CHAPTER 2

3.4K 59 1
                                    

 


"Gusto mo bang sa opisina ka na lang ng kuya Neith mo mag OJT?" tanong ng ate habang salu-salo kami sa pagkain ng hapunan. 

Tuwing weekend kina ate ako umuuwi. Pero kapag weekdays nasa boarding house ako malapit sa university.

Nandito din ang abuelo nina ate at kuya Neith, pati na rin si senyorito Altis. Hindi ko talaga masanayan ang presensya ni Altis. Palagi na lang tumatambol ang dibdib ko sa tuwa at kaba. Mabuti na lang at matagal tagal ko nang napag aralan ang pagtatago ko ng tunay kong emosyon kapag nasa malapit si Altis.

Huling semester ko na lang at gagradweyt na ako. Ang apat na taon na pag aaral sa kursong Business Administration ay sa wakas akin nang mapagtatagumpayan na matapos.

"Huwag na ate, hahanap ako ng ibang kumpanya." Nakangiti kong sagot

"Bakit kailangan mo pang magpagod sa kakaapply sa ibang company?" naguguluhan at kunot ang noo ang ate habang sinusubuan nito si Vidar.

Nakita kong nakamasid silang lahat sa akin. Si Altis ay tahimik at mukhang nakikinig din. Huminga muna ako ng malalim.

"Ate, wala akong matututunan sa opisina ng kuya, alam nila na kapatid mo ako. Hindi nila ako uutusan." Nahihiya akong ngumiti kay kuya Neith, baka kasi isipin niya na talagang ayaw ko sa kumpanya niya.

"Paano kung pagurin ka naman ng todo ng company na tatanggap sa iyo?" pagpupumilit pa rin ni ate

"Wifey, hayaan mo na si Andeng, matanda na siya. Kakayanin niya yun." Pagbibigay assurance ng kuya sa kaniyang asawa. Pinisil pisil pa nito ang palad ni ate. Mahal na mahal niya talaga ang ate Sandeng.

Kahit naman si Ate Sandeng, palagi niyang nasasambit sa akin tuwing nakakapag usap kami na napakaswerte niya sa kaniyang asawa. Panalangin pa ni ate na sana balang araw makatagpo ako ng lalaki na tulad ni Kuya Neith.

Well alam ko naman na magiging mabuting asawa si Altis kaya hindi ako nababahala.

Nakita ko ang ngiti sa mga labi ng dalawang abuelo sa aking tinuran.

"Altis apo, manganganak na ang sekretarya mo hindi ba?" tanong ng Senyor Jandro

"Two weeks from now, she'll have her twelve-week maternity leave." Kibit balikat na sagot niya.

"That's it hija, ikaw na ang magiging secretary ni Altis." Nakangiting turan ng senyor. Nakita ko ang pagkamangha at pabiglang itsura ni Altis sa tinuran ng kaniyang lolo.

Hala, agad-agad! Sa isang kurap lang may sikat at kilalang kilala na kumpanya na tumanggap sa akin.

"Po?" nakaawang ang aking bibig. Hindi pa makapaniwala na makakasama ko ang boyfriend ko sa pangarap! Ireremind ko ang sarili ko mamaya na mag aalay ng itlog kay Sto. Padre Pio. Lakas ko naman talaga oh!

"Iabot mo sa opisina ang application papers mo hija, marami kang matututunan sa kumpanya ni Altis." Masuyong sambit ng Senyor Jandro.

"Thank you lolo, kuya please?" sabat ng ate Sandeng.

"Okay, Welcome to the company Andeng." Tamad na turan ni Senyorito Altis. Halata na napilitan lang siya sa kaniyang lolo at kapatid.

Sinuklian ko siya ng matipid na ngiti. Tumango lang si Sir Altis.

Medyo disappointed ako, kita ko kasi na hindi niya gusto ang nirequest sa kanya ng ate at Senyor Jandro. Ano pa ba ang aasahan ko kay sir Altis? Alangan naman magsaya siya sa pagiging sekretarya ko sa kaniya. Sino ba naman ako sa buhay niya? Ni hindi nga niya ako nakikita o napapansin.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon