nito ang mga manggas ng T-shirt upang ipakita ang nagpuputukang muscles nito.

Nang minsang may tumalo sa kanya sa Tekken, hinayaan niyang i-bully ito ng mga alagad niya. Nag-e-enjoy pa nga ito habang pinapanood ang pambubully ng mga kaibigan.

Pinitserahan ni Steve si Clyde at hinipa patayo.  "No!" saway niya rito. "Bitiwan mo siya" Kumunot ang noo ni Steve ngunit sinunod din siya ng ulitin niya ang kanyang sinabi.

Tumingin sa kanya si Clyde. He looked a bit scared. Dapat ay nagagalit siya rito dahil naapakan nito ang ego niya sa pagtalo nito sa kanya ngunit wala siyang maramdamang galit para dito. In fact, she was very impressed. Since she had achieved the expertise in that game and started to become undefeated, she had been waiting for that person who would beat her at that game.

"You beat me. So, I think I have to give you your prize." Humakbang si Angel patungo sa harap ni Clyde at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Kumunot ang noo nito. She flashed a mischievous smile before she stood on tiptoe and reached for his lips. She pressed her lips onto his tightly.

She had never kissed a guy before. Somehow, curious siya kung ano ang pakiramdam ng mahalikan at gusto rin niyang maranasan iyon isang araw. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisipan niyang subukan iyon sa isang nerdna tulad ni Clyde. Ngunit wala siyang nakapang pagsisisi sa dibdib nang ilayo niya ang mga labi niya rito. That fleeting moment their lips were pressed together felt really nice.

Tulad ng inaasahan niya, nabigla ito sa ginawa niya. Hindi niya napigilang ngumiti habang nakatingin siya sa nanlalaking mga mata nito at nakaawang na bibig. At nang balingan niya ang ibang mga kasama niya, pawang nakanganga at nanlalaki ang mga mata ng mga ito.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now