Nahanginan na yata talaga ang utak ko, madalas kasi ay ngumingiti ako ng mag-isa, minsan naman ay nangingisay sa kilig kapag naaalala ko yung nangyari sa terasa.
Pagkatapos niyang magpaalam sa akin na liligawan raw ako ay agad siyang umalis dahil na rin sa tawag ng serbisyo sa bayan, may emergency ang grupo ng gabing iyon kaya naman nanghihinayang na agad umalis ang mga lalaking bisita ni kuya Neith.
Naiwan akong nakatulala at wala sa sariling napahawak sa aking labi. Ni hindi nga ako naghilamos ng gabing iyon o nagtoothbrush man lang para maramdaman ko pa rin ang pagdirikit ng mga labi namin sa isat-isa.
Hay! Ang swerte ko naman, yung taong inilatag ko sa pedestal ay siya ngayong humihila sa akin upang ako ay mapasakanya. Ieeeeeee! I rolled myself to the right and to the left side of my bed! Gulong gulo na ang pagkakaayos ng mga bed sheets, unan at kumot.
Sa diyosa ng pag-ibig, nais kong magpasalamat dahil sa wakas! As in sa wakas talaga, ang aking hiling na mapansin o mahalin ni Altis ay mukhang magkakatotoo na.
Matatapos na ang isang linggong binigay sa akin ni sir Altis upang makapagpahinga, halos isang linggo na rin ang nakalipas mula nang sabihin ni sir na manliligaw siya sa akin.
"Napapansin ko Andeng mukha kang palaging blooming, inlove ka?" nangingiting buska ni ate Sandeng
"Ang ate, hindi na nasanay sa kagandahan ko!" mapanlinlang kong tugon.
"Hindi nga eh!" tawa niya na nagpa-iling sa aking ulo.
"May makirot ba sa katawan mo ate?" pagbago ko sa usapan, minsan kasi ay napansin kong hirap ang ate sa paglakad at mariin ang paghawak niya sa bandang likuran ng tadyang.
"Para kasing nanganganay na naman ako, almost four years na kasi mula ng mabuntis ako kaya siguro ganito ang nararamdaman ko."
"Hala ate, alam ba ito ng kuya?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling lang ang ate.
"Lalo lamang mag-aalala yun kung malalaman niya na naghihirap ako sa pagbubuntis. Baka hindi makapag concentrate si Neith sa field kung alam niya ang kalagayan ko Andeng."
Oo nga pala, halos isang linggo na ring wala ang kuya, kasama siya sa grupo nina Altis na pinatawag nung huling dinner nila rito sa bahay.
"Ang hirap talaga kapag sundalo ang asawa Andeng, kasi kailangan mong maging handa, alam na alam mo na ang isang paa nila ay nakabinbin sa hukay, hindi mo malalaman kung uuwi ba sila ng buhay sa piling mo." Malungkot na turan ng ate.
Saksi ako sa tuwing madedestino si kuya sa malayo, ang ate ay sobrang nag-aalala. Panay panay ang dasal at pangungumusta niya kay kuya.
"Kaya mo ba ang hamon sa pagiging girlfriend o asawa ng isang sundalo Andeng?" matiim ang titig sa akin ng ate.
"Ate?" napamaang kong sagot
"Ate mo ako, Matagal ko ng alam kung sino yung taong nagpapatibok ng iyong puso. Ang sa akin lang sana ay maging masaya ka at hindi mo pagsisihan ang mga bagay na ninanais mo."
"Gusto kong sumugal ate, gusto kong maranasan na mahalin rin niya ako, hindi yung ako lang ang palaging nagmamahal."
"Go sis pero please lang, you know your limits, alam mo naman kung ano ang ibig kong ipahiwatig, matalino ka."
"Yes Maam!" pabiro kong saludo sa ate.
----------------------
Sabado ng gabi ng makauwi ang kuya Neith, pagod na pagod ang itsura nito. Medyo nabawas ng bahagya ang kaniyang timbang, marahil sa hirap ng trabahong nakaatang sa kanila. Hindi magkandamayaw sa pag-asiste si ate sa kaniyang asawa. Naroong ipagluto niya ang kuya ng paborito nitong pagkain, ang asikasuhin sa mga gamit na kailangan nito.

BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
General FictionLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.