CHAPTER 29

2.2K 35 0
                                    


"Juice ko Andrea! Malapit na akong mahimatay sa sunod-sunod na mga events na tinanggap natin." Lupaypay si Tita Rose sa kaniyang massage chair.

"Me too tita, feeling ko mao-over fatigue ang katawan ko." Habang minamasahe ko ang aking mga binti mula sa pagkakasalampak sa carpeted na sahig.

"Kumusta naman this month?"

"Mas maluwag na tita ngayong buwan, hindi na ganun ka hectic unlike the last two months that we had." Marahang iniunat unat ko ang aking balikat upang maginhawaan kahit papaano.

"Okay, kakayanin ko naman na siguro yan." She replied na ikinakunot ng aking noo.

"Hindi ba I told your ate na papayagan kitang magbakasyon?" napamaang ako sa kaniyang mga sinabi, hindi ko expected yun.

"No need na tita, next time na lang siguro." I insist. Mula ng malaman ko accidentaly na Vera and Altis are now together at may anak na, mas lalong nag-umigting ang pagnanais kong makalayo at hindi na muling magpakita pa sa kanila. Siguro gagawa ako ng paraan para si naynay na lang ang pumasyal rito sa akin. I just want to move on kung kakayanin ko ngang magpatuloy pa sa normal na buhay habang alam ko na masaya na at de-pamilya na ang lalaking hinangad ko mula pa noon.

"Naku hindi pupwede Andrea, your ate booked your flight already, tumawag kasi siya last week sa akin at kinukumusta yung pangako ko sa kaniya so I said that this month you will take your leave na." nagtatakang saad ni Tita. May bahid na pagtatanong ang mukha niya sa naging sagot ko sa kaniya.

"Sa nakikita ko naman sa iyo anak ay okay kayo ng pamilya mo pero bakit ayaw mong umuwi? Mukha namang wala kayong tampuhan ng ate mo o ng iyong ina bakit ikaw mismo ang lumalayo iha?"

Umiling iling na lamang ako "Tita kasi nanghihinayang ako sa sasahurin ko pa sana." Nagpapalusot kong wika ngunit mukhang hindi iyon kinagat ni tita, mataman niya akong pinagmasdan at huminga ng malalim.

"You know how grateful I am because of you, isa kang anghel na inihulog ng langit sa akin, so alam mong walang problema pagdating sa pera. Mabibigyan kita ng bonggang incentives sa laki ng naitulong mo sa akin. I can book a very fancy hotel for you for a month with allowances. An all expence paid vacation just to show you how thankful I am and ofcourse to make you feel na tinuring na kitang anak." Iniwasan kong magsalubong ang aming mga mata, mula nang dumating ako rito at kinupkop ni tita ay hinayaan na lamang niya ako, hindi siya nag initiate na tanungin ako kung anong dahilan ko kung bakit napadpad ako sa kanilang bayan.

"Alam kong may mabigat kang dala-dalahin riyan sa iyong dibdib at alam ko rin na may iniiwasan ka sa lugar na iyong pinanggalingan. Kung ano man ang iyong dahilan at nagdadalawang isip ka pa sa iyong pag-uwi, sana isipin mo ang mga taong naghihintay sa iyo, mga taong nagmamahal sa iyo. Don't close your door iha. Huwag mo akong tularan na tumandang nag-iisa na lamang sa mundo, coz I tell you frankly, it's scary, malungkot at kahit magsisi ka man, huli na. You cannot swim on the same river twice. I wont force you to open up about your problems to me, itunuring mo akong kaanak at sapat na sa akin iyon pagkat mahalaga ka na rin sa buhay ko iha."

Naluluha akong lumapit sa lugar kung saan siya nakaupo and gave her a tight hug. She lovingly embraces me. I know I am lucky to find her.

"Tita it's "You cannot step on the same river twice." Naluluha kong saad na may pinipigilang hagikhik. I also heard her warble.

Ang munting hagikhik ko na iyon ay dagli ring napalitan ng hikbi. Sa isang taon na naganap ay mag-isa ko lang iniiyakan ang pagkakamaling aking nagawa. Tahimik na nananagis sa isang sulok. Hindi ko napagtanto na may taong handang umalalay sa akin kahit hindi ko naman kaano-ano. I'm so blessed kasi kahit papaano ay tinulungan ako ng Panginoon na mapunta sa tamang tao habang ako ay nasa madilim na punto ng aking buhay.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon