Ako pa pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito? Inano ko ba siya? Napapansin ko palagi na lang mainit ang ulo niya, parang wala na akong ginawang tama sa paningin ni Altis. The pain in my eyes was so obvious, even Altis saw it. I heard him murmur a bad word and continue driving his car.
"Stop the car." I command, he was stunned at saglit akong sinulyapan.
"I said stop this car!" medyo malakas na ang boses ko, galit na galit na ang aking dibdib, parang sasabog na, ang sakit sakit kasi alam ko na lahat ginagawa ko para maging maayos kami, alam ko wala akong ginagawang mali pero sa huli ako pa pala ang problema niya!
Nagiging pabigat na ba ako sa kaniya?
Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at unti-unting pag bagal ng sasakyan, marahan niyang itinabi sa gilid ng daan ang kaniyang kotse at huminto, nakita kong iniangat niya ang handbreak ngunit umaandar pa ang makina nito.
Mabilis kong in-unbuckle ang seat belt at tangkang lalabas ng kotse. Mabilis ko siyang nilingon nang hindi ko mabuksan ang pinto.
"Unlock this door." Seryoso kong birada.
Kitang kita ko ang pagtiim ng kaniyang panga at paghawak ng madiin sa steering wheel. Nakatuon pa rin ang kaniyang mga mata sa harapan ng sasakyan, tila walang naririnig.
"Lalabas ako, buksan mo ang pinto." Mahinahon kong saad.
"Why?" he calmly asked "Babalik ka sa mansyon ng tarantadong Ilustre na yun?" madilim ang mukha niya.
"Saan galing yang tanong na yan? Uuwi ako ng mag-isa!" hindi na ako makahinga sa galit, inis na inis na ako. Hindi pa man officially na kami ay may trust issue na namamagitan sa aming dalawa.
"As if I'm going to let you out." His baritone voice sounds so dangerous, daig pa ang papatay ng tao.
"Hindi na kita maintindihan? Sometimes you're okay then a minute you're not!" napru-frustrate kong usal.
"Kapag lumabas ka sa sasakyan ko, I'll tell you Andrea, ihuhulog ko ito sa bangin na kasama ako!" he exclaimed!
"You're really annoying!" I exasperately said
"Now you're irritated with me, tapos sa mga gagong yun napakasweet mo!" he angrily held.
"Sino? Kanino ako naging sweet?"
"Cut the crap! Kapag sina Andrade o Ilustre ang kausap mo, palagi ka na lang masaya, napakalambing mo sa kanila, simpleng biro lang nila napapatawa ka nang husto! Sa akin napaka stiff mo! Daig mo pa ang nandidiri kapag napapalapit ako sa iyo!" tiim ang bagang na saad ni Altis.
"Look who's talking? Ikaw nga kanina mo lang nakita yung babae sa mansyon ni mayor kung makatitig ka wagas!" sa selos at galit ko hindi ko na iniisip pa ang mga lumalabas sa aking bibig.
"It's not what you think it is!" madiin niyang usal.
"Well for your more information Sir Monteclaro, its not what you think it is too!" I can't hold my tears anymore, sa sobrang galit ko ay napaluha ako. Ganun kasi ako pag nagagalit, kailangan maibsan ang sakit ng aking dibdib kaya sa pamamagitan ng pagluha ay nababawasan ang sakit na aking nararamdaman.
"Baby." Tila binuhusan ng malamig na tubig si Altis ng makita akong lumuluha.
"Don't call me baby! Wala ka nang ginawa kung hindi ang pasakitan ako!"
I saw how he unbuckle his seatbelt, he swiftly grabs and lovingly hug me.
"Stop crying Baby, I'm really sorry." He whispers while wiping my tears away.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
Ficción GeneralLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.