Chapter 18

1.7K 21 0
                                    

Habang ngumunguya ay pinagmamasdan ni Angel ang kanyang mommy na nakaupo sa silya sa kabisera ng mahabang dining table.
She didn't look happy eating dinner with her and Clyde in their house. Dinala niya ang binata sa bahay nila ngunit hindi niya alam na naroon pala ang kanyang mommy at wala itong lakad.

"So, where are you originally from hijo?" tanong nito kay Clyde.

"United States of America po," magalang na tugon ng nobyo niya.

"I see. How are your parents doing?"

"They died, when i was one year old. Pero sa Auntie ko na ako lumaki."

"Okay." Tinapunan siya ng tingin ng kanyang mommy bago ibinalik kay Clyde ang tingin. "That's good to hear.Angel dad and I are still together as well. He's in Korea because he has to take care of our business there."

Natigil siya sa pagsubo ng pagkain. Iniisip marahil ng kanyang ina na walang kaalam-alam si Clyde tungkol sa tunay na sitwasyon nito at ng daddy niya.

Ang usapan kasi nila mula noong bata pa siya ay wala siyang pagsasabihan tungkol sa pamilya niya at personal nilang buhay. Ayaw nito ang nagiging usap-usapan ang pamilya nila.

Maging si Clyde ay tumigil din sa pagkain at tumingin sa kanya habang nagtatanong ang mga mata. Alam niyang nagtaka ito sa sinabi ng kanyang ina. Nakita niya ang bahagyang pagkaalarma ng kanyang ina base sa tinging ipinukol nito sa kanya nang makita ang reaksyon ni Clyde. Nagpasya siyang sabihin na sa ina ang totoo.

"It's okay, Mom. You don't have to cover up for me. Clyde knows you and Dad were separated even before I was born. Alam niyang illegitimate child ako."

Nabitiwan ng kanyang ina ang hawak na kubyertos sa pagkabigla.

"He's my boyfriend. I can't lie to him." dagdag niya.

Halatang nababahala ang kanyang mommy. Nakita niya ang pagbabanta sa mga mga mata nito na tila sinasabi na malalagot siya rito nang husto kung sinabi niya kay Clyde ang sekretong pinakaiingatan nito. Nang marahil mapuna ng mommy niya na nakatingin dito si Clyde, binago nito ang ekspresyon ng mukha ngunit mababakas pa rin dito ang pagkainis sa paglabag sa usapan nila.

"It's okay, Tita," wika ng binata. "Naiintindihan ko po na gusto n'yo lang maging pribado ang family life n'yo."

Alanganing ngumiti ang mommy niya.
"Gusto ko lang sanang ingatan ang anak ko. Ayokong malaman ng iba na illegitimate child siya. "You know, it's not easy to be one. I really feel sorry for my daughter. Ayokong maliitin siya ng mga tao dahil sa sitwasyon niya kaya gusto ko sanang itago sa lahat."

Angel rolled her eyes. Alam niyang hindi siya ang iniingatan nito kundi ang sarili nito at ang nakalululang monthly allowance na nakukuha nito mula sa kanyang ama. Yun ang nasa isip niya ngunit wala siyang alam sa lahat.

"I understand po," tugon ni Clyde.

Napatingin siya sa nobyo. Parang hindi niya kayang tiisin na niloloko ito ng kanyang mommy. Ginagamit siya nito para makakuha ng pera mula sa kanyang ama. Brendalyn didn't really love her.

"I gave her everything she wanted so she won't feel her situation as a kid with no father. Alam kong alam mo na may pagka-spoiled brat ang anak ko. At aminado siya sa bagay na iyon.
Ang akala ko kapag binigay ko sa kanya ang lahat, mapupunan niyon ang kakulangan sa buhay niya. Nagkamali ako."

Lihim na nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi siya makapaniwalang naghuhugas-kamay ito sa harap ng kanyang nobyo. Ayaw marahil nitong isipin ni Clyde na masama itong ina kaya nagkaganoon siya kung umasta.
Gusto nitong palabasin na isang mabuti itong ina na walang ibang hangad kundi ang kapakanan niya.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now