Gold Digger

10.5K 147 5
                                    

WARNING: ERRORS AND CRINGEY STORY AHEAD. Read at your own risk!

GOLD DIGGER

PILIT niyang hinahalikan ang leeg ko pero tinutulak ko siya palayo. Parang asong ulol ang taong nasa harapan ko at takam na takam kainin ang pagkaing nakahain sa harapan niya. As if namang hahayaan ko siya. Ang ganda kong 'to, magpapalapa lang sa isang shokoy? Buti sana kung isang milyon ang kapalit nito.

"Stop playing hard to get, baby." I didn't utter any word.

At dahil hindi siya makapag-concentrate sa leeg ko, tumaas ang kanyang ulo upang makipaghalikan. Akmang iidikit na niya ang kanyang makapal na labi ngunit mabilis pa sa alas kwatro ko siyang itinulak. "Not my lips, honey." Bagsak sa sahig si Shokoy!

Habang nakasalampak siya sa lapag, dali-dali kong inayos lahat ng gamit ko. I need to get out of here. As fast as I could. Marami na rin akong nakakarelasyon na talagang nababaliw sa kagandahan kong taglay. Mga taong naglalaan ng malaking pera para makatikim pero hindi ko sila hinahayaan. Pera lang ang kailangan ko sa kanila, hindi init ng katawan.

Nang matapos, tumalikod ako kaagad at naglakad papuntang pintuan. Pero hindi pa 'ko tuluyang nakakalabas nang bigla niyang hablutin ang braso ko. "At saan ka pupunta? Ang kapal ng mukha mo! Matapos mo kong perahan, hindi man lang kita mapapakinabangan? Gago ka pala, eh."

Buong tapang ko siyang hinarap at hinila pabalik ang braso kong hawak-hawak niya. Kung makapal ang mukha ko mas makapal ang mukha niya. Ang ganda pa naman ng ambience ng hotel kaso puro kababuyan ang nasa utak! Mga lalaki talaga sa panahon ngayon.

"Excuse me lang ha? Makapagsalita ka naman akala mo napakalaki ng perang nakuha ko sayo! Fifteen thousand nga lang ang laman ng ATM mo. Gosh! Hindi lang libo ang presyo ng magandang kagaya ko. Duh? Kung tutuusin kulang pa ang buhay mo kaya wag kang ilusyunado! Para naman sa mga perang nahuthot ko sayo, ubos na lahat. Wala na kong ibabalik pa."

Muli akong tumalikod at binuksan ang pinto. Hindi pa ako nakakalayo nang humirit na naman siya.

"You'll pay for this, gold digger!"

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Nginisihan ko siya na pang-asar.

"Oh, honey! That's my name." Nag-flying kiss pa 'ko bago tuluyang umalis.

---

Please follow my NEW account: 

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon