CHAPTER 26 (SPG)

3K 30 2
                                    

(***Mature Content***)


Ang atensyon ko ay nasa malawak na karagatan. Napakaganda at napakatingkad ng kulay asul na dagat isama pa ang kalangitan, tila walang pagbabadya ng kahungkagan sa hinaharap.

May pait ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi. Ilang araw na ba akong lugmok sa kalungkutan? Napakasakit sa parte ko ang bitiwan na lang at iwan sa kawalan si Altis. Alam ko pagkatapos ng lahat ay wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya, nangako ako na hindi ako manghihina, na hindi ako bibitaw at hindi ko siya iiwan.

Pero paano pa mangyayari iyon gayong halos pati ang kapalaran ay hindi sumasang-ayon sa aming pagmamahalan.

I sigh and feel the warmth of the air, nakakapag-abot ito ng kapanatagan ng natatakot kong dibdib.

I felt his warm arms entangled into my waist. I smiled at isinandal ang aking sarili sa kaniyang katawan.

"How'd you like this place?" his baritone voice is as sexy as he looks.

"This is really a paradise." I was blown away with the beauty of the island.

I heard him chuckle.

"Yeah, but being with you is more than a paradise, I'm almost in cloud nine baby." He lightly kisses my nape.

Grabe para akong nangilabot sa kanyang pagsuyo. Mahigpit akong nanguyapit sa mga braso niyang nakayakap sa aking baywang.

"What is the name of this island?" I queried, habang patuloy ang pagsamyo nito sa may leeg at batok ko.

"Hmmmm, Isla Lucilia." He answered and gave me a peck on my shoulder.

"Nice name." kako na lamang dahil unti unting tumataas ang aking mga balahibo sa katawan sa pinaggagagawa ni Altis.

Halos magdadalawang linggo na ang nakararaan mula nang kausapin ako ni Don Jandro. Umiikli na ang panahon na aking ipinangako sa matanda.

Kahapon ay sa wakas na nakauwi na si Atis mula sa kaniyang misyon. Nakalulungkot nga lamang dahil hindi siya umabot sa huling araw ko sa opisina at sa aking graduation.

Siya pa naman ang inaasahan ko sana na makikita habang isinasabit ni naynay ang aking medalya sa pagka-Cum Laude. Naiintindihan ko naman dahil na rin sa tawag ng kanilang tungkulin at wala naman na akong karapatan pa, dapat nga ay sanayin ko na ang aking sarili na wala siya sa aking tabi. Darating ang araw na hindi ko na siya muling makakasama.

Kaya nang magyaya siya na mag out-of-town at may basbas naman nina ate ay sumama na ako sa kaniya. Heto nga at ini-enjoy ko ang magandang tanawin na kasama lamang siya sa ekslusibong isla.

"Kinidnap ng gagong si Del Mundo ang asawa niyang si Lucie at dito dinala." Natatawang kwento niya na nagpabalik sa aking wisyo. "It's his wife's name, Lucilia." He whispers to my ear. Lahat yata ng kuryente sa isla ay napadaan sa aking katawan ng gawin niya sa akin yun.

"Really?" napalingon ako sa kaniya upang makita kung totoo ang sinasabi nito o niloloko lamang ako. Ngumiti ang magaling na lalaki at tumango tango bago niya sakupin ang aking mga labi.

Marubdob at napakainit ang halik na kaniyang iginawad sa akin. Malalagutan na naman ako ng hininga sa pakiwari ko.

Ang kanang braso niya ay bahagyang umangat at sinapo ang aking ulo upang lalong magdikit ang aming mga labi.

Sinasabi ko na nga ba at hahantong na naman sa halikan na walang puknat ang paglalambing ni Altis. Sinuklian ko ang kaniyang halik ng pantay na intensidad. Gusto kong baunin ang ala-alang ito mula sa aking nalalapit na paglayo sa kaniya.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon