Chapter 26

1.7K 36 0
                                    

SIX YEARS PASSED

ANGEL POV.

Bakit kung sino pa ang taong kayang-kaya akong saktan... siya pa rin ang gustong mahalin ng pesteng pusong 'to?" bulong niya sa kanyang isipan habang nakaupo sa isang bench, nagbakasyon siya kasama lamang si Mitchlene dahil sa haba ng taong lumilipas ay muli nagkaroon silang dalawa ng panahon upang magkasama't magbakasyon, bagaman ang iba'y hindi niya makasama dahilan na sobra talagang abala sa kanya-kanyang buhay ang mga kaibigan.

I'm Angel Buenaventura. Wala akong pakialam sa kahit na ano o sino man, maliban sa isang tao. My world revolved around him at sa tingin ko noon, wala nang mas mahalaga kundi siya. Wala nang importante kundi siya. Mula lang ng mahulog ako sa kanya. Nagbago ang lahat. Napabago niya ang personalidad ko. Nabago niya ang lahat sakin.

Makalipas ang limang taon nakapagtapos siya ng kolehiyo bilang isang Nurse at pumasa ng nasa top one sa board exam kaya naging professional siyang Nurse at dahil na rin sa kanyang angking husay na talagang nababagay sa kanya ang tinahak niyang desisyon para sa kanya. Ilang taon na ang nakalilipas ay aaminin niyang hindi parin mawala sa kanyang isipan ang kauna-unahang lalaki niyang minahal at nagpabago sa kanyang katauhan.Walang iba kundi si Clyde lamang.

"Oy, magsasaya tayo dito hindi ang magmukmok. Teka okay ka lang ba?" nakita niya si Angel na nakaupo sa bench habang nakatitig ang kanyang paningin sa pagsapit ng paglubog ng araw.

"Uh-Yeah." lamya niyang tugon.

"Huwag ka nang magkaila alam kong may gusto kang ikwento sabihin mo na, I'll always here for you  handa akong pakinggan ka."

"Lumipas na ang mga taon, marami na ang nangyari't nabago ngunit bakit hindi parin siya maalis alis sa puso bakit puro siya na lang ang hinahanap nito." mahinang pagkakasabi habang nasa karagatan ang paningin, ang mga mata nito'y makikitang nagbabadyang bumuhos ang pigil na luha sa dinaramdam.

"Tunay nabago ka ng pag-ibig, hindi ko inaakalang ang tulad mo na puro lang kalayawan at mga bullies activities mo, ang pinakabinubontangan mo ng galit na mga freshmens and nerds, eh dun ka pala babagsak, iibig sa isang nerd." 

Bigla napalingon ito sa gawi ni Mitchlene. Walang emosyong tinitigan niya ito sa mata.
"Pano kung muli magkasagupaan ang landas ninyong dalawa? Kakayanin mo bang harapin ang taong iniwan ka't nagdulot sa iyo ng matinding pasakit? Handa ka bang harapin siya?

Muli iginawad niya ang kanyang paningin sa dalampasigan. Humigit muna siya ng malalim na paghinga bago muling nagsalita. "Hindi ko alam, ngunit kailangan paring magkausap kami, bago ko wakasan ang kahibangan na to. Gusto kong pakinggan ang panig niya kung bakit biglaan iniwan niya ko ng ganun ganun lang. Even I looked fooled, I need to hear his reason from him. Gusto ko nang maging panatag. Ayoko na nang ganitong pakiramdam. Hindi ko na kayang palipasin pa ng ilang taon pa." she sighed and suddenly look at her friend Mitch, with full of sadness can be seen in her eyes.

Bully In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now