CHAPTER 16

2.7K 54 2
                                    

"Del Mundo." Sabay abot ng kanang palad ni Altis upang makamayan ang taong kausap.

"Monteclaro" balik na bati nito sabay abot ng palad.

"Parang may nag-iba sa iyo?" nakangisi pa nitong bati.

Altis shrug his shoulder. Narito kami ngayon sa loob ng conference room ng bagong tayong hotel ng Monteclaro Chain of Hotels. Sa pagkakaalam ko ay isa sa mga kapartner niya sa branch na ito si sir Del Mundo na kilalang kilala rin na isang magnate pagdating sa mga hotel and resort chains.

Before lunch na kami nakarating sa hotel, saglit kaming kumain ng tanghalian ni Altis sa restaurant, bago tumuloy sa kaniya kaniyang kwarto.

Ang unang trabaho namin sa araw na ito ay ang makipagmeet sa mga partners and stockholders' ng negosyo.

Heto nga't kasalukuyang nagkakamustahan at unti-unting nagsisidatingan ang mga importanteng tao na kausap ni Altis. Panay ang pagwelcome ko at pag-istima sa mga ito.

Nakita ko ang isang gwapong lalaki na tumayo at nagpunta sa may coffee maker, mukhang magtitimpla ng sariling kape ang lalaki. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Sir, ako na po ang magtitimpla ng kape ninyo." Magalang kong bati.

Mukha siyang nagulat at mataman akong tinitigan. Iniisip siguro niya kung bakit nilapitan ko siya at nagkukusang ipagtimpla ng kape.

"Thanks, but I can handle." Seryosong tugon niya sa akin.

"Okay po sir." Nginitian ko na lamang siya at tumalikod na ako upang umalis nang marinig ko siyang magsalita.

"Miss, I'm sorry." Malamig na winika niya na aking ikinakunot ng noo. Muli ko siyang hinarap at hinintay ang dahilan niya kung bakit siya nanghingi ng paumanhin.

"Akala ko you're flirting with me." He simply smiled, na aking ikinamulagat ng mata at ikinagulat nang husto. Narinig ko pa ang mahinang baritonong tawa nito.

"Hindi kasi ako sanay na nilalapitan ng babae ng walang intensyon kung hindi mabingwit ako." Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro.

"Sir, may bagyo po yata?"

"Hmmm?" nalilitong tanong ng lalaki.

"Ang lakas po kasi ng hangin dito sa loob ng conference room, galing po yata sa inyo?" paismid kong ganti.

He smirked halos gumalaw ang balikat niya na pinipigilan ang tumawa ng malakas.

Kung tutuusin ay talaga namang may ipagyayabang ang lalaking kaharap ko ngayon. Prominente ang tabas ng mukha niya, halos kasing gwapo siya ng myloves ko at sa palagay ko ay magkasing edad din sila ni Altis. Grabe ang mga business partners ni Altis, pulos mga gwapo at mukhang mga milyonaryo o bilyonaryo pa.

"I'm just joking, I am just inspired, you know." Ang seryoso niyang aura ay napalitan ng maaliwalas na mukha.

I smiled back at him, I think I know what he's trying to say. Kapareho ko yata siyang inlove. Nakakatuwa naman kapag ang mga tao sa paligid ay punong puno ng pagmamahalan.

"Mayor Ilustre." Seryosong tono ang aming narinig at nagpasinghap sa aking hininga, dali-daling napalingon ako sa taong bigla na lang kumuyapit sa aking baywang at hinigit ang katawan ko papalapit sa kaniya.

The green-eyed monster is again awake. Oh no! Huwag niyang sabihing nagseselos na naman siya?

Grabe, mayor pala ang lalaking kaharap ko, nakakahiya naman at medyo nabara ko siya kanina.

"I see you're acquainted now with my girlfriend." Masungit pa nitong diin sa salitang my girlfriend.

"No need to be grumpy Monteclaro, you're barking at the wrong tree." Nailing na patawa-tawa pa ng butihing mayor.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon